⚜️Bella⚜️
Matapos maakyat nung mga lalaki yung bed na sinabi ni Ali. Tinulungan ko siyang ayusin at ipwesto yung kama na hihigaan ko. Mabuti na nga lang medyo malaki itong kwarto niya. Kasya pa din kahit nagdagdag kami ng isang kama.
" Sure ka ba talaga na okay lang na nandito ako Ali? " hindi ko padin kase maiwasan isipin na sobra sobra na yun tulong na binigay nila sakin.
" Oo naman!! Excited nga ako eh. Ang tagal na kaya nun huling may kasama ako dito sa kwarto. "
" May kasama ka rito dati? " tanong ko sa kanya.
" Oo, mga nursing student kami dito. Apat kami dito nakatira may double deck kase tong kwarto nato nung college ako " paliwanag niya pa.
" Nasaan na sila ngayon? Hindi na kayo magkasama? "
" Hindi na, mas gusto nila mag practice ng nursing sa lugar nila eh. Tapos naiwan ako dito, ako lang kase na absorb ng JMC after namin mag OJT dun. "
" Pero friends pa din kayo kahit malayo na kayo sa isat-isa diba?. "
" Oo naman, may contacts pa din naman kami. Minsan nag chachat at vcall ganun pag hindi busy sa work. "
" Buti naman kong ganun Ali " habang inaayos ko yun punda ng unan na binigay niya sakin.
" Ikaw ba, may mga friends ka dun sa Gubatnon Bells? " biglang tanong niya.
" Dati meron, pero ngayon hindi ko na alam eh "
" Hah? Pwede ba yun? Bakit nasaan ba sila "
" Ewan, yung iba siguro patay na, yung iba nasa kilusan na. at yung iba baka lumayo na "
" Ang scary talaga ng place na yun Bells. Jusko. Everytime na may medical mission yun lage maalala ko talaga. Nakaka trauma.Hindi ko nga alam kong makakasama pa ako sa mga outreach program ng JMC sa mga susunod na panahon eh."
" Ang importante ligtas tayo nakaalis dun Alia"
Hindi lang trauma, ipapakita sayo ng lugar na yun kung paano mamuhay sa imperno.
" Hala shucks! Nakalimutan ko. Isa nga lang pala comforter ko dito." worried na sabi niya sakin.
" Hindi okay lang sakin kahit mag jacket or towel nalang ikumot ko Ali. Wag kana mag-alala. "
Natiis ko nga lamig sa basement at kweba ng ilang taon diba.Ito pa kaya.
" Ay nako! Hindi pwede, magagalit yung boys sakin. Bumili nalang tayo maaga pa naman eh. Ano game ka? "
BINABASA MO ANG
ARROWS OF THE FOREST
RomancePROLOUGE: Do you know what the most terrifying aspect of life is? Ito yun katotohan sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat. Pwedeng masaya ka ngayon pero bukas hindi na. Pwede din buhay ka ngayon pero bukas pinaglalamayan kana. What are you scare...