REINA JOY
"PUNYETA KAYO! ANG BABASTOS NYO TALAGA!" Tinapon ko kay Shannon ang eraser ng blackboard namin pero nakailag yung gago habang tumatawa.
Ang bastos nila!! Sinulid daw sagot nun sabi ni Mr. Vice tapos ano yung sinagot nila!??!?!? Bastos men!! Napa-guidance tuloy kami! Myghad, Dinamay pa nila ako eh wala naman akong ginawa, ni hindi ko nga alam na sinulid pala sagot nun eh!
"Ito pa, Ren oh!" Kinuha ko yung binigay ni Carlo na bagong eraser at ibabato sana kay Shannon pero nagbago ang isip ko at binato ko yun kay Carlo kaya napa-aray siya.
"Isa ka rin!" Nag Peace-sign si Carlo kaya napa-irap ako sa hangin.
"Kalma ka lang, Muse. Joke joke lang naman yun," sabi ni Eugene. Tiningnan ko nga siya ng masama.
"Kalma? Joke? Gago!"
Naglakad ako papunta kela Shannon para kunin yung mga tinapon ko sa gawi nila at inakmahan siya na susuntukin ko siya pero yung ugag mabilis din. Aakamahan din niya ako eh.
"Unggo!" sigaw ko sa mukha niya bago ako naglakad pabalik sa upuan ko.
"Ikaw Engkanto!" aba!
"Unggo ka! Panget mo, bakulaw!"
"Go, Reen!!" Oha! Number 1 supporter ko.
"Piste Pigilan niyo ko, sasakalin ko yang babaeng 'yan. Pigilan niyo ko!"
***
Pagkatapos ng Literature Class namin, instead na mag-si-ready pauwi, tinawagan ni Quintin yung driver niya sa bahay nila para ipakuha ang Pick up truck niya.
Tinawagan ko din si Jonila kung pwede ko bang hiramin yung mga Lion-Tigers niya and luckily pumayag siya pero yung Lion-Tigers hindi ako sure kung papayag sila.
Pupunta kasi kami sa Tubod para kumuha ng kawayan na gagamitin namin for Tinikling performance namin.
We need more man power kasi kahit apat lang na kawayan ang kailangan namin, we need help for lifting them up at saka we heard na suki si Captain sa Tubod kaya for sure alam niya kung saan kami pwede kumuha ng kawayan.
"HELLO PILIPINSS!"
Napalingon kaming lahat sa may pinto. I smiled. "Daaaay!!!!" Dali-dali akong tumayo sa upuan ko at inambahan ng yakap si Jonila kasama ang mga Lion-Tigers niya hehehehe.
"Yiieee sasama talaga sila?" tanong ko.
"Isang beses ko lang sila tinanong tapos pumayag si Captain kaagad," sabi niya habang nag-iiwas ng tingin kay Captin.
Nako... Mukhang hindi pa ata bati itong dalawang 'to.
"Ano ba dadalhin namin, Ms. Muse?" tanong ni Bas sa akin.
"Yow," bati ni Shannon kay Captain at nakipagfist bump. Pati sila Quintin binati ang Tigers.
"Ano, sanggot tapos kutsilyo. Ano pa, Quin?" tanong ni Shannon.
Kinuha ni Quintin ang cellphone niya at may binasa doon. "Martilyo rin. Yan lang." Tumango sila Bastien at tumingin sa akin.
"Kami na bahala diyan, kita nalang tayo sa Tubod." Tumango kami kay Captain at ngumiti.
"Huwag kayong pumutol agad-agad ah. Kailangan namin pumili ng matibay na kawayan," bilin ni Shannon.
Tumango si Captain at nag-okay sign bago hinila si Jonila palayo sa akin. Napanguso nalang ako at nagpaalam kay Jonila.
"Tara na!! Excited na akooo," sabi ni Carlo at nag-tatalon sa saya.
Halata nga.
"Teka. Tatawagan ko muna si Kuya. Baka hanapin ako nun eh, mauna na kayo." Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng blazer ko at lumabas ng room para pumunta don sa pinakadulong pinto at hinanap ang number ni Kuya.
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...