REINA JOY
"Sure? Making out in front of me?" Dinapuan ng tingin ni Kuya si Keahnnang haliparot pagkatapos niyang halikan si Ate Michelle. Siniko ko si Ate Michelle at yung gagi nagblush!
Pinapunta ko si Ate Michelle dito kasi may itatanong ako tungkol sa make up na ginagamit niya sa akin kasi plano kong make-apan yung Class Zero ngayon pero hindi ko knows na pupunta rin dito si Keahnnang haliparot kaya tinawag ko si Kuya and there! He greeted Ate Michelle and asked for a kiss.
Ew! PDA.
Imbes na magalit ako kasi nagkiss sila sa harapan ko— kinikilig pa ako. Ship ko nga silaaa! Mamatay yan si Keahnna sa inggit.
"Psh." Kinuha ni Keahnna yung cellphone niya at may tinawagan. Napatingin ako sa malayo at hinawakan ng mahigpit ang mga bag ko. I suddenly remember the day when she went at the house tapos may kausap sa telepono. Sino nga ulit yung kausap niya nun?
"Reina Joy?" Napalingon ako kay Kuya at tumango.
"Huh?" Kuya flicked my forehead kaya napahawak ako doon.
"Don't you have Class?" Oh, shoot!
"Yeah. I'll go ahead, Ate Michelle. Alagaan mo si Kuya ah," Nag blush na naman si Ate Michelle kaya napatawa ako at saka lumabas na ng gate at tumingin kay Keahnnang haliparot na matalim ang tingin sa akin.
Every time he looks like that reminds me of Kiefer's stare with Class Zero. Kiefer... yes! It's Kiefer. Siya yung kausap ni Keahnnang haliparot sa cellphone! I wonder what's her connection with Kiefer?
Umiwas ako ng tingin at nagsimula ng maglakad papunta sa school. Kiefer... sabi ko na nga ba. Something's really of with him. Pero ano yun? Hays nababaliw na naman ako! Kakatapos lang nung dilemma ni Carlo, yung kay Kiefer naman ang bumabagabag sa isip ko ><
Nang makarating ako sa School, binati kaagad ako nung mga estudyante at nakipag picture na naman. Hindi ba sila nagsasawa sa mukha ko? Araw-araw na nilang nakikitang mukha ko eh jusko.
Ngumiti ako sa mga picture nila bago nagpaalam at pumasok sa loob ng campus. Dumaan ako sa may bulletin para tingnan ang mga nakapaskil doon at kung su-swertehin ka nga naman.
"Hi, Bitch," bati sa akin ni Theo. Inirapan ko lang siya at tumingin sa mga nakasulat sa bulletin. 3 months ago, my face was plastered here at ngayon nandito pa rin siya covered with a lot of reacts and comments written in a sticky note.
Napangiti ako at inilipat ang tingin ko sa announcement this month.
Nakasulat don na may Quiz Bee daw, tapos Festival Contest. Yan lang nakasulat doon sa announcement at wala nang iba which is a good thing! Nakalagay rin dun kung kelan ang Folk Dance. It's this coming September 18-19.
Yep! Saturday and Sunday.
Sa Festival naman at Quiz Bee ngayong 29-30. They set schedule for two days. Baka daw di kayanin ng isang araw that's why.
"I guess masaya ka na?" Napalingon ako kay Theo. Nakatingin lang siya sa bulletin while turning her hands into fist.
"Ano?" How bad I want to ask for payment because of her using English but sadly, we're not friends. I'll never befriend her again.
"Umalis si Mathrica because of you. Masaya ka na ba nawalan ako ng kaibigan dahil sa'yo?" She turned her body to face me and I can feel her urge to hurt me again.
"Umalis siya dahil guilty siya sa kasalanang ginawa niya," I answered firmly. She raise her hand to slap me pero napigilan ko ang kamay niya by grabbing it first at hinawakan yun ng mahigpit.
"She left... because of you trying to harm her! Akala mo ba hindi ko alam?" Psh.
"Hindi. Mathrica's close with you. Why would she keep about what happened that day from you? I've never been close with Mathrica but I can sense that she's not like you who likes keeping secrets with friends,"
Binawi niya ang kamay niya galing sa pagkakahawak ko at tiningnan ako ng matalim sa mata. "Talaga I keep secrets with friends? Who stole Winston from me? Who lied that you never liked him? Who have sex with him while he's in a relationship huh?" I turned my hand into fist dahil sa sunod-sunod niyang tanong.
Tumingin ako sa buong paligid and luckily only a few students overheard our conversation.
"Ano? Natatakot ka na malaman ng mga taga JM ang kaharutan na ginawa mo?"
"You don't know anything." Tinalikuran ko si Theo at naglakad paalis.
"Oh really?!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa malakas niyang sigaw. Now, I'm sure. This time, marami nang nakarinig sa kanya. She's yelling for heaven's sake.
"Or baka ayaw mong malaman nila, how you stole San Martin's Class record to change your Average Grade?" Mga sari-saring bulungan ang narinig ko because of what she just spilled. It's all lies but my heart thumping, beating, and pounding hard right now is not a joke. I've experienced this before...
Nilingon ko si Theo at ngumiti sa kanya. "You have no proof, stop spilling lies," I said before I turned my back at her again at nagsimula ng maglakad papunta sa Building namin.
I bumped into someone while I'm heading there and when I tilt my head, It was Mr. Vice. "Okay ka lang, binibini?" Ngumiti ako at tumango but what he did broke me down. He wiped the tears in my cheeks and smiled softly. "Okay ka lang," he mumbles and gave me a tight hug.
"Huwag mag-akusa kung hindi totoo," anyuso ni Mr. Vice habang yakap-yakap ako. "Ito rin ang nangyari noong nakaraang taon kung saan inakusahan si Mister. Carlo Websters ng mga bagay na hindi naman totoo. Paalala sa lahat, hindi nakakaganda ng reputasyon ang paninira sa kapwa. Wala kang makukuhang benepisyo diyan kundi karma. Magsibalik ang lahat sa klase," dagdag niyang sabi bago kami nagsimulang maglakad.
"Theophany Penelope-" before he could finish his words, Theo cut him off.
"Why do you love her so much? Is it because she's the main reason you got recognized by the other schools?" she asked.
"Hindi. Dahil iba siya, kakaiba siya at ikaw lang ang hindi nakakakita nun dahil nabulag ka sa selos. Dati pa kitang minamatahan at grabe ang selos mo kay Reina Joy. Hindi nagko-konsente ng ganyang mga gawain ang JM University. Matagal mo na yang alam,"
"What if everything I said is true? She stole the Class Record to change her Average Grade. To be on top because that's what she really wants. To be on top!"
"Patunayan mo. Bibigyan kita ng dalawang araw para patunayan yang mga pinagsasabi mo. Ako na mismo ang nagsasabi sa'yo na hindi totoo yang mga sinabi mo. Nakapunta ako sa San Martin Academy at tinanong ko ang mga guro doon tungkol kay Reina Joy at wala akong narinig na may ginawa siyang ganyan maliban sa mga kasinungalingan mo para siraan siya."
I can't take this anymore. It's suffocating me. Pinunasan ko ang luhang lumabas sa mga mata ko at hinawakan ang braso ni Mr. Vice. "Tara na, pabayaan mo na siya." Tumingin si Mr. Vice sa akin at tumango bago nagsalita ulit para kay Theo, "Dalawang araw." Huli niyang sabi bago kami naglakad paalis.
Hinatid ako ni Mr. Vice papuntang building ng Grade 11 and before he could walk away, we both stop walking. "Bakit mo yun ginawa?" Tumingala ako kay Mr. Vice and my question make him look down at me. I was taken aback when he reached my hair and fixed them.
"Kasi kailangan..."
"Bakit?"
"Kasi hindi tama. Kasi hindi totoo."
"Pero-"
"Hush... Walang katotohanan ang mga sinabi niya. Alam ko kasi alam ko." Yeah. He has wide connections though. Siya na nagsabi nun.
"Salamat.... Zack," Ngumiti si Mr. Vice at pinisil ang dalawang pisngi ko.
"Walang anuman. Ngumiti ka na, hindi bagay sayo pag malungkot ka," Natawa ako ng mahina sa sinabi niya at tinampal ang braso niya.
"Oyy tumatawa na siya," Ngumiti ako at niyakap ulit si Mr. Vice.
"Thank you for standing with me,"
"Anything for you,"
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Dla nastolatkówBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...