Nasa rooftop ng isang coffee shop si Eros, hawak-hawak ang isang mainit na kape. Para sa kanya, ito ang pinakamagandang bagay na gawin habang walang trabaho. Nagsway pa ang mga paa niya habang kumakanta ng cold coffee. Chill moments.
Sa sobrang relax ng buhay ni Eros ngayon, hindi maiwasang gumalaw ang kanyang mga pakpak na mas kinagaan pa ulit ng loob niya. Hanggang sa biglang tumunog ang isang dambana na isang hudyat sa panibagong misyon o trabaho.
1 Notification
Biglang lumabas ang isang sulat na nakarolyo pa at nakita niya ang litrato ng dalawang nilalang na pagtatagpuin niya. Wala namang magawa si Eros kundi ang bitawan ang kape at tumayo sa kinauupuan niya upang hanapin ang dalawang ito.
Eros: Here we go again...
Pagkatayo niya kusang nawala na rin ang sulat at lumabas ang pinakaimportanteng bagay na kailangan niya ngayon, ang pinakamamahal niyang bow and arrow.
Nilagay agad ito ni Eros sa likod niya at agad lumipad para hanapin ang dalawang magiging magkasintahan.
Arrowed Girlfriend - Chapter 1
insert casts, may gantiong eksena hahahaha ~
#---------> Intro
Note: Invisible si Eros dito, hindi siya nakikita ng iba although nakakaapekto siya sa paligid at siya rin, naaapektuhan din siya ng mga bagay na ginagawa ng mga tao. Actually, depende rin talaga sa kanya yun kung gugustuhin man niya. And one more thing, nagtatagalog si Eros dito kasi wala lang, trip ko lang. tagalog kasi ang entry, sorry
Nakita na ni Eros ang lalaking hinahanap niya, base sa tangkad nito, sa pangangatawan, at sa itsura na nakita niya sa sulat kanina, siya nga yung lalaking yun. Walang sabi-sabing kinuha niya ang golden arrow sa likod niya at pinana ang lalaki sa harap niya. That boy was struck on his back making him lose his consciousness for a minute. Eros finds the other girl who's the matchmate for the guy, and unfortunately, there are a lot of girls in the shoe salon and Eros is so confused which one is the right girl.
Eros: Eh sino ba sa kanila? Bakit parang magkakamukha na lang sila.
Wala ng magawa si Eros kaya naman ginamit niya ang isang pinaka-malakas na powers niya para mahanap kung sino sa mga babaeng ito ang kamukha ng nasa sulat... ginamitan niya ito ng eeny meeny miny moe.
Nang maituro na ng kamay ni Eros kung sino sa kanila, agad niyang kinuha ang kapartner ng arrow niya at papanain yung babaeng iyon ngunit dahil nasa isang shoe salon sila, masyadong malikot ang babae at hindi maintindihan ni Eros kung paanong way niya papatamain yung arrow niya.
Nagkagulo na naman ulit ng biglang nilabas na ng may-ari ng shoe salon ang sale items nila kaya naman mas lalong nagkagulo ang mga babae at natabig si Eros.
Eros: Kung minamalas ka nga naman! Hay naku
Napakamot na lang ng ulo si Eros at pilit tinatanaw yung babaeng ka-matchmate nung lalaki.
At sa pagmamadali, biglang lumabas na ang babae sa store. Nagulat si Eros ng makitang wala na ang babae sa harap niya at lumabas na. Dahil natamaan na ng arrow ang lalaki, kailangang bilisan ni Eros ang pagpana dun sa babae or else maglalayo na ang landas ng dalawa at magiging disaster ang misyon niya at hindi nararapat na tawagin siyang Cupid.
Nagmadali siyang lumabas ng biglang sinara yung pintuan na naging dahilan para mauntog siya at mapaupo sa lakas ng impact. Tumiklop naman yung mga pakpak niya. HInawakan na lang niya ang ulong naumpog at ng may papasok ulit sa store, dun na lang siya naglakad papalabas.