KABANATA 45

2 2 1
                                    


                                                        ⚜️Bella⚜️


Habang nasa Truck ay pilit ko parin ni rerevive si Kuya Butler. Pilit kong inaalala lahat ng tinuro sakin ni Alia kong paano mag ligtas ng buhay.


Natatakot na baka mahuli na ang lahat at di na siya umabot sa hospital.


* Kasalanan ko talaga tong lahat. *


Dahil kasama nila ako napapahamak at nalalagay sa sila sa peligro..


Sana hindi nalang ako pumunta rito sa Valencia. Sana nanatili nalang ako sa Gubatnon. Sana hindi nalang ako sa kubo ni Lolo.


* At sana hindi ko nalang sila nakilala *


" I know what thinking Bells. It's not you fault. Walang may gusto sa nangyari. Don't worry. My Butler will be alright. We're gonna the reach JMC in no time " kendrick.


Sobrang bilis na nagpamamaneho niya ng truck at kulang nalang paliparin niya to.


" Kuya Please, Wag kang susuko. Malapit na tayo " pinipigilan kong umiyak.


Alam ko natatakot din si Kendrick para buhay ng Butler niya. Nanginginig pa nga yung kamay niyang nakahawak sa manobela.


Parang kapatid niya na si Kuya Butler, matalik na kaibigan. Kaya sobra sobra din ang takot na nararamdaman niya ngayon.


Hindi niya lang pinapakita sakin para hindi ako lalong mag-alala.


Gusto kong pabilisan ang Oras para makarating na agad kami sa JMC.


Para magamot na agad nila si Kuya.


Lord tulungan niyo po si Kuya Butler. Iligtas niyo po ang buhay niya. Nag-mamaawa po ako sa inyo.


Niligtas niya po ako nung kinidnap ako ng mga kalaban. Mabuti po siyang tao. Parang awa niyo na tulungan niyo po siya.


Pangako po pag nakaligtas siya. Lalayo na po ako sa kanila. Uuwi na po ako kay Lolo sa Gubatnon. Para maiwas na po sila sa kapahamakan dahil sakin.


Pangako po..


*******


Pagkarating namin sa Emergency entrance ng hospital. May naka abang na agad na mga nurses at Doctor sa labas may dala silang stretcher na naka waiting. Agad nag park si Kendrick sa harap.


Dadali siyang bumaba para buksan ang pinto ng truck. May pulso pa si Kuya pero mahina na. Pero hindi ako tumigil mag pump sa kanya.


Pinagtulungan nilang ibaba si Kuya Butler at isakay sa stretcher. Tapos tinakbo na agad nila sa loob ng Hospital. Tinulangan ako ni Kendrick bumaba sa truck kase nangangalay na talaga ang mga braso ko at parang dumidilim na din ang piningin ko.

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon