Chapter 144: Comfort zone

21 3 0
                                    

REINA JOY

"Wala akong mahanap na extra uniform eh, mag casual ka nalang," ngumiti ako ng tipid kay Carlo at tumango. 

Lumabas si Carlo ng kwarto at pagbalik niya may dala na siyang damit.

"Ito hehehe. Dun lang ako sa sala para makapag bihis ka," I nodded my head at naglakad papunta sa pinto para isarado yun.

Bumalik ako sa CR ni Carlo at sinuot ang mga binigay niya. I told him what my underwear size was and that's how I got them. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng kwarto and dumiretso sa sala nila Carlo. 

Nakita ko ang nanay niya na naghahanda ng pagkain sa mesa habang nandon si Carlo inaayos ang school bag ko na kinuha niya sa bahay.

I stay at Carlo's house for now. Hindi kasi ako maka move on sa nangyari at kung bakit ako pinagbuhatan ng kamay ni Kuya kung deserve naman ni Mathrica ang ginawa ko. 

Ang gulo diba? 

Gusto ko lang naman ipaghiganti si Carlo pero ako ang nag mukhang masama sa mata niya. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'yun.

"Good Morning po," bati ko sa nanay ni Carlo at hinila ang upuan para umupo doon.

"Oh, gising ka na pala iha, ito oh tsaa. Masarap ba ang tulog mo?" tanong niya sa akin habang nilalagyan niya ng mainit na tubig ang baso na may powder ng kape. 

Tumayo si Carlo sa couch at kumuha ng plato at nilatag sa harapan ko.

"Opo, ang comfortable po ng kama ni Carlo," I said at tumingin kay Carlo.

"Mabuti ka pa," Nakanguso niyang sabi habang nilalagyan ng kanin at ulam ang plato ko.

"Saan ka ba natulog kagabi?" I asked.

Nginuso ni Carlo ang pwesto ng couch kaya inikot ko ang katawan ko para tingnan yun. Malaki naman ang couch nila at mukhang comfortable— "Mukhang comfy naman ah?" I mumbled. Kinuha ko ang plato ko kay Carlo at nagsimula ng kumain.

"Kain ka ng marami, pinaluto talaga yan ni Carlo boy para sa'yo," sabi ni Auntie. 

The food is Tortang Talong and guso. My favorites. 

Tumingin ako kay Carlo na nagsa-sandok ng pagkain niya at ngumiti. Ano kaya nangyari sa kanila dati no? Matanong nga, "Nung nakuha niyo po si Carlo kela Donna, ano po sunod na nangyari?" tanong ko sa nanay ni Carlo at sumubo ng pagkain.

"Mahirap iha, as in sobrang hirap. Kasi yaya lang trabaho ko eh, wala akong pera nung nakuha ko siya sa mga Kakailanganin. Mabuti nalang at may last will testament ang mga magulang niya at may mana siya kaya nakabawi kami. Itong bahay na 'to, kasali 'to sa last will ng magulang niya. Hanggang sa huling pera na meron sila, iniisip parin nila ang future ni Carlo," nakangiting sagot niya sa akin.

"Yung sa school po?"

"Ay, iyon..." Tumingin siya kay Carlo na nagpipili ng Guso para ilagay sa plato niya. 

"Nawala ang ngiti sa mga labi ni Carlo nung nangyari yun. Hindi siya kumakain at parati niyang iniisip ang mga iniisip ng tao sa kanya. Tuwing lumalabas siya ng bahay at papuntang school, wala pang isang minuto uuwi na kaagad siya kasi palagi siyang inaaway. Ganon din nangyari sa kanya dun sa kabilang school niya. Nakakalungkot yung panahon na 'yon," she said reminiscing the past before she give me the cup of tea.

Remember how much Carlo suffer dahil sa inggit ni Donna? I can't even.

"Kumain ka na at baka mahuli pa kayo sa klase, maliligo lang ako." Kinuha ni Auntie ang tuwalya na nakasablay sa balikat niya at umalis. 

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon