Apollo's Story

2.9K 141 9
                                        

* para hindi kayo maguluhan kung anong relationship meron si Apollo and Eros. Inedit ko yung totoong story para maipasok yung vicerylle so medyo naiba siya ng konti.

Apollo's story

Present time

Nasa ilalim ng laurel tree si Apollo habang nagmumuni-muni, hindi niya maiwasan ang maalala ang first love niyang si Daphne.

...flashback

One day, nakita ni Apollo si Eros dala yung bow and arrow niya. So naisipan ni Apollo na asarin si Eros.

Apollo: Hoy bubwit!

Lumapit naman si Apollo at sa paglapit niya tumayo naman si Eros pero dahil maliit ito parang nakaupo pa rin. Natawa na lang si Apollo.

Apollo: Sabi nila archer ka daw? Totoo ba?

Tumango naman ang bata at nahihiyang sumagot kay Apollo. Ilang taon na rin kasi siya nitong binubully kaya medyo natatakot na si Eros kay Apollo.

Pinakita naman ni Apollo yung ulo ng snake na hawak niya.

Apollo: Nakuha ko ito nung umakyat ako sa bundok na yan.

Tinuro naman ni Apollo yung bundok malapit sa kanila.

Apollo: Gamit ang lahat ng meron ako.

Napayuko naman ang bata at ayaw na lang patulan si Apollo.

Apollo: Ikaw, ano bang meron ka maliban sa umasa sa kung anong magagawa ng bow and arrows mo?

Napahiya naman si Eros kay Apollo, anyway, yun naman talaga yung gustong gawin ni Apollo from the start, ang mang-asar. 

Pero minsan may point din naman si Apollo, parang nakadepende masyado si Eros sa mga gamit na meron siya hindi sa kung ano yung kakayanan niya.

Apollo: Hindi ka mananalo kung palagi kang aasa sa mga bagay na pwedeng mawala at makuha ng iba, wag kang tatanga dyan! Hindi ka tumulad sa akin, kaya kung kumilos kahit wala akong bitbit na kung ano.

Pang-aasar pa ni Apollo na tuwang-tuwa sa nakikita niya dahil mukhang effective naman.

Apollo: Weak.

Sabi nito bago pa umalis. Naiyak naman si Eros sa mga masasakit na salitang binitawan ni Apollo kaya naman. Lumipad si Eros at dahil sa sobrang inis sa mga arrows niya, nagrelease na naman siya ng arrow basta-basta gaya nung muntik ng mangyari sa movie house.

Hindi alam ni Eros, tinamaan pala ng lead arrow ang walang kamalay-malay na dalaga na nag-ngangalang Daphne.

Nakita naman ni Apollo si Daphne ang isang magandang babae habang naglalaba. Na-love at first sight naman si Apollo kay Daphne na siyang kabaligtaran naman para sa dalaga.

Kung gaano kainterasado si Apollo kay Daphne, ganun naman katindi ang galit ni Daphne kay Apollo sa hindi malamang rason, basta galit lang siya sa presensya ni Apollo.

Pero hindi sumuko si Apollo at ginawa lahat ng makakaya niya para suyuin si Daphne pero wala talaga, masyado itong pachicks, isang gwapo na nga ang nanliligaw ayaw pa.

Apollo: Bakit hindi mo gusto?

Daphne: Bakit ang kulit mo?

Apollo: Hindi ako aalis hangga't hindi mo saken sinasabi kung bakit.

Daphne: Ano ba yung hindi mo maintindihan sa 'Hindi kita gusto, makakaalis ka na'?

Apollo: Wala pang tumatanggi sa akin kaya alam kong hindi yan totoo.

Daphne: Minsan kahit sinasabi mo na yung totoo wala pa ring gustong maniwala sa'yo. Paniwalaan mo kung ano yung gusto mong paniwalaan, wala akong pakiaalam sa nararamdaman mo. Kaya pwede ba, tigilan mo na ko!

Late na ng malaman ni Eros na tinamaan rin pala ng arrow niya si Apollo kaya ganun na lamang ito kainteresado kay Daphne. Si Daphne lang naman ang naging first love ni Apollo.

Si Daphne tinamaan ng lead arrow (kaya nagagalit kay Apollo) at Apollo tinamaan ng golden arrow. Kaya ganun na lamang ang pag-care ni Apollo kay Karylle dahil kahit siya mismo naging biktima ng arrows ni Eros. Nakikita niya sarili niya kay Karylle everytime na lumalapit ito kay Vice at tinataboy lang siya.

Ilang linggo rin ang lumipas, araw-araw sinusubukan ni Apollo na ligawan si Daphne pero wala talagang nangyari at pinagtatabuyan lang si Apollo ni Daphne, hanggang sa dumating yung time na nakukulitan at naiinis na si Daphne at humantong sa isang matinding desisyon.

Through a prayer, Daphne cursed herself para makalayo lang kay Apollo. Unti-unti, nagtatransform siya into a laurel tree. Huli na ang lahat ng makita ni Apollo si Daphne.

Hindi nagkatuluyan ang dalawa ng dahil sa arrows ni Eros.

end of story


Present time

Naluha naman si Apollo ng maalala niya yung mga nangyari noon. Nalaman din niya lahat na si Eros ang dahilan kung bakit hindi sila nagkaroon ng happy ending ni Daphne.

Apollo: Sorry, wala akong nagawa.

Hinalikan naman ni Apollo yung tree. After ng araw na yun, naging sacred na kay Apollo yung laurel tree kasi si Daphne yun. Kaya nagalit din siya kay Karylle nung pinutol yung sanga nun.

Si Apollo rin yung greek god na may suot na laurel crown, sabi niya kasi yun ang nagpapaalala sa first love niya.

#---to be continued--->

Arrowed GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon