REINA JOY
"Bente bente!" Napabuntong-hininga si Quintin dahil sa akin at saka ako binigyan ng bente.
"Sabi ko naman kasi sa'yo na sa puti eh. Hindi ka nakinig, naka bayad ka pa tuloy." Tsk tsk. Binilang ko ang perang nasa daliri ko ngayon at tumawa ng malakas.
"Ang malas mo, Quin! Ang rami na niya tuloy pera," ika Shannon.
"Kasalanan ko ba na tama ang mga hula niya?" sagot ni Quintin. Tinawanan ko lang sila at iwinagayway ang pera ko sa mukha nila.
Naka 1,500 lang naman po ako ngayon bwahahahaha!
2nd day ng LNK at kung marami ang tao kahapon, mas marami ngayon!
Pinapasok na kasi ng mga guard yung mga hindi taga JM since LNK nga at hinayaan silang mag libot-libot sa lugar. Binabati ako nung mga nakakilala sa akin at sinasagot ko lang sila ng ngiti.
Music sa perya yong Shut Up and Dance kaya marami ang napapahead bang kasi alam nila yung kantang yon at isa ako sa kanila. Hindi ko rin mapigilang hindi mapaheadbang.
"Sa Pula yan." Tiningnan ako ni Quintin hawak-hawak ang pera niya.
"Maniniwala na nga ako sa'yo. Nakakainis 'to." Nilagay nilang lahat ang pera nila sa pula pero ang nanalo ang puti kaya tiningnan nila ako ng masama.
"Reina. Joy..." Hehehehe
"Hehehe!" sigaw ko dahil inakbayan nila ako at hindi nilubayan ng tingin.
Tinananggal ko ang kamay niya sa balikat ko at tumakbo ng mabilis.
"GIVE BACK THE MONEY!"
"AYOKO!"
"GO AFTER HER! HUWAG NIYO SIYANG IPALAYO. SCAMMER!!!!"
***
Inayos ko ang gulo-gulo kong buhok at nginusuhan sila. Binawi nila yung pera at bente lang yung tinira sa akin. "Anong mabibili ko nito?" tanong ko sa kanila. Shannon smiled at winiggle ang kilay niya.
"Ice cream." Ehh ayoko ng Ice Cream!!
"Ang daya nyo! Pinaghirapan ko yan tapos babawiin niyo?!"
"Pinaghirapan din namin tong pera no," sagot ni Eugene.
Kumuha ako ng bato at tinapon yon sa direksyon niya na ikitawa niya ng malakas. "Ren, mayaman ka na, kami hindi. Diba?" Nagtawanan yung mga loko kaya tiningnan ko sila ng masama at pinag-babato ng bato.
Sila? Hindi mayaman? Mukha nila.
"Bwesit kayo!"
Tinawanan lang nila ako kaya inayos ko ang damit ko at umalis sa tabi nila para bumili ng dirty ice cream, pina-init nila yung ulo ko eh. I need to cool down. Charaught.
"Isa po yung nasa baso." Binigay ko sa sorbetero yung bente ko at hinintay siyang matapos magscoop ng ice cream at binigay sa akin.
"Salamat po." Bumalik ako sa perya habang kumakain ng ice cream at sinipa ang pwet ni Carlo.
"Aray! Bakit?"
"Wala lang."
"Oy Ice cream penge-"
"Gusto mong tadyakan ulit kita? Bumili ka ng sa'yo." Sasagot pa sana si Carlo pero natampal ko ang mukha niya dahil nag vibrate yung cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ni Kuya at lumayo muna sa boys.
"Yes mah brother?"
[your dog! pooped] I can feel it. I really can feel it, the annoyance in his voice bwahahahahaha
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...