Arrow 14

1.7K 77 51
                                        

It wasn't easy for Apollo to go back to where he started. Alam niya kung ano ang consequences ng posibleng pagbalik niya kay Karylle at ang pag-give up niya sa simple at tahimik na buhay na meron na siya. He caused conflicts, a lot of conflicts, pero wala naman siyang pinagsisihan doon dahil alam niya na nararapat lang ang ginawa niyang pagbalik kay Karylle sa dati.

Sa ilang linggo na pamamalagi ni Apollo sa iba't-ibang lugar na may iba't-ibang katauhan, nakarating na rin sa kanya ang balita na muling magkasama sina Vice at Karylle. Sa una akala niya nagtagpo lang ang dalawa pero nang malaman niya na kasama na naman si Eros hindi niya maiwasan ang mag-aalala. Kung meron man siguro sa mundo na hindi dapat pagkatiwalaan, si Eros na yun. At ayaw i-risk ni Apollo ang kaligtasan ni Karylle. Ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanya noon.


Vice: Karylle, may bisita kayo sa labas papasukin muna natin.

Karylle: Mamaya na yun.

Vice: Kawawa naman paghihintayin mo sa labas? Sige na please, kanina pa sila dun.

Karylle: Ehhhhh!

Vice: Karylle sige na. Next time na lang ha, sorry.

Karylle: ang daya-daya naman!

Padabog na sabi ni Karylle at dumiretso na sa pinto para pagsarhan ay pagbuksan pala ang bisita nila. Nakahinga naman ng maluwag si Vice at inayos ang sarili bago sundan si Karylle at harapin ang bisita nila.

Nakangiting lumapit si Vice kay Karylle pero ilang saglit lang ay natigilan siya ng makita na ang bisita pala nila ay si Apollo.


Parehong hindi nakapagsalita si Vice at Karylle ng makita si Apollo. Para basagin ang katahimikan, si Apollo na ang nagkusang pumasok sa loob ng bahay at kumilos ng parang komportable siya sa pinasukan niya.

Hindi mapakali si Vice at nakikiramdam kay Karylle.

Vice knows everything at sinubukan niyang ilihim lahat ng alam niya dahil gusto niyang magsimula ulit kasama si Karylle kaya ganun na lang ang pagaalala niya ng makita ang isang tao na naging parte ng nakaraan nila.



Apollo: Kamusta na...Karylle?

Napalingon si Vice kay Karylle ng binanggit ni Apollo ang pangalan niya.

Naiilang, hindi agad makasagot at nakakailang lingon siya kay Vice bago lumapit kay Apollo. 

Karylle: Ah, hindi mo man lang ako sinabihan na uuwi ka na pala. Sana man lang nakapaghanda ako. Ano, ah, eh bakit hindi ka muna magpahinga? Pagod ka siguro sa byahe mo, teka lang lilinisin ko muna yung kwarto mo.

Tiningnan ni Apollo ang direksyon kung nasaan ang kwarto niya. Sinundan yun ng tingin ni Vice at napansin niya na yun ang bakanteng kwarto sa tabi ng kwarto ni Karylle.

Apollo: Actually, natulog lang ako sa bus buong maghapon.

Karylle: Ah, ganun ba...

Ngumiti lang si Apollo at binaling ulit ang atensiyon niya kay Vice.

Apollo: Hindi mo man lang ba ko ipapakilala sa bisita mo?

Karylle: Ha? 

Apollo: Sa kaibigan mo, nakakapanibago lang na may bagong mukha akong nakikita sa bahay.

Hindi makapagsalita si Vice, hindi maprocess ng utak niya kung ano ang mga nagaganap. Kung bakit magkakilala si K at Apollo, kung bakit nasa harap niya si Apollo ngayon, kung bakit umaarte si K na parang magkakilala sila ni Apollo, kung bakit hindi man lang niya makitang tingnan siya ni Karylle ngayon kagaya ng kung paano sila magkausap kanina. Maraming tanong na hindi niya masagot, at kailangan lang niyang sumunod sa kung ano ang nakikita niya ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon