KABANATA 53

5 2 0
                                        


                                                ⚜️Alia⚜️


Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. Hindi pa din ako makapaniwala. At heto kami ngayon inaayos ang mga gamit ni Bella rito sa hospital room niya. Inaayos na ni Keelan ang bills niya at bago mag dilim aalis na sila.



Pansamantalang magkakalayo muna kami ni Bella. Habang di pa nahuhuli yung galamay ng kilusan rito sa Valencia. Simula nung makaalis yung Mommy ni Kendrick rito ay tahimik lang siya at sobrang lalim ng iinisip.


"Okay ka ba Bells?" tanong ko sa kanya habang nilalagay sa bag yung mga gamit niya.


"Ali, makikita pa kaya natin ulit si Kendrick? " malungkot na tanong niya sakin.


" Oo naman Bells, maliit lang naman ang Valencia at kilala ko yun. Maghahanap yun ng paraan para makita tayo. Wag kana kase mag-isip ng masama diyan."pagpapa-gaan ko ng loob niya.


" Iba lang kase pakiramdam ko sa nangyayari Ali. Pero sana nasa maayos lang si Ken ngayon."


"Bellaa. Everything is gonna be alright. Magtiwala ka lang, Okay? Nandito lang kami para sayo."


" Pati sayo malalayo na din ako. Hindi ko nga alam kong saan ako dadalhin ni Keelan pagkatapos rito. "


" Pansamantala lang naman yun eh. Pag okay na lahat at ligtas kana ulit. Pwede na ulit tayong lahat magkasama-sama. Konting tiis lang Bells."


" Mamimiss kita Ali,ma-mi'miss ko yung mga bonding natin sa dorm. Ma-miss ko din luto mong ulam. Sigurado ma-mimiss din kayo ni Shadow. Nasanay na kaming kasama kayo palagi eh. Mag-iingat ka ah. Kayong dalawa ni Doc Aden. Mag-iingat kayo."


"Heto naman!! MMK agad?. Bells hindi ka pupunta ng abroad ah. Nasa Valencia lang din naman tayo. Pwede parin naman tayong magkita-kita anytime. Palipasin lang muna natin to. Sa ngayon magfocus ka nalang muna ALS exam mo. Isang buwan nalang yun diba?"



" Oo, sa dami ng nangyari nakalimutan ko mag-e'exam pala ako para sa ALS sa susunod na buwan. Parang nakalimutan ko na nga lahat ng ni'review ko sa dorm mo Ali."


" May oras ka parin naman Bells para makapagreview. Malay mo dun sa place ni Keelan makakapag-aral ka ng maayos dun ng malayo sa peligro."


" Sana nga Ali. Kailangan ko rin to para ma alis ang atensyon ko sa nangyayari sa atin."


" Basta gamitin mo yun mga notes na ginawa namin para sayo ah. Banyo lang ako saglit. Papunta na raw rito si Keelan. " paalam ko sa kanya.


Mabilisan akong nagtungo sa banyo. Ayaw kase ni Keelan na iniiwan kong mag-isa si Bella.


Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko sa banyo ng marinig ko ang paglakas ng boses ni Bella.

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon