Arrow 18

3.6K 226 39
                                    

Karylle: Sorry sa abala. Salamat sa lahat ng tulong at awa mo. Hindi na kita guguluhin pa, ako na lang yung lalayo.

Pagtalikod nito, agad na hinatak ni Vice si Karylle at hinalikan ito sa kanyang labi. Nabigla naman si Karylle sa ginawa ni Vice.

Vice's house

Nakaupo ang dalawa sa sofa, kapwa naiilang at lihim na sinusulyapan ang isa't-isa.

Vice and Karylle: Ahm.

Vice and Karylle: Sige ikaw na muna.

Vice: Ladies first, go ahead.

Karylle: Vice...

Bumebwelo pa lang si Karylle, si Vice hindi na makapaghintay sa sasabihin ni Karylle.

Karylle: Hindi naman panaginip yun di ba?

Vice: Ha?

Karylle: Hinalikan mo naman ako di ba? Kasi naramdaman ko talaga yung labi mo dinikit mo sa labi ko. totoo yun di ba? di ba?

Napangiti naman si Vice sa kakulitan ni Karylle. Akala niya kasi kung ano yung sasabihin, yun lang pala. Lumapit naman si Vice kay Karylle.

Karylle: Ramdam ko talaga eh, yung pagdikit talaga nung lips mo sa li---

Hindi na pinatapos ni Vice si Karylle at hinalikan ulit ito, kung kanina agresibo ngayon dahan-dahan lang. After ng kiss, nagsmile lang si Vice kay Karylle.

Karylle: Hala

Sabi ni Karylle na nabigla sa ginawa ni Vice at tinakpan ang labi niya.

Karylle: Bakit mo ba ko hinalikan? May crush ka saken?

Pangiti-ngiti lang si Vice na kinikilig kay Karylle ng walang dahilan. Halos matunaw naman si Karylle sa mga titig ni Vice.

Karylle: Uy sumagot ka nga dyan.

Tinapik ni Karylle sa braso si Vice dahil kanina pa ito hindi nagsasalita.

Vice: Because I like you.

Abot langit naman ang ngiti ni Karylle pero hindi masyadong pinapahalata kay Vice. Para siyang naka-jackpot sa lotto.

Karylle: Ga--gaano mo ko kagusto?

Sabi ni Karylle na nashshy ng konti. Kunwari dalagang pilipina ganern.

Vice: Gustong-gusto.

Sagot ni Vice na sobrang lagkit ng tingin kay Karylle, baliw na baliw na kay Karylle.

Inipit naman ni Karylle ang 23 hair strands niya sa tenga after sumagot ni Vice.

Vice: Hindi... hindi lang kita gusto. Karylle, I love you.

Hindi naman makapagreact si Karylle, di pa nagsisink in sa kanya na may gusto din si Vice sa kanya ngayon mahal naman.

Karylle: I... I die.

Napahawak naman sa dibdib si Karylle na hindi na makahinga, nangangailangan siya ng ilang tanke ng oxygen. Siguro nga kung may katabi to, ilang beses na niyang nasapak.

Vice: Pero Karylle—

Hindi na pinatapos ni Karylle ang sasabihin ni Vice ng biglang tinakpan na nito ang bibig ni Vice.

Karylle: OPPS! Bawal na bawiin!

Hindi pa rin inaalis ni Karylle kamay niya si bibig ni Vice, si Vice natatawa lang.

Karylle: Ang mga bagay na nasabi na hindi na pwedeng bawiin.

Tinanggal naman ni Vice ang kamay ni Karylle sa bibig niya.

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon