KABANATA 2

23 1 0
                                    


        💎ALIA REYES💎

" Aliiiiii, nagpalista kana para dun sa sasama sa outreach medical mission ng hospital natin? "



Tanong sakin ng kasama kong Nurse dito JAVIER MEDICAL center. Bago palang kami dito mag iisang taon pa lang. Mapalad nga kaming dalawa at na absorb kami ng management ng hospital after ng OJT namin.


Mahirap kaya makahanap ng trabaho pag Fresh graduate ka palang at wala pang experience masyado sa field mo.


" Hoy! tinatanong kita kong sasama ka sa medical mission. Lutang ka na naman jan! "


" Sorry may iniisip lang, ngayon na ba yun? Akala ko ba next month pa yun. "


" Ngayon na yun sezz! Ano sama ka? Sama kana para naman may kausap ako dun. "


Plano ko naman talagang sumama, kaya nga ako nag nurse para makatulong sa mga taong kagaya nila na nasa laylayan o malayo sa kabihasnan. Nakalimutan ko lang mag pa line-up agad.


Kaya sinamahan niya na akong magpalista sa admin para sa sasama sa Medical Mission namin sa Gubatnon.


Nang makita ko ang listahan ng sasama dun medyo madami dami na din pala ang nag volunteer para sumama sa Medical Mission.


Tapos napansin ko yun isang pangalan nasa pinaka unahan ..


" Sasama din pala si Doc Javier? " tanong ko kay Vanz


" Hala! Oo nga noh! Sasama siya talaga? Kelan pa siya nahilig sa ganito. Eh diba nga masama ugali niya. Kelan pa siya tinuboan ng bait at naisipan niyang mag-kawang'gawa " reklamo pa niya.


Well, totoo naman din kase.


Kilala si Doc Javier ka pagka strikto at moody dito sa JMC. Isa siya sa mga nagpahirap samin mga intern nun OJT days namin dito sa Hospital. Kahit nga mga Intern na Doctors ayaw din kase siya. Napaka seryoso niya kase sa trabaho at perfectionist pa. Magkamali ka lang ng isang beses, mapapahiya kana sa kanya.


Pagagalitan ka nga ng sobra na to the point na maramadaman mo parang may mali sa buong pagkatao mo. Ganyan siya ka samang tao.


" Malay mo naman nagbago na siya diba. " sagot ko nalang kay Vanz


Ewan ko ba kahit gaano ka sama ang trato ni Doc Javier samin pero diko magawang masuklam sa kanya. Pakiramdam ko kase may malalim na dahilan kaya ganyan ang ugali niya. Naniniwala kase ako na bawat ugali ng mga tao ay konektado sa experiences nila sa buhay.


" Alam mo Aliiii, umamanin ka nga sakin. May crush ka ba kay Doc Javier. Dati pa lang napapansin ko na talaga lage mo siyang pinagtatangol "


tinawanan ko lang si Vans sa sinabi niya


ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon