Naisipan ni Karylle na magpalipas ulit ng gabi sa kwarto ni Vice. Hindi rin naman kasi pumayag si Vice na basta na lang umuwi si Karylle. Pagkalabas ng pinto, naguunat pa si Karylle ng tumambad sa kanya ang nakakatakot na ngiti ni Vice.
Vice: Good morning baby ko!
Si Karylle parang nakakita ng taong sinaniban ng mabait na espiritong gala. Pati kasi tono ng pananalita ni Vice naging malumanay na may kasama pang smile na akala mo angel na bumaba sa lupa.
Dala ni Vice ang breakfast ni Karylle, nasaktuhan din na kakabukas lang ng pinto ni Karylle.
Vice: Sorry medyo late na ba ko?
Hindi naman nagsasalita si Karylle at tinititigang mabuti si Vice, parang may sakit siya ngayon.
Vice: Teka lang, wag mong sabihing nagising kita? Hay dapat pala mas nag-ingat ako papaakyat, nagising ka tuloy.
Napakamot na lang si Karylle at hindi pa rin maintindihan kung anong meron.
Vice: I'm sorry Karylle.
Sinabi ulit ni Vice sa pinakamahinahong boses niya at nag-smile ulit.
Inabot ni Vice yung breakfast kay Karylle.
Vice: Oh sige na, kain ka na tapos maligo ka na, ako na maghahatid sayo sa clinic. Tapos kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako ha.
Tumango na lang si Karylle sa mga pinagsasabi ni Vice.
Vice: Wag kang mahihiya parang bahay mo na rin to, sobrang welcome ka sa bahay ko.
Dati kung makataboy kay Karylle, ngayon kulang na lang siya na yung umalis sa sarili niyang bahay at dun na patirahin si Karylle. Vice echusero.
Tinanggal naman ni Vice ang tsinelas niya at binitbit bago bumaba papuntang sala. Ayaw na niya kasi magambala pa si Karylle sa kahit konting ingay.
~
Papalabas na si Karylle ng makita ulit niya si Vice na naghihintay sa kotse na hindi pa rin mawala ang smile. Kailangan kasing magpalaganap ng positivity kapag andyan si Karylle. Bawal malungkot dapat laging masaya pero oa naman yung kay Vice in a way na natatakot na si Karylle.
Pinagbuksan pa ni Vice ng pinto si Karylle.
Tinititigan naman ni Karylle si Vice mula ulo hanggang paa. Hindi na ito nakatiis at hinawakan na ang leeg pati noo chinecheck kung may sakit ba to si Vice.
Vice: Hahahaha Karylle, nakikiliti ako.
Karylle: Mukhang wala ka namang sakit.
Bulong ni Karylle pero si Vice smile pa rin ng bigla siyang nilingon ni Karylle.
Karylle: Oy Vice
Vice: Yes Baby?
Karylle: Anong ginagawa mo?
Vice: Anong ginagawa?
Karylle: Parang may kakaiba sa'yo ngayon.
Chineck naman ni Karylle si Vice mula ulo hanggang paa.
Vice: Wala kaya, ganito talaga ako Karylle.
Tinititigang mabuti ni Karylle si Vice, kasi may mali talaga sa kanya di niya lang matukoy kung ano yun.
Karylle: Ahhh alam ko na!
Vice: Ano yun?
Karylle: Mas lalo kang pumopogi ngayon.
Bulong ni Karylle sa sarili niya sabay kinilig na naman ng slight. :( Napasmile naman si Vice pero hindi na lang siya nagreact masyado. Meron pa to, may latak pa yung golden arrow.