back from the start kung saan walang vicerylle
"Sir! Okay lang po kayo?"
Nagising si Vice with his uniform and nakasuot ng id. Nasa coffee shop siya, tambayan ni Vice noon every break.
Vice: Anong nangyari?
Tanong nito sa babaeng nasa harap niya.
"Nawalan ka po ng malay. Nakita po kayo nung guard nakahandusay na kayo sa sahig. Almost an hour na rin kayong hindi nagigising kaya medyo nagpanic na po kami. Tumawag na po kami ng medics."
Bumangon agad si Vice sa pagkakahiga.
Vice: Asan si Karylle?
Natahimik naman lahat sa tanong ni Vice.
Vice: Tinatanong ko kung asan si Karylle.
"Sir?"
Vice: Ano? Asan ba yung kasama ko?
"Sino pong Karylle?"
Vice: Si Karylle, yung girlfriend ko. Yung babaeng kasama—
"Sir, wala po kayong kasama kanina pagpasok niyo. Sino po ba si Karylle?"
Natahimik naman si Vice. Nagmamasid naman si Vice sa paligid niya. The last time bago siya makatulog, ang alam niya nasa garden siya with Karylle.
Vice: basta si Karylle, kailangan ko si Karylle.
"Di po kaya yung Karylle ang dahilan kung bakit nahimatay kayo kanina? We can check the cctv cameras if you want. Marami din po kasing pumapasok dito kanina and pwede natin macheck kung anong nangyari. Nawalan po ba kayo ng gamit sir?"
Chineck naman ni Vice yung bag niya and lahat naman ng importanteng gamit andun pa. Umiling na lang siya sa manager ng coffee shop.
"Okay lang po ba kayo sir?"
Huminga naman ng malalim si Vice. Nagtataka siya kung anong ginagawa niya ngayon sa coffee shop.
Vice: I'm okay.
Tumayo naman si Vice at binitbit na mga gamit niya.
"Sure po ba kayong okay lang kayo?"
Vice: Yes, thank you. And sorry din sa abala, ayos na ako.
"Sir pwede po naming kayong dalhin sa hospital kung kailanga—"
Vice: I said I'm okay. Wala namang nawala sa mga gamit ko and physically okay ako. Wala kayong dapat ipag-alala pagod lang siguro ako. Thank you again.
Nagmadali namang lumabas si Vice ng coffee shop. Naguguluhan man sa mga nangyayari pero pinipilit ni Vice intindihin.
Pagkalabas ng shop, pinagmamasdan lang ni Vice paligid niya. Maraming tao sa lugar kasi katapat ng coffee shop puro stores na sale. Karamihan babae ang nakikita niya na may hawak ng bags.
Vice: This looks familiar. Ano bang nangyayari?
Bulong nito sa sarili niya.
May isang babae naman ang dumaan sa harap niya at nahulugan ng wallet.
Nagmagandang loob naman si Vice at kinuha yung wallet, paglingon niya medyo malayo na. No choice naman si Vice, hinabol pa rin niya.
Vice: Ahm, Miss!
Kakahabol ni Vice naabutan niya rin naman ito.
Vice: Nahulog yung wallet mo kanina sa coffee shop, actually kanina pa kita hinahanap buti na lang di ka pa nakakalayo.
![](https://img.wattpad.com/cover/25067660-288-k621380.jpg)