KABANATA 26

6 1 0
                                    


      ⚜️Bella⚜️



Pagkatapos namin kumain ni Kendrick agad din siyang nagligpit ng pinagkainan namin at naglinis ng lamesa.


Gusto ko sana siyang tulungan kaso mas gusto niya na maupo lang ako dito sa sofa. Siya nalang daw ang maglilinis at magpahinga nalang daw ako.


Nakakatuwa tingnan si Kendrick kahit halata mo sa kilos niya na hindi siya sanay sa gawain bahay at nagsisikap talaga siyang matuto para tulungan kami. Inaalagaan niya talaga ako ng sobra na halos pati suboan ako sa pagkain ay gagawin niya talaga.


Minsan napapaisip ako bakit sobrang alaga niya sakin. Ngayon lang naman kami nagkakilala . Pero yung concern niya sakin sobra sobra. Ayoko naman bigyan ng ibang kahulugan yun mga bagay bagay na ginagawa ni Kendrick sakin. Kagaya ng sinasabi ni Alia.


Kase baka ganun lang talaga si Kendrick, mabait at maalalahanin.


Natapos na siya sa paghuhugas ng mga plato, ingat na ingat pa nga siya na hindi mabasag dahil sesermonan siya ni Alia. Nagtapon na din siya ng basura namin sa labas kahit konte pa lang naman yun laman ng trashcan.


" I'm done Bells " sabi niya ng makalapit sakin


" Galing ah, matutuwa na si Ali sayo Ken (^__^) " tapos nag thumb ups ako sa kanya.


" Easy peasy" naka ngiting sagot niya sakin.


" Ready kana ba,alis na tayo? " kinuha ko na sa gilid yung mga laundry bag na prinepare na ni Alia bago umalis.


Pero bago ko pa mabuhat yun inaagaw na sakin ni Kendrick.


" What are you doing bells? " takang tanong niya sakin.


" Uhm, tutulungan kang magbuhat ng labahin " sagot sa kanya


" Nope not gonna happen!. You really think that i will let you carry heavy things? " hindi makapaniwalang tanong niya sakin.


" Keeen, magaling na ako. Maayos na yun sugat ko. Pwede na akong magbuhat tsaka magaan lang naman yan eh"


" Nope. Just walk outside. Ako ang magbubuhat neto. Baka mabinat ka pa patay ako kay nurse Alia. "


Wala na akong nagawa at sumunod nalang sa kanya. Nakita ko si shadow na naka tayo na din at gustong sumama samin. Tumingin ako kay Kendrick.


" Pwede ba natin isama si shadow sa pupuntahan natin ken? "


" Yup, we won't leave him here. Malulungkot siya. May diaper na ako sa kotse for him. "


" Diaper para sa aso? May ganun ba? " hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon