REINA JOY
"KUYA! KINUHA MO BA ANG LOTION KO!?" I screamed, storming in his room.
"I'm using it," I puckered my lips at umupo sa kama niya para kumuha ng lotion.
"Mag sunscreen ka kaya, Kuya. Na-i-itim na mukha mo."
Tiningnan ni Kuya yung sarili niya sa salamin at saka sinuri ang mukha niya. "Oo nga no?" Lumabas siya sa kwarto niya at pagbalik niya, dala na niya yung sunscreen ko.
I shrugged my shoulders. Naglotion nalang din ako at hinayaan siya kasi minsan lang naman siya nanghihingi ng mga gamit ko.
Pagkatapos ko mag lotion, pinababa na ako ni Kuya para kumain kasi tapos na daw siya na sinunod ko naman kasi nagugutom na rin ako. "Ngayon ang awarding ng Face Painting at Cooking v-log," he stated while he's walking down the stairs.
"Oh? Tapos?"
"If I win, ililibre-"
"HEP! TUMAHIMIK KA. Kinuha mo kaya ang allowance ko."
"Ay, oo nga pala," Tumawa si Kuya at kinuha yung bowl ng noodles ko at saka ininom ang sabaw. Grabe talaga! Tinira ko nga 'yon para inumin eh.
Sinuntok ko ang braso ni Kuya pero tumawa lang siya at kinuha ang susi ng kotse niya sa Divider tapos umalis. Napairap ako at hinugasan nalang ang bowl na pinagkainan ko at kinuha ang Fendi shoulder bag ko tas sumunod kay Kuya sa labas.
Hindi ko alam kung bakit pa ako nagdala ng bag e cellphone lang naman ang laman non. Ewan ko din sa sarili ko kung ano ang trip ko ngayon.
Baliw na ata ako?
Sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Kuya at sinuot ang seatbelt, nag-maneho na siya at bumaba pa para esarado yung gate tapos pumasok ulit para magdrive. I never heard him open up about sa nangyari kagabi na mas ikina-eager ko na tulungan si Eugene. I don't know if he really has plan to help Eugene basta tutulong parin ako.
Tutulong ako kay Eugene— sa negosyo nila whatever happens.
Tutulong akong ipalago ulit yung bakeshop nila and I might need some little help with Carlo kasi apaka joyful rin nung batang yon. I'm sure matutulungan niya ako. All I just need to do is wait kung kailan hindi na ako busy
Para walang sagabal ganern!
"Dito na ako Kuya! San ka ba, sa dome?" tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt. Tumingin si Kuya sa plaza na maraming tao.
"Yep. Hindi ka ba pupunta don?" he asked sadly kaya napatingin ako sa kanya.
"Kung doon gaganapin ang awarding, syempre pupunta ako hehehe" Hinalikan ko ang pisngi ni Kuya bago bumaba ng kotse. "REN!" That's Carlo. Kakarating lang din niya at syempre inaway niya ako at tinanong kung bakit ko daw siya tinakbuhan kahapon!
"Natatae na kasi ako. Ikaw naman kasi bakit mo pa ako hinabol, abnormal to." Kinunyatan ko si Carlo kaya ngumuso yung loko at nagdahilan pa. Nagsidating ang ibang Class Zero kaya nginitian ko sila. Hinahanap ng mata ko si Eugene pero wala siya kaya napabuntong-hininga nalang ako.
Mukhang sineryoso niya yung inadvice ni Kuya sa kanya na maghanap ng trabaho. Well tama naman talaga si Kuya don.
"REINA JOY! MANUNUOD KA?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nginitian sila Cecil. "Saan?" tanong ko sa kanya at niyakap siya pabalik.
"Sa dome. Awarding ngayon. Diba kasali kuya mo sa cooking contest?" Tumango ako sa tanong niya at pinulupot ang braso ko sa braso niya.
"Sige—"
"Mamaya na! TikTok muna tayo!" My eyes grew wide dahil si Quintin ang nagsabi non.
"Where's your girlfriend though? Girlfriend mong maarte?" Siniko ko si Belle dahil sa tanong niya kay Quintin pero ngumuso lang siya at bumulong sa akin, "Totoo naman" Totoo naman talaga.
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...