Karylle: Hello there, my friendly neighborhood!
Nakangiting salubong ni Karylle na may hawak-hawak na basket ng pagkain.
Wala namang magawa si Apollo, pumasok na naman ang isang malaking daot at malaking problema sa buhay niya.
Tinititigan lang ni Apollo si Karylle habang nilalagay yung food sa table.
Apollo: Alam mo bang trespassing yung ginagawa mo?
Parang wala namang naririnig si Karylle at hinahanap kung asan yung kitchen. Nang makita naman ni Karylle, nagmadali siyang pumunta dun para hanapin kung san nakalagay yung mga plato, kutsara, tinidor and everything.
Nainis naman si Apollo kaya sinundan na lang din niya si Karylle.
Apollo: Tinatanong kita di ba, bakit di ka sumasagot?
Karylle: Ikaw kaya nagpapasok saken so malamang hindi na trespassing to, bisita mo na ko.
Nagsmile naman si Karylle at nilagay ng maayos yung plates at binuksan na rin yung tupperware.
Umupo naman si Karylle sa dining at kinuha pa yung isang chair para paupuin si Apollo. Wala namang magawa si Apollo kaya naupo na lang din siya.
First time kakain ni Apollo kasabay ang isang tao, kaya hindi rin siya sanay. Tapos si Karylle pa yung kasama niya.
Karylle: Hmmm ang sarap talaga ng niluto ko!
Nainis naman si Apollo sa pagiging at home ni Karylle kaya naisip niyang iwan na lang ito magisa sa dining kaso tatayo pa lang siya ng bigla siyang hinatak ni Karylle papaupo.
Karylle: Kain ka dali.
Susubuan naman ni Karylle si Apollo pero tinabig nito yung kutsara.
Karylle: say ahhhh
Ginawa namang airplane ni Karylle yung kutsara papasok sa bibig ni Apollo kaso umiwas ito at mas lalong nainis kay Karylle.
Apollo: Hindi tayo close, kapitbahay ka lang kaya wag kang umarte na parang bahay mo to. Pwede ka ng umalis.
Tinuro naman ni Apollo yung pintuan. Natahimik naman si Karylle sa pagiging masungit ni Apollo.
Tumayo naman si Apollo at binuksan yung main door para makalabas si Karylle kaso si Karylle hindi pa rin umaalis sa kinauupuan niya.
Apollo: Aalis ka ba o tatawag na ko ng security para ipakaladkad ka?
Karylle: Ito naman, parang hindi tayo magkakilala
Apollo: Hindi nga.
Karylle: Si Karylle ito yung maganda mong kapitbahay, hello? ako kaya yung kausap mo nun-
Apollo: Hindi kita kilala kaya umalis ka na.
Binuhat naman ni Apollo si Karylle papalabas kasi ayaw pa rin nitong gumalaw. Nabadtrip naman si Karylle sa ginawa ni Apollo pero di pa rin siya umaalis sa tapat ng bahay nito.
Ilang saglit lang binuksan naman ni Apollo yung pinto, at sa pagbukas niya nagsmile naman si Karylle kaso nilabas lang ni Apollo yung basket na dala ni Karylle kanina at pinagsarhan ulit siya ng pinto.
Karylle: Tinatanong mo ko kung bakit ako pumunta dito di ba?
Todo silip naman si Karylle kung meron pang anino ni Apollo malapit sa pintuan kaso wala mukhang umakyat na sa taas.
Karylle: Nabalitaan ko kasi veterinarian ka pala, pwedeng magapply bilang secretary?
Nilapit naman ni Karylle yung tenga niya sa pintuan para hintayin yung sagot ni Apollo kaso wala siyang marinig.
