Arrow 9

2.3K 141 33
                                    


Kakasend lang ni Karylle ng message ng maramdaman niya ang paglapat ng mabigat na kamay sa kanyang balikat. Agad namang hinampas ni Karylle ang hawak niyang bag sabay takbo. Hindi naman niya alam kung sino ang humahabol sa kanya basta ang alam niya masamang tao yun dahil may hawak itong patalim.

Malapit lang ang bahay ni Karylle sa lugar na yun pero dahil natataranta siya, naiba na ang way niya at hindi na rin niya alam kung nasaan siya ngayon. Nagtago muna siya sa madilim na sulok para hindi siya makita ng humahabol sa kanya. Susubukan sana niyang itext ulit si Jhong kaso last text na pala yung kanina kasi nawalan na siya ng load.

Karylle: wala kang pakinabang!

Reklamo ni Karylle at galit na tinapon ang hawak niyang cellphone.

Karylle: joke, mahal pala bili ko sa'yo.

At agad din namang pinulot ito.

Ilang minuto lang at nasundan na rin agad si Karylle. Pilit sinisiksik ni Karylle ang sarili sa may basurahan at doon siya nagtatago. Tinitingnan niya ang anino ng lalaki na ngayon ay papalapit na sa kanya.

Nakahinga naman ng maluwag si Karylle ng biglang nawala ang anino nito. Siguro ng mapansin nito na wala namang kahina-hinala ay nagiba na rin ng direction. Narinig din niya ang ilang yapak papalayo kaya naisip niya na naligaw na niya ang lalaki.

Lalabas na sana si Karylle ng biglang may humila sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. Pilit kumakawala si Karylle hanggang sa tumigil siya ng makita si...

Karylle: Vice.

Tinanggal naman ni Vice ang kamay niya at sinilip ang lalaking naghahanap kay Karylle.

Dahil sa pagkatahimik ni Vice, nanlaki ang mata ni Karylle at hindi maiwasan isipin na posibleng kasabwat rin si Vice ng lalaki kanina. Ganito kasi ang nababasa niya sa mga libro ngayon, alam na alam na ni Karylle na ang eksenang susunod ay hahatakin ang kamay niya at sasabunutan siya. Dadalhin sa liblib na lugar at doon gagawin ang karumal-dumal na eksena. Hanggang sa aabot na papatayin na siya. Ganitong-ganito ang scenario nun, madilim din, may patay sinding ilaw at tanging silang dalawa lang ang andun. (kakabasa ko ng nakakatakot, ayan resulta haler)

Hahawakan pa lang ni Vice si Karylle ng bigla itong nagsisigaw at tumakbo.

Karylle: Monster! Freak! Psychopath!

Nagulat naman si Vice ng tumakbo si Karylle na takot na takot sa kanya. Naguguluhan man pero hindi niya maiwasan ang masaktan sa mga nasabi ni Karylle.

Vice: Ay ang salbahe. Tinutulungan ka na nga, nilalait mo pa ko.

Pagtatampo ni Vice ng makitang lumalayo si Karylle sa kanya. Tumayo na rin naman siya para habulin si Karylle. Habang naglalakad si Karylle, nakasunod lang si Vice sa likod niya. Alam ni Karylle na andun si Vice sa likod niya at hinahayaan lang din niya ito. Medyo nahimasmasan na rin kasi siya kaya hindi na siya gaanong natatakot kay Vice.

Napapangiti naman si Vice habang pinagtitingnan si Karylle na palingon-lingon na halata pa rin ang pagiging matatakutin. Sabi nila Jhong and Ryan, matapang daw si Karylle pero sa nakikita ni Vice parang hindi naman.

Vice: Hoy, hintayin mo ko.

Karylle: Ayoko, wag kang lalapit sa'kin! Natatakot ako sa'yo.

Vice: Bakit ka naman matatakot? Matakot ka dun sa magnanakaw kanina!

Karylle: Mas nakakatakot ka.

Vice: Hoy Ana Karylle, nakakasakit ka na ng damdamin ah.

Nang marinig ang sigaw ni Vice ay mas binilisan naman ni Karylle ang paglalakad. Pero malapit na siya kay Karylle ng biglang sumulpot ang hindi kilalang lalaki. Nagulat naman si Vice, pumunta siya agad kay Karylle at dinala si K sa likod niya.

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon