Kaye: Ano ba yung gusto mong pagusapan?
Nahihiya naman si Karylle kay Kaye, di niya alam kung pano ioopen yung topic kasi wala naman siya sa posisyon para magtanong.
Karylle: Yung tungkol sa...nakakahiya pala.
Napakamot na lang ng ulo si Karylle, napangiti naman si Kaye kaya hinawakan na nito ang kamay ni Karylle para maging komportable at sabihin kung ano ba yung pakay niya bakit siya nito kailangang kausapin.
Karylle: Ikaw kasi yung pinakamalapit na kaibigan ni Vice, gusto ko lang sanang tanungin kung...
Kaye: kung?
Karylle: Kung kilala mo ba kung sino yung nagugustuhan ni Vice?
Nabigla naman si Kaye sa sinabi ni Karylle, wala kasing alam si Karylle about kay Kaye at Vice ang alam lang nito magbestfriend yung dalawa.
Karylle: Sorry ha inaabala pa kita sa mga ganitong bagay. Gusto ko lang kasi talagang malaman kung sino yung maswerteng babaeng yun. Gusto ko sana siyang kausapin.
Hindi naman makapagsalita si Kaye dahil kilala naman niya kung sino yun, walang iba kundi siya. Nasa harap na ni Karylle yung taong gusto niyang kausapin pero hindi niya pa alam.
Kaye: Bakit mo siya gustong kausapin? Karylle, sa tingin ko hindi mo na siya kailangan pang makilala. Mas makakabuti yung magfocus ka sa inyong dalawa ni Vice, kung ano man yung nangyari noon, nakaraan na yun. Ikaw na yung ngayon.
Umiling naman si Karylle na parang hindi sang-ayon.
Karylle: Para kay Vice importante kung anong nangyari noon, kaya para sa akin importante na rin yun. Gusto kong sabihin sa kanya na sana wag niya ibalewala si Vice. Kasi...kasi sobrang mahal siya talaga ni Vice eh. Kaya kahit masakit man sa akin na makitang umiiyak si Vice para sa iba, tatanggapin ko kasi alam kong yun din naman yung magpapasaya sa kanya.
Kaye: Karylle, bakit mo ginagawa to? Pwedeng mawala sayo si Vice kung sakaling sasabihin mo yan sa kanya.
Karylle: Alam ko, pero ayoko namang angkinin si Vice kung alam kong hindi ako yung mahal niya. Para sa akin, si Vice lang naman. Pero alam kong para kay Vice, hindi ako yung taong para sa kanya. Ayoko namang maging daot sa kung ano yung magpapasaya sa taong mahal ko.
Kaye: Karylle...
Karylle: Ayokong maramdaman ni Vice yung pakiramdam na nineneglect ka ng taong mahal mo, kasi alam ko kung anong pakiramdam nun. At ayokong maramdaman ni Vice yung ganun, ayoko siyang masaktan. Kaya kung may
Biglang sinara naman ni Kaye yung wedding invitation niya matapos maalala yung naging paguusap nila ni Karylle at tinago ito sa drawer.
Kaye: Bakit parang mali ata na hindi ko sinabi kay Karylle yung totoo?
Vice's house
Habang nageexercise naman si Vice sa gym, pilit niyang tinatanggal sa isipan niya si Karylle. Ilang raw na rin kasi niyang napapansin sa sarili niya na may kakaibang pakikitungo na siya kay Karylle na higit pa sa mga inuutos sa kanya ni Eros.
Karylle: Vice! *smiles*
Natatakot naman si Vice sa mga Karylle sa paligid niya, naghahallucinate na.
Karylle: Baby...baby...baby
Parang tinorture naman si Vice at hindi mawala si Karylle sa utak niya.
Vice: Posible kayang nagkakagusto na ko kay Karylle?
Biglang may nagflash namang image ni Karylle na nginingitian siya. Umiling naman si Vice at hindi makapaniwalang kahit imahinasyon na lang, nagagandahan pa rin siya kay Karylle.
