KABANATA 52

5 2 0
                                        


                                                                        ⚜️BELLA⚜️


Matagal akong tiningnan ng mommy ni Kendrick. Parang binabasa niya yung nasa isip ko at nararamdaman ko ngayon.


" Ano po gusto niyong pagusapan ma'am? " tanong ko sa kanya.


" Do you love my Kendrick hija?"


Unang tanong niya na hindi ko alam kong paano sasagutin.


Mahal ko ba si Kendrick?


Hindi ko rin alam talaga.


" Hindi ko po alam ma'am. Ang alam ko lang masaya ako pag kasama ko siya at palagi akong nag-aalala sa kanya. At nalulungkot ako pag hindi ko siya nakikita. "


" That's love then. Young love. Alam mo hija hindi naman ako against kong magmahal man ang anak ko. I want him to be happy. But i can't watch my son get into trouble just because he's inlove. Just like what happened to me. I don't want him to face all the struggles that i been through." malungkot na sabi niya sakin.


" Ano po ibig niyong sabihin ma'am?"


Hindi ko kase maintindihan kong papaano mapapahamak si Kendrick dahil lang sa pag-ibig.


" I will tell you a story about my past hija and i hope you would understand where I'm coming from."


Tumango lang ako sa kanya.


" Kasing edad mo lang din ako nung una kong mga kilala ang daddy ni Kendrick. JMC was a famous hospital back then. My ancestors built this place with blood and sweats. But misfortune happened. Isa sa mga Business investor ni Papa ang lihim na nagnakaw ng funds ng hospital. Until oneday nagising nalang kami na JMC was barely surviving to stay in operation. Nababaon na din sa utang sa Papa sa bangko at sa iba pang negosyante dito sa Valencia. "


Pagkwento niya pa sakin.


"Then Condrad Razon offers to help us save my family's company. Binigyan niya ng malaking halaga si papa para makabangon ang hospital namin. At first we taught he's an angel from heaven. Kase tinulungan niya agad si Papa that time. But it didn't last long. A month later he wanted Papa to pay every money he gave to him at a 50% interest. Wala yun sa usapan nila ni Papa. He clearly said in the contract that we can pay him in allotted time."


Parang niloko niya pala yun family ng Mommy ni Kendrick.


" But he has legal proof that it was all in the agreement na pinirmahan ni Papa at pag di kami nakabayad with in a month. Mapupunta sa kanya ang JMC. My father sacrifice too much for this hospital. " malungkot na sabi sakin ni Ma'am Bianca.


" Napilitan si Papa ibenta ang ibang shares namin sa JMC to other stock holders. Pero spawn lang din pala siya ni Don Condrad Razon. Now they owned 70% of the company. We only got 30% of our own company. Yun nalang natira samin. And that's because i married Kendrick's father. "

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon