REINA JOY
"Si Winston... kaibigan mo," sagot ni Mara.
Nanlumo ako sa sagot niya at tumingin kay Shannon na tinatawanan si Kuya at Carlo sa sala na halos nag patayan na. Si Winston? So he's the one Luiz referring to before na kilala ko ang nakaaway ni Shannon at si Winston yun. Tangina ka talaga, Winston!
Magtatanong pa sana ako nang may nag rang ng bell sa gate. Pati si Kuya at Carlo napatigil sa pagpapatayan dahil doon.
Inayos ni Kuya ang sarili niya at tumingin sa akin. "You have another visitor?" tanong niya. Napakunot noo ako at umiling. Tumango si Kuya at tumayo galing sa paghiga sa sahig at lumabas ng bahay.
Tumayo rin si Quintin at Luiz at pumunta sa bintana para tingnan kung sino ang nasa labas.
"Hey, why are you here?"
"May I come in?"
"Sure!"
Lumabas si Kuya sa bahay at pagpasok niya, may kasama na siya— Winston?!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
Tumingin si Winston sa akin at sa mga taong nasa loob ng bahay. "Dinadalaw lang kita," sagot niya sa akin.
Umiwas ako ng tingin at tumingin sa Class Zero na sobrang sama ng tingin kay Winston.
"Mara, ako na diyan."
Tumingala kami ni Mara sa nagsalita at tinitigan si Shannon na masama ang tingin kay Winston. Tumayo si Mara galing sa tabi ko at binigay kay Shannon ang ice pack na hawak niya. Umupo si Winston sa kabilang side at tumingin kay Shannon sabay ngiti.
Ugh! That smile that I fell again.
Tinaas ni Shannon ang leeg ko at doon tinapp ang ice pack na hawak niya.
"Long time no see, Shannon," bati ni Winston.
Tumingin ako kay Shannon na masama ang tingin kay Winston bago umiwas ng tingin. "Is it been a long time? I didn't notice it. Akala ko kasi parang kahapon lang," sagot ni Shannon at tumingin ulit kay Winston.
"Well... The reason I'm here is para kay Reina Joy. The school principal in San Martin is asking her to come back to her alma mater. I'm here to persuade her with that," sagot ni Winston at tumingin sa akin.
Napatingin ako kay WInston at ngumiti. "At sa tingin mo talaga babalik ako doon?" Nawala ang ngiti sa labi ni Winston dahil sa sagot ko. Anong akala niya sa akin, tanga? Pagkatapos ng nangyari sa akin sa paaralan yun ipapabalik pa nila ako? Dream on!
"San Martin is your alma mater, Reina Joy-" I cut him off.
"That alma mater tore me to pieces at kasama ka doon. Nakalimutan mo ba? Do you have selective amnesia where you forgot everything that happened to me in that alma mater?"
"Reina Joy-"
Tinawanan ko si Winston. "Don't you ever forget what you did to me, Winston. You destroy my life!" Gusto kong mag walk out pero shuta! Ang sakit pa ng tiyan ko.
"Reina Joy, The school asks me about this, just come with me. San Martin now has a new environment-"
"Bakit mo ba siya pinipilit?!" singhal ni Shannon sa kanya. "Sinabi na niya na ayaw niya. Respetuhin mo naman ang sagot niya," dagdag ni Shannon.
Tiningnan siya ng masama ni Winston dahil sa pag sambat niya. "Bakit ka ba nakikisali? Bakit? Takot ka ba na pag umalis si Reina Joy magiging flop na naman ang section mong walang kwenta?!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapatingin kay Winston at sampalin ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...