REINA JOY
Ibinaba ni Mama yung tawag kaya napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko at kinagat ang ibabang labi ko.
"Ren!" Napalingon ako sa pwesto ni Carlo at ngumiti ng tipid sa kanya. "Ali ka naa," tawag ni Carlo ulit.
Tumango ako at tumakbo papunta sa direksyon niya pero napatigil ako kasi may naririnig akong tunog ng sasakyan. Napalingon ako doon sa daan at may nakita akong pulang sasakyan na papunta sa kabilang rota kung saan maraming kahoy.
May bahay pala doon? Akala ko wala...
"Ren!" Napalingon ulit ako kay Carlo at tumango bago ako nagpatuloy sa pagtakbo papunta sa kanya.
Nang makabalik kami ni Carlo sa kawayanan, tinulungan ko sila Quintin sa pagkuha nung last na kawayan namin at lumabas doon. Ibinagsak namin ni Quintin yung kawayan sa gilid ng kotse niya at napatingin sa cellphone ko kasi nagvibrate na naman iyon.
Tumatawag si Mr. Vice.
"Teka, sagutin ko lang 'to ah?" Tumango si Quintin kaya lumayo muna ako sa kanya at naglakad papunta doon sa likod ng pick up ni Quintin.
"Bakit, Mr. Vice—"
[Nakauwi na ba ang Kuya mo?] Si Kuya na naman?
"Hindi ko alam. Nandito ako sa tubod ngayon, kumuha kami ng kawayan para sa PT namin. Bakit?" Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Pangalawang beses na 'tong natanong sa akin.
Una si Mama, tinanong niya kung kasama ko ba daw si Kuya kasi hindi pa daw siya nakakauwi, tapos si Mr. Vice naman.
[Nakita ko kasi yung kotse niya dito sa gilid ng school. Pumunta ako sa bahay niyo kung nakauwi na ba siya kasi masama ang kutob ko. Pakiramdam ko—]
"Nagbibiro ka diba?"
[Yan din ang dasal ko. Nang makarating ako sa bahay niyo, tanging ang nanay at tatay mo lang ang nandoon. Naghihintay din sila sa pagdating ng Kuya mo.] Nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi ni Mr. Vice at huminga ng malalim.
"Babalik ako ng school. Nasaan ang kotse ni Kuya?"
[Nandito lang. Dito na lang din ako maghihintay sayo para ma-samahan kita.... Reina Joy malakas ang Kuya mo,] Tumango ako kahit hindi ko pormal na kausap si Mr. Vice at naglakad pabalik kay Quintin nang hindi pinapatay ang tawag.
"Hey... Why are you crying—"
"Pwede mo ba akong ihatid pabalik ng school?" Kumunot ang noo ni Quintin kaya napakagat ako sa labi ko.
"Please?"
"Ren? Hala! Bat ka umiiyak, Ren?" tanong ni Carlo na kakalabas lang doon sa masikot na daan. "Anong ginawa mo kay Ren-Ren?!" Nagulat ako dahil biglang kwinelyuhan nila Gino si Quintin pero kaagad rin nila yung tinanggal dahil pinagsabihan sila ni Captain.
"Ihatid mo ko sa school... please, Quintin." Tumingin si Quintin sa akin at dahan-dahang tumango. Kinapkap niya ang bulsa ng blazer niya para hanapin yung susi niya. "Fuck! Where are my keys!" he mumbled while looking for his keys.
"Here, gamitin mo ang kotse ko." Sinalo ni Quintin ang susi ni Captain at hinila ang kamay ko.
"Ano bang nangyari? Ba't gusto mo ihatid kita sa school? Bakit ka umiiyak?" sunod-sunod na tanong ni Quintin. Gustuhin ko mang sagutin ang tanong niya, inuunahan na ako ng kaba sa dibdib ko. Pri-ness ni Quintin yung lock ng kotse at binuksan ang pinto ng passenger at inalalayan akong pumasok.
Tumakbo siya papunta sa Drivers at inistart ang kotse ni Captain. Nagsimula siyang magmaneho paalis at kahit nanginginig ang mga kamay ko, nilagay ko sa tenga yung cellphone ko. "S-sinubukan mo bang tawagan ang cellphone ni Kuya? Kelan daw siya umalis ng school?" tanong ko kay Mr. Vice.
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...