Nasa bahay naman sila Karylle, nagaayos ng mga gamit ni Vice ng mapansin niya ang mga nakatagong regalo kay Vice. HIndi naman maiwasan ni Karylle ang magusisa, lumaki kasi siyang pakialamera.
Karylle: Kanino galing to?
Vice: kay Kaye.
Napa-'ahhh' na lang si Karylle kasi kilala naman niya si Kaye, si Kaye na bestfriend ni Vice. Nagtataka naman si Karylle kung bakit hanggang ngayon nakabalot pa rin yung mga regalo at parang never pa atang nabuksan kasi puro alikabok na rin.
Karylle: Anong laman nito?
Busy naman si Vice kakalinis ng iba niyang gamit sa kwarto kaya hindi na rin niya masyadong maentertain yung mga tanong ni Karylle.
Vice: Hindi ko rin alam
Karylle: Hindi mo pa siya binubuksan? Kelan ba sa'yo niregalo to?
Vice: Christmas gift saken ni Kaye yan eh, year 2000 ata. I forgot.
Nagulat naman si Karylle dahil labing limang taon na pala yung nakakalipas nung niregalo yun sa kanya ni Kaye yet hindi man lang siya nagattempt na buksan yun. Lahat kasi ng regalo ni Kaye kay Vice never niya ginagalaw at tinatago lang. Ayaw din niya pakialaman yun kasi nga importante, baka masira o maluma lang kapag binuksan mo. At dahil numero unong pakialamera si Karylle, siya na ang nagbukas ng regalo para kay Vice.
Karylle: Ay, mukhang masaya!
Napalingon naman si Vice ng makita yung mga piraso nung gift wrap sa sahig at yung hawak ni Karylle. Napatayo siya at biglang inagaw kay Karylle yung regalo.
Vice: Sino nagsabi sa'yo na pwedeng buksan?
Karylle: Ako lang, gusto ko buksan.
Vice: Bakit sa'yo ba to?
Nakapamewang naman si Karylle na sinesermonan si Vice. Si Vice medyo naaasar kay Karylle pero medyo nagbago ngayon compared dati na nagagalit talaga siya kapag may pinapakialaman si Karylle sa kanya.
Karylle: Hay naku, kapag naging mag-asawa na tayo lahat ng property mo akin na rin. So wag kang mag-maasim dyan!
Napakamot na lang si Vice. Biglang inagaw naman ni Karylle yung librong binigay ni Kaye sa kanya, sa paghablot ni Karylle may nahulog namang isang red paper, hindi na napansin ni Karylle yun at agad binasa yung cover ng libro.
Karylle: Oh tingnan mo, mukhang masaya basahin itong libro mo tapos hinayaan mo lang siyang nakabalot dyan ng ilang taon hindi mo man lang ginalaw!
Wala namang magawa si Vice at hinayaan na lang si Karylle.
Vice: Gusto mo ba basahin yan?
Karylle: Oo sana eh, mukhang maganda.
Sobrang excited naman si Karylle sa librong hawak niya, cover kasi about archery. Hindi man alam ni Karylle na athlete pala siya pero parang may something siyang nararamdaman na naexcite na lang siya bigla ng mabasa yung about archery.
Vice: Sige sa'yo na yan.
Nagsmile naman si Vice at pinagpatuloy na lang yung ginagawa niya. Mukhang nagiging magkaibigan na nga si Vice at Karylle dahil kahit yung regalo ni Kaye para sa kanya, naibigay na niya kay Karylle ng hindi man lang naiinis o nagagalit.
Naging busy naman si Karylle sa pagbabasa hanggang sa pinili na lang nitong bumaba at pumunta sa sala para dun ipagpatuloy yung pagbabasa niya. Naiwan naman si Vice sa kwarto niya, napangiti na lang siya ng mawala ang makulit na si Karylle sa paningin niya.
Tiningnan naman ni Vice yung way ni Karylle at napasmile na lang. Nang mapalingon siya sa ibaba, napansin naman niya ang isang letter sa may ilalim ng kama. Kinuha naman yun ni Vice at agad binasa yung nakasulat.
![](https://img.wattpad.com/cover/25067660-288-k621380.jpg)