Jake: Hi, I'm Jake and you are?
...: Hello, Jake! I'm Karylle. I'm his future girlfriend.
Karylle: Hello Jake! I'm Karylle. I'm his future girlfriend.
Nanlaki naman mga mata ni Vice sa ginawang pagpapakilala ni Karylle sa sarili niya. Kahit si Kaye ganun din pero hindi na rin naman siya nagduda kasi kung makayakap din naman si Karylle kay Vice, masyadong mahigpit.
Kaye: Hi Karylle.
Karylle: Hello! You're so pretty like me. Boyfriend mo siguro si Jake noh? Bagay kayo.
Natawa naman si Jake sa kakulitan ni Karylle pero si Vice naniningkit na ang mga mata sa sobrang inis dahil sa mga nangyayari.
Jake: Ang dami sigurong nakwento ni Vice tungkol sa amin. Yes, you're right, she's my girlfriend and soon to be my wife.
Nagsmile naman si Jake then ganun din si Kaye sa kanya. Tahimik lang si Vice na pinagmamasdan silang dalawa at hindi maiwasang malungkot. Nawala na rin sa isipan niya ang problemang dinulot ni Eros at ang babaeng nakayakap sa kanya ngayon.
Karylle: Wow, congratulations!
Jake: Invite ka namin sa wedding Karylle ha, sana makapunta ka.
Karylle: Ow sure! Kayo naman, maliit na bagay.
Kaye: Vice, Karylle, sorry ha, sorry sa abala. Babe, tara na.
Jake: Bakit ka ba nagmamadali?
Kaye: Kasi may pupuntahan pa tayo.
Karylle: Bye lovely couples! See you on your wedding. Mwah
Nagmadaling umalis si Kaye at hinatak na ang fiance niya papaalis. Naiwan naman si Vice at Karylle dun, pinagmasdan lang ni Vice si Kaye na umalis. Siguro kung nagtapat na siya noon pa lang kay Kaye, malamang siya ang kasama ni Kaye ngayon hindi si Jake.
Habang busy si Vice sa pageemote, si Karylle naman kumikislap ang mata habang tinititigan si Vice. Pasmile-smile pa ito at halatang kinikilig kay Vice kahit wala naman itong ginagawa. Napansin naman ni Karylle ang i.d ni Vice kaya nilapitan niya ito at binasa ang nakasulat.
Karylle: Jose Marie Viceral, nickname: Vice. Ow
Nawala naman ang atensyon ni Vice ng marinig magsalita ang babae sa harap niya.
Karylle: Eeeeee! ang pogi!
Walang sabi-sabi niyakap niya ulit si Vice at hahalikan na sana niya ito sa cheeks ng biglang tinakpan ni Vice ng kamay niya ang labi ni Karylle.
Vice: Eros!
Tinulak na ni Vice si Karylle at agad hinanap ang may pakana ng lahat ng ito...si Eros. Dahan-dahang lumabas si Eros na nagtatago sa likod ng puno at hiyang-hiya kay Vice dahil sa kapalpakan niya kanina.
Vice: Akala ko ba tutulungan mo ko?
Eros: Oo nga
Vice: Eh ano yung nangyari?
Eros: Ano nga bang nangyari? Wa...wala na...naman ah.
Pabulol na paliwanag ni Eros na halatang sinusubukang ideny ang pagkakamaling nagawa niya kanina. Nagtataka naman si Karylle dahil nagsasalita si Vice mag-isa.
Karylle: Ako ba kausap mo?
Lumingon naman si Vice kay Karylle ng nakasimangot. Si Karylle naman, namumula na buong mukha sa sobrang kilig. Lumapit siya kay Vice at nakipagkilala ng maayos since hindi pa rin naman niya kilala ng maayos ang poging kinahuhumalingan niya.
