Chapter 145: Debate of Emotions

20 3 0
                                    

REINA JOY

"Hindi eh, baka naisip niya na mas maganda talaga ako sa kanya?"

Alam ko, alam ko masyadong mahangin ang sinagot ko. Wala kasi akong maisip na ma-sa-sangayunan ng mga 'to. Pag di ko yon sasabihin they might think that something controversial happens. Knowing these four....

"Daay! Truu ka dyan!" sabi ni Elvie at nakipag-apir sa akin.

Marami silang kinuwento sa amin ni Carlo. Yung tungkol kay Theo, kamusta na daw siya, yung si Dexter, maingay daw sa Classroom nila. What happens last month at last but not the least, kung kelan e re-release ang graded namin this semester.

So far I have taken all the subjects exam at inayos ko lahat ng yun maliban sa Contemporary. I just need to wait for days para malaman ang grades ko— hoping it'll prevent Kuya from owning my allowance anymore.

The bell rang kaya nagpaalam na sila Cecil sa amin. Bilin din nila na sabay daw kami mag-lunch kasi e te-treat daw nila ako. They know what happened to me last month by the way and my wound— naging ayos naman na siya. Hindi na siya kumikirot and I can freely move around without whining because of the pain.

The first door swung open at niluwa nun si Ma'am PR. Midterm has started so palitan na ng schedule. Wala akong alam sa scheduling nila kaya e ta-take down notes ko nalang.

"Group yourself into 5, mag de-debati tayo," sabi ni Ma'am pagkatapos niyang ilagay ang libro na dala niya sa teacher's table. Binilang ko kung ilan kami sa row namin at 3 lang kami. Tumingin ako sa likuran at dinapuan ng tingin si Eugene at Angelo.

"Dito kayo! grupo tayooo!" tawag ko sa kanila. Nagdadalawang isip sila bago tumayo at lumapit sa amin.

"Humanap kayo ng area niyo so we can start," sabi ni Ma'am. Hinila namin ni Carlo ang mga upuan namin at nilagay dun sa pinakagilid. Plano namin mag form ng circle at ganon rin ang ginagawa nung mga ibang grupo.

"This debate is not about our topic and since we are celebrating Buwan ng Wika this month of September, gusto kong ngayon pa lang matuto na kayong magsalita at gumamit ng wikang tagalog. Kung sino ang hindi susunod, ilista mo Orion at humingi ka ng barya." 

Nah! Kamatay.

"Niceee!" sabi Orion at pumalakpak pa.

"Mister Kim," sita ni Ma'am. Tumingin si Orion sa amin at ngumiti at saka zinipp ang labi niya. Jusko. Pusta ko mahihirapan si Kuya sa task na 'to! apply ko din kaya 'to sa bahay? Ay, hindi pa pala ako uuwi ng bahay.

"Tayo'y magsimula na. Kayo ang pinaka unang grupo," Binigyan kami ni Ma'am ng papel at pumunta sa kabilang grupo.

"What should we write here-"

"OHHH! ORION, SI EUGENE NAG ENGLISH!!!" Napatawa ako dahil sa linaw ng pandinig ni Carlo. Binulong lang yun ni Eugene tapos narinig niya kaagad! 

Tumakbo papunta sa amin si Orion ng tumatawa.

"Limang peso! bayad," Bumuntong-hininga si Eugene at binigay kay Orion ang barya niya. Pft.

"I don't know what to write here, what's our group name?" Napalingon kami sa likuran and I saw Quintin in his pouty lips arguing with Jasper. I guess that word comes from him. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa dahil sa kanila.

"Bayaad-" Napatigil si Orion sa pagtakbo papunta kay Quintin at umiwas nalang. Ni hindi nga siya nang hingi ng bayad eh.

Hala? Ang daya! Si Eugene hiningan niya tapos si Quintin hindi?? ANDAYAAA!

Napatingin ako kay Carlo dahil sa ginawa ni Orion. Pati siya ay naguluhan rin at ngayon ko lang napansin na ang layo ng upuan ni Quintin sa mga ka-members niya at nakatingin pa sila sa malayo. Ang tanging lalaki lang na nakaupo sa tabi niya ay si Jasper.

Anong meron? Nagka-away ba sila? Normally, hindi naman sila ganyan kalayo eh.

Bumalik ako sa upuan ko kasi nag-i-instruct na si Ma'am sa harapan sa magiging debate namin. Tungkol sa abortion in Teenage Pregnancy, kung infavor ba kami or hindi at nauna mag perform ang grupo na nasa pinakahuli.

Pumunta sa harapan ang grupo ni Shannon at ni Quintin. As usual, nagka iwasan ng tingin yung dalawa— actually hindi lang sila dalawa kundi sila lahat! Ano kaya meron?

Siniko ko si Eugene na nagsusulat sa notebook niya. "B-bakit, Ren?" Nauutal niyang tanong kaya napakunot-noo ako.

"Bakit ka nauutal?"

"W-wala! Haha. Nabigla kasi ako," sagot niya at napa kamot ulo pa.

"Anyways, may itatanong lang ak-"

"OH! ORION!! NAG ENGLISH SI REN-REN!" Napa facepalm ako ng de-oras dahil kay Carlo. 

Punyets! Nakalimutan ko, antalas pala ng pandinig nitong batang to!

When I tilt my head, nasa harapan ko na si Orion, nakangiti ng malapad habang nakalahad ang kamay niya. "Wala akong pera...." Though meron pa natira sa akin don sa 10k na bigay ni Kuya nung Fiesta pero puchaa! Ang sayang kaya!

"Aysuuus! Bayad na! Dyes pesos," Binigyan ko si Orion ng cute na tingin pero hindi siya nagpatinag. Napairap na lang ako at inuha ang wallet sa bag at binigay sa kanya yung 10 pesos ko.

"Masaya na?" I asked, rolling my eyes. Tumango yung loko at nagtatalon pabalik sa upuan niya.

"Okay, nasaan ulit ako?— ahh oo! May itatanong lang ako, bakit niyo iniiwasan si Quintin?" tanong ko kay Eugene. Napawaang ni Eugene ang baba niya at tumingin kay Angelo at Carlo. Nag-iwas ng tingin si Angelo at bumalik sa ginagawa niya habang si Carlo ay ngumuso na parang pato.

"Kasi.... hindi ko alam, Ren e. Siguro mas maganda kung sila ang tanungin mo," sagot ni Eugene sa akin at ngumiti bago iniwas ang katawan niya. Napatingin ako kay Carlo kagat-kagat ang ballpen niya at nagkibit-balikat rin.

Something's off with Class Zero.

Sinulat nila Shannon sa papel ang name ng grupo nila katulad nung sinabi ni Ma'am at ganun din ang ginawa ni Quintin. I can feel the tension between the two kahit hindi pa nagsisimula ang laban.

I should've been afraid now kung sino ang mananalo sa kanilang dalawa— but I'm not. Nababagabag talaga ako. Thoughts are rendering in my head what's wrong with Class Zero at bakit iba ang pakikitungo nila kay Quintin. It's.... pricking my interest.

"Affirmative, Team ISOG." Binigay ni Ma'am yung maliit na papel kela Shannon and I make face. Team Isog huh?

"Negative side, Team Dasig." Umayos ng tayo si Quintin at kinuha ang papel na binigay ni Ma'am.

"Umatras muna kayo, Reina Joy." Tumango kami kay Ma'am at tumayo sa upuan namin para itulak yun papunta sa pinaka gilid ng classroom. Kumuha sila Shannon ng mga bakanteng upuan at nilagay sa gitna.

Syempre! hindi ako pahuhuli noo! Tumayo rin ako sa upuan ko at pumunta sa gitna para manood na ginaya nung iba. Mas intense manood pag nasa gitna kesa nasa gilid.

"This will be intense,"





To be continued.....

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon