REINA JOY
Pagkatapos ihatid ni Quintin yung mga loko sa bahay nila, ako naman yung hinatid niya. When he drops me off, nagpaalam ako sa kanya. "Reina Joy," Napalingon ako kay Quintin at ngumiti. Lumapit siya sa akin and I froze in my place when he wrapped his arms around me.
"Thank you..." Nginitian ko si Quintin at hinimas ang likod niya.
"Bakit ka nagta-thank you?"
He parted his arms around me. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingin kay Quintin. "Because of what happen for today. Dahan-dahan na nila akong pinapatawad and it's because of you," he said. Tinuro ko ang sarili ko habang nakatingin kay Quintin.
"Ako? Wala naman akong ginawa ah?" It's true! wala naman talaga akong ginawa. Nakipag Bonding lang naman ako sa kanila.
"Meron, marami. Hindi mo lang napansin," Natatawa niyang sabi.
"Ganon?" Napakamot ako sa ulo ko at tumawa ng mahina.
"Sige na, pumasok ka na. Baka pagalitan ka." Tumango ako at ngumiti kay Quintin.
"Ikaw rin," Tinuro ko yung pick up niya. Tumango siya at ngumiti sa akin bago nagpaalam. Sumakay siya dun sa kotse niya at binaba ang bintana para tapunan ako ng huling tingin bago niya inistart ang kotse niya at saka nagmaneho paalis.
"Ingat ka!" pahabol kong sigaw kay Quintin.
"Ehem," Napatalon ako sa gulat at lumingon kung saan galing yung boses na yun. Nakita ko si Kuya sa may gate na nakamake face pa habang tinitingnan ang kotse ni Quintin at tumingin sa akin.
"Anong pipiliin ko, Si Quintin o si Zack~" kanta niya habang naglalakad papasok ng bahay. Kung tatanungin niyo ko kung ano tono nun, isipin niyo yung Dota O Ako na kanta, yun yon.
"Kuya!" Nang-aasar na naman siya. Pumasok ako ng bahay at sinarado yung gate.
"LOLA! SI RJ NAGDADALAGA NA!" Hala! tamo 'tong lalaking 'to! Kung ano-ano ang sinasabi.
"May jowa ka na, apo?" tanong ni Lola sa akin. Kaagad akong umiling.
"Wala no! 'Wag kayong maniwala diyan, La. Baliw yan." Kinurot ko ang bewang ni Kuya at nagmano kela Lola, Lolo, at kela Mama at Papa.
"Ikaw, ang bata mo pa. Ayoko muna mag boyfriend-boyfriend ka," sabi ni Papa kaya napanguso ako.
"Wala ngaa! 'wag kayo maniwala kay Kuya okaay? Wala pa sa isip ko 'yang jowa-jowa na yan,"
"Aysuus."
Tiningnan ko ng masama si Kuya na nakangisi ng malapad ngayon. "Ikaw, kung ano ano sinasabi mo. Halika dito— HOY! BUMABA KA DIYAAN!" Tumakbo ako papunta sa itaas pero tumakbo si Kuya pababa kaya sumunod na naman ako sa kanya.
"Nakita ko siya—" before he could finish his words, tinapon ko sa kanya ang sapatos ko at boom! Headshot!
"Reina Joy Luchana Fuentes!?!?!!?"
"Ehehehehehe"
***
Pagkatapos kong maligo, sinuot ko yung pajama ko at humiga sa kama. Wala naman akong ginawa buong maghapon pero feeling ko pagod na pagod ang katawan ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa kama at hinanap ang video ng Class Zero na kuha ko kanina sa kotse.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa kakulitan nila and Shannon. The hot-tempered, edgy headed President is having fun. Pikonin si Shannon but it's cute because that's what makes them follows his order without rejections. I forgot to ask kung ganito ba sila ka saya dati, aigoo.
"RJ-" Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa gulat and Kuya laughs.
Why?
Bayot! bumagsak lang naman yung cellphone ko sa mukha ko! Punyeta!
"Problema mo!? Di uso katok, bago pumasok?" Umiling si Kuya habang tumatawa at tumalon sa kama ko tapos inagaw yung cellphone ko.
Napaka Pakialamero talaga ng gamit. Pag ako pumunta sa kwarto niya, pinagalitan ako pag nangingialam.
Ang daya ng Earth.
"What's this?" Pri-ness niya yung play button sa video at nakangiti habang pinapanood yun.
Nakataas pa yung kilay niya na para bang sinasabayan niya yung Class Zero sa pagkanta? Binawi ko ang cellphone ko sa kanya at tinulak siya paalis sa kama ko pero hindi nagpatinag yung loko.
"So, your Grade is?" Napa-irap ako sa hangin at umupo sa kama ko.
"May improvement ako ng konti," Pagmamayabang ko sa kanya at binilatan siya.
"Hmm.... let me guess, 81?" Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.
"Gago ka ba?"
"No? Then... 81.1?"
"Kuya!"
"Hahahahaha so ano nga?"
"84 hehehehe" Nawala ang ngiti sa labi ni Kuya at piningot ang tenga ko.
"84!? sarado 84?" Hinimas ko ang tenga ko at tumango.
"At Least! Kesa sa Grade ko last year na 80 sarado," Nakangusong sabi ko. Napakurap si Kuya sa mga mata niya at saka tumango.
"Sabagay, that's good. Improvement huh?" Tinampal ko ang braso niya. Inaasar na naman ako.
"I mean, imagine kung hindi ka nag bagsak ng isang subject? It would've be 85 above right?"
"Kuya..."
"Chill, hindi ko naman sinasabi na dapat inayos mo yung exam mo. I'm just thinking of the what if's. Pero yun nga lang, if you make it with 85 above, Goodbye Class Zero ka na." I nodded my head.
Tama siya, kung 85 above ang Grade ko, malamang iyak ang Class Zero.
"Proud ka naman diba?"
"Of course! I'll always be proud of you. I'm just right here when nobody would. Always remember that," Napanguso ako at niyakap si Kuya.
"Talaga?" mahina kong bulong sa kanya.
He laughs and messes my hair kaya bumuwag ako sa pagka kayakap sa kanya. "Oo nga, tigas ng ulo. Anyways, I heard, may Festival Contest kayo at Folk Dance performance pa?" he asked. Umupo si Kuya sa kama at tumingin sa akin.
"Oo po,"
"Kami rin naman, hahahahaha" Pati ako napatawa sa sinabi niya at tumango. "So galing High School to College ang Festival Contest?" Tumango si Kuya at kinuha ulit ang cellphone ko.
"Yep. Maghanda ka....Ikaw ang Queen sa inyo diba?" tanong na naman niya. Tumango ako at ngumiti ng pilit.
"I see... pwede naman si Carlo ang gawing Queen, bakit ikaw pa? Sa pangit mong 'yan?" Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi niya.
"Alam mo, bwesit ka talaga!" Dali-daling tumayo si Kuya bago ko pa man siya masipa paalis. Tawa lang siya ng tawa hanggang sa makalabas siya ng kwarto ko.
Gago yun. Ako? Panget? Baka siya 'yun.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Dla nastolatkówBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...