KABANATA 55

7 2 3
                                    


                                                     ⚜️Bella⚜️


Naalimpungatang ako sa tunog na parang barko. Nasa port na pala kami ni Keelan at sasakay na sa Roro patawid sa islang sinasabi niya.


Kanina pa siyang nagdradrive at malalim pa din ang iniisip.


" Ayos ka lang Kee?. Hindi ba nangangalay ang braso mo, kanina ka pa nagmamaneho. " tanong ko sa kanya. sabay abot ng pagkain kay shadow.


Baka nagutom na kase siya mahaba na ang binyahe namin.


" Ayos lang ako Bells, medyo malapit naman na tayo sa resthouse. Magpapahinga din ako pag dating natin run. "


" Malalim ang iniisip mo ah, may problema ka ba Keelan? "


" Wala, napapaisip lang ako kong hindi ko ba pagsisisihan na umalis tayo at hindi ko man lang nasabi sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. " seryosong sagot niya sakin.


" Bakit nga ba kase hindi mo maamin kay Alia na gusto mo siya Keelan.Ano bang kinakatakot mo? "


" Magulo at Delikado ang trabaho ko Bella. Ayokong madamay siya. Mas ligtas siya kasama ni Aden dun sa Valencia. "


" Bakit ikaw nagdedesisyon para diyan Kee?. Hindi pwede kausapin mo muna si Alia at pakingan mo yun side niya. Malay mo naman pwedeng gawan ng paraan. Kaya mo naman siyang protektahan diba?"


" Kaya ko nga nilihim to para maprotektahan siya eh. Saka nalang kong maayos na lahat at wala ng gulo. Magtatapat ako sa kanya Bells."


" Paano kong sa panahon yun meron ng nagmamay-ari sa kanya Kee. Paano kana? "


" Kong ganun man ang mangyari eh wala na akong magagawa run Bells. Tadhana nalang ang bahala sa amin dalawan ni Alia. Kong para talaga siya sakin, pagdating ng araw mangyayari yun. "


" Sana nga Kee, Sana nga talaga may panahon pa kayong dalawa na maging masaya. Kahit kayo nalang dalawa ni Alia. Magiging masaya na ako. "


" Anong ibig mong sabihin riyan. Sumusuko kana kay Kendrick, Bells? "


"Ewan ko Kee, Hindi ko nga alam kong nasaan siya ngayon eh. At kong magkikita pa kaming muli. Bahala na kong anong mangyari."


Mas okay narin siguro to, atleast hindi na siya paparusahan ng Lolo niya dahil sakin. At hindi narin madadamay ang mga kaibigan ko.


Ito ang mas makakabuti para sa amin lahat. Babalik din sa normal ang mga buhay nila. Kagaya nun hindi pa nila ako kilala.


Mas pagtutuunan ko nalang muna ng pansin ang ALS exam ko.


Bigla kong naisip lahat halos ng kwento ko alam ni na Keelan pero wala man lang kaming kaalam-alam tungkol sa buhay niya maliban sa trabaho niya.

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon