REINA JOY
Pinapili ako ni Kuya sa brochure kung anong style daw ng buhok ang gusto ko.
Dahil sa ginawa ni Donna sa buhok ko, Kuya have no other choice but to allow me to cut my hair. Mabuti nalang at hanggang bewang ang buhok ko at konti lang yung naputol ni Donna kasi kung hindi, baka naghestirical na 'to si Kuya ngayon. Ayaw na ayaw pa naman niyang pinuputol ang buhok ko.
"Ito po akin," sabi ko at tinuro ang Curtain bangs. Tumango ang maggugupit sa buhok ko kaya sinarado ko yung brochure at tumingin kay Kuya na nakaupo sa sofa doon sa likuran at nagce-cellphone.
Binalik ko ang tingin ko sa salamin at napabuntong-hininga. Pinutol nung babae yung buhok ko sa likuran muna kasi siya na daw bahala doon at kailangan ko lang daw magtiwala sa kanya.
It's already 10 am and the Folk Dance will start later at 1 pm. Grade 11 ang mauuna, at since pinakahuli kami sa Grade 11, okay lang kung 2pm ako makarating sa school.
Nakaidlip ako habang inaayusan ako nung gumigupit sa akin and I open my eyes nang may tumapik sa braso ko. Itinaas ko ang tingin ko sa salamin at tinakpan ang bibig ko para humikab.
"Kumain ka muna," sabi ni Kuya at binigyan ako ng dalawang siopao.
"Wala pa ba ang Class Zero?" tanong ko kay Kuya. Tumingin siya sa relo niya at umiling. Chill chill pa yang loko ngayon dahil wala silang PT na ganito hmp.
Pumunta si Kuya sa harapan ko at may kinuha sa bulsa niya. Binuksan ko yung cellophane ng siopao at hinati iyon sa gitna tapos nilagay dun ang ketchup.
Binigyan ko si Kuya pero umiling siya kaya ako na lang kumain nun. Hinawakan ni Kuya ang mukha ko at ini-angat iyon sa kanya. I stopped munching at tumingin sa kanya.
Dinikit ni Kuya yung waterproof band-aid sa pisngi ko bago niya yun binitawan. Bumalik ako sa pagnguya at kumagat sa siopao ko. Pagkatapos kong kumain, pinunasan ko ang gilid ng labi ko at ngumiti sa salamin.
Nagsimula ng dumami ang mga customer dito sa Parlour and the staffs approach to entertain them. Lumakad papunta sa harapan ko yung babae at hinawakan ang buhok ko. "Pikit ka muna, dear." Tumango ako at pinikit ang dalawang mata ko.
***
Kanina pa ako picture ng picture sa bago kong buhok. Ang ganda kasi!! Pinutol nung babae hanggang kili-kili ang buhok ko and It's nice kasi layered yung ginawa niya tapos yung dulo, kinurl niya.
Permanent daw 'yung curl which is a good thing kasi ang ganda niya tingnan. "Kuya, magkano nabayad mo?" tanong ko kay Kuya.
"2k," sagot niya sa akin.
Inistop niya ang kotse sa gilid at may inabot sa likod at nilagay yun sa hita ko. "Ano 'to?" tanong ko sa kanya at tinuro ang paperbag sa hita ko.
"Patadyong, Tela, and that fake long gold nails," sabi ni Kuya. My brows frowned dahil sa mga binigkas niya at binuksan ang paperbag. Inistart ulit ni Kuya yung kotse while I'm taking the fake long nails in foil at isinuot sa kamay ko.
"Sino gumawa nito? Wala akong natatandaan na mayroon kaming meeting sa custome," I mumbled.
"Trinarbaho nila Franco at Carlo yan. Binigay nila sa akin kagabi," he answered nodding his head.
Tumango ako at tinanggal yung fake nails at tumingin kay Kuya. "Didiretso po ba tayo sa school or uuwi pa tayo ng bahay?" Tumingin si Kuya sa akin kaya ngumiti ako ng malapad.
"Kakain pa tayo," sabi niya at tinapik ang ulo ko tapos inikot ang manibela ng kotse habang nakatingin sa side mirror.
Pinagkrus ko ang binti ko at tumingin sa bintana. My jaw drops dahil tanaw na tanaw ko ang linya ng mga carinderia sa gilid ng daan.
Tumingin ako kay Kuya at tinaasan siya ng isang kilay. He must be kidding me! Akala ko uuwi kami ng bahay para kakain— don't tell me dito siya kakain?
Kami?
I mean, this is not new to me, but to him... geez.
Hininto ni Kuya ang kotse sa isang carinderia at kinuha ang susi ng kotse niya tapos tumingin sa akin. "What?" My lips parted and shook my head.
Lumabas si Kuya kaya lumabas rin ako at sinundan siya ng tingin. Naglakad siya papunta sa akin habang kinakap-kap yung wallet sa bulsa niya.
"Let's go, I'm hungry," at nauna siyang pumasok sa loob.
"Wow."
***
"Ito po amin." Tinuro ko sa counter ang torta, guso, adobong manok with egg tapos sinugba. Umorder din ako ng dalawang plato ng kanin bago ako nagbayad.
Pagkatapos kong magbayad, bumalik ako sa table namin ni Kuya at tinali ang buhok ko. I know kakaplantsa lang ng buhok ko but I didn't tie it tightly though at saka yung dulo lang yung tinali ko.
Nakalean si Kuya sa upuan niya habang nagce-cellphone. Kukunin ko dapat yung cellphone ko nang may naalala ako. Wala pa pala kaming kutsara at tinidor.
Tumayo ako sa upuan at bumalik sa counter para kumuha ng kutsara at tinidor na nandoon sa bowl na may mainit na tubig. Bumalik ako sa mesa namin ni Kuya at nilagay sa harapan niya yung kutsara at tinidor niya.
I grab my phone to take a photo tapos minyday sa account ko. Kuya hissed kaya napunta sa kanya ang atensyon ko.
Sinagot niya ang tawag sa cellphone niya ng nakakunot-noo. "Yes... Tapos na ba?.... Yung password?... Okay, I will try kung malakas ba connection nun, Thanks."
Umupo ako ng maayos dahil dumating na ang order namin. Ibinaba na rin ni Kuya ang cellphone niya at kinuha ang kutsara at tinidor. "Salamat po," Ngumiti ako dun sa nag serve at kinuha ang plato ko na may kanin at tinulak kay Kuya yung kanya.
"Himala ah at naisipan mong dito kumain,"
Nilagay ko sa likod ng tenga ko ang bangs ko at saka hinati sa dalawa ang tortang talong. "Bakit? Masama ba?" tanong ni Kuya at hinati ang nilagang itlog tapos nilagay sa plato ko.
"Hindi naman, nakakabigla lang. Sa arte mong yan?" Tiningnan ako ng masama ni Kuya kaya ngumiti ako ng malapad. "Jokeeee!"
Umirap siya at tinikman ang guso bago siya nagsimulang kumain. Kumain na rin ako at kumuha ng guso. Syempre hindi na ako nanghingi dun sa adobong manok niya, kanya na yun. Pag adobo yung ulam, hindi yan namimigay! Apaka damot.
Pero okay lang, may pagmamahal pa naman akong natira kay Kuya kaya sa kanya na yun. Echos!
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...