Nasa kanya-kanyang pwesto na si Ryan at Jhong. Maingat silang nagtatago at inaabangan ang target. Napa-sign of the cross naman si Ryan at tila kinakabahan sa gagawin nila ni Jhong. Ipinangako kasi nila sa isang kaibigan na kahit anong mangyari kailangan nilang ibalik ang bata sa nanay nito. Hindi naman sa pinepressure sila pero kailangan na nila itong mahanap ngayong araw...
Kailangan nilang mahanap ang anak ni Karylle.
Sumenyas naman si Jhong kay Ryan ng makarinig ito ng tunog malapit sa kanila. Meaning, malapit na ang target sa kinatatayuan nila.
Hindi naman nagkamali si Jhong nang makita ang hinahanap nila. Sumilip ang bata na nagtatago sa kakahuyan at ng makita sila Jhong, agad naman itong tumakbo. Nagulat naman si Jhong at Ryan, kaya wala silang magagawa kundi ang habulin din ito.
Habang tumatakbo ang bata, iniiwasan naman nito ang mga trap na ginawa ni Jhong at Ryan na ang resulta, sila Jhong at Ryan lang din ang nagiging biktima.
Nagulat naman si Ryan ng bigla siyang hilahin ang kanyang paa ng isang lubid na dapat sana ay para sa target nila. Naka-hang na tuloy siya sa itaas ng puno kaya naman wala namang magagawa si Jhong kundi siya na lang ang humuli sa target.
Kukunin na sana ito ni Jhong, nagdive para i-grab ang target pero mabilis itong nakawala at napamudmod lang si Jhong sa putikan.
Agad namang tumayo si Jhong at hinabol ang bata na malapit ng tumawid ng ilog. Ngunit lalapit pa lamang siya ng biglang may dalawang arrows na tumama sa magkabilang puno at doon nahulog ang cage sa target nila dahilan para macorner ito.
Napangiti naman si Jhong with his muddy face ng makitang nahuli na nila ang target. Lumingon naman si Jhong at natuwa ito ng makita si...
Jhong: Karylle!
~~~
Karylle: ang sabi ko kunin niyo ang anak ko, anong kalokohan itong pinagagawa niyo?
Jhong: Karylle, ang importante nahanap na natin ang anak mo. Ayan, safe naman siya.
Karylle: safe?! anong safe?!
Tinanggal naman ni Jhong ang mga nakapalibot na kahoy at binuhat ang anak ni Karylle. Nakita ni Karylle na halos umiyak na ang anak niya sa mga trap na pinagdaanan nito sa kamay nila Jhong at Ryan.
Pero oa lang talaga si Karylle, dahil wala naman itong galos kasi nga lahat ng traps ang nabiktima lang din ay sila Jhong and Ryan.
Matapos buhatin ni Jhong, agad namang kinuha ni Karylle ang anak niya.
Karylle: Hello Baby Alejandro.
Sabi ni Karylle habang kina-cuddle si baby alejandro, hinalikan pa ito ni Karylle sa sobrang pagkamiss sa anak niyang matagal na nawalay sa kanya.
Jhong: Hay karylle! hindi mo alam na buhay namin ang naging kapalit mahanap lang yang biik na yan!
Karylle: excuse me? ang sinabi ko hanapin niyo si Alejandro hindi ko sinabi na gumawa kayo ng military traps na yan na kayo lang din naman ang napahamak. Kasalanan niyo yan!
Jhong: Wow karylle! salamat ha.
Hindi naman pinansin ni Karylle si Jhong at tinanggal ang gps tracker sa maliit na kamay ni Baby Alejandro. Nilagyan kasi talaga ni Karylle ng tracker ang kanyang biik para in case na mawala ito, alam niya kung saan ito hahanapin.
Karylle: ewan ko sa'yo, maligo ka nga ang baho mo.
Hinawakan naman ni Jhong ang mukha niya, inamoy ang putik at doon niya nalaman na ang putik pala kanina ay may halong poop ni baby alejandro.
