Kinabukasan, nang magising si Karylle ay dumiretso ito sa kusina at binuksan agad ang freezer na tila may hinahanap. Pinagmasdan ni Jhong at Ryan si Karylle na hinahalughog ang laman nito. Napangiti naman si Karylle ng makita ang ice cubes at naupo naman sa sofa.
Jhong: Anong ginagawa mo?
Karylle: Natalisod nga kasi ako di ba kaya ayan, nagapply ako ng ice tapos mamaya lalagyan ko ng bandage.
Ryan: At kailan ka pa concern sa sarili mo? Di mo man gawa dati yan.
Karylle: Ano ka ba naman Ryan, syempre importante 'to. Mamaya tulungan mo ko kailangan ko lagyan ng support yung paa ko para hindi na lumala. Sorry nga pala kahapon, hindi dapat ako umalis ng magisa hayaan niyo next time isasama ko na kayo kapag may lakad ako. Tsaka, teka nagluto na ba kayo? Naku sinasabi ko na nga ba hindi pa. Kailangan hindi ako magpalipas ng pagkain kasi ang payat ko na daw...
"at tsaka wag ka na iinom ng magisa, dapat tawagan mo yung mga kaibigan mo dito. Di ko sila kilala pero sa tingin ko naman mababait sila at di ka ipapahamak."
"Wag ka magpapalipas ng gutom, kumain ka palagi kasi ang payat mo na."
Bigla namang naalala ni Karylle ang isang boses ng lalaki. Hindi niya maalala kung sino yun or kung totoo ba yun kasi parang part lang ng panaginip niya basta ang natatandaan niya lang may isang boses ng lalaki ang pinapangaralan siya.
Karylle: kasi ang payat ko na?
Jhong: payat?! san banda?
Karylle: Jhong, di ba ikaw ang naghatid sa akin sa kwarto ko kagabi?
Jhong: Oo, bakit? Wala akong ginalaw sa kwarto mo ah baka pagbintangan mo na naman ako na ginulo ko yung ayos nun.
Karylle: Hindi yun. Naisip ko lang, paano ba ako nakauwi dito? Ang naaalala ko na lang kasi nakatulog ako sa mesa tapos wala na feeling ko nananaginip na ata ako pero di ko sure. May nakita daw akong lalaki...
Ryan: May nakita ka lalaki pero malabo, di mo kita mukha niya tapos may grupo ng bastos ang lapit sana sa'yo pero...
Jhong: tinabihan ka nung lalaking nakita mo? Inalok mo siya ng beer pero tumanggi siya at sinabi niyang, "Hinahanap ka na sa inyo, andito ka lang pala uwi na tayo." *ginagaya boses ni Vice
Nanlaki naman mata ni Karylle dahil kuhang-kuha ni Jhong at Ryan ang mga naganap sa panaginip niya. Naaamaze siya kung paano nakapasok ang dalawang kumag sa isipan niya.
Ryan: tapos titigan kayo pero nailang siya at umiwas. Hindi ka papatalo at hinarap mo ang mukha niya sa iyo.
Hinarap naman ni Ryan ang mukha ni Jhong sa kanya na sobrang lapit na. Ryan as Karylle, and Jhong as Vice.
Ryan: Harap ka dito, gusto kitang makita. *pabebe voice
Hindi naman agad nakatitig si Jhong kay Ryan at medyo naiilang.
Ryan: Gusto kita makita, gusto komakita mukha mo. Harap ka dito.
At dahan-dahang humarap si Jhong. May pawind effect pa ng buhok at nagslow-mo ito. Maya-maya ay inamoy ni Ryan ang damit nito at nahiya.
Ryan: ang bango-bango mo bes
Sunod namang inamoy ni Jhong ang damit ni Ryan.
Jhong: ang bango-bango mo rin bes, pakiss nga. joke!
At nagkurutan sa tagiliran ang dalawang kaibigan ni Karylle. At si Karylle, nagugulat sa napapanood niya dahil parang totoo talaga na nangyari ito.