REINA JOY
They came here for me?
Ofcourse, Reina Joy! Ikaw lang naman ang She sa bahay na iyan kaya malamang ikaw ang kailangan nila.
BEEP.
"Reina Joy! I'm asking you, why are you there?"
"Ay kidnappin! Kuya naman! Ba't ka nanggugulat?!"
"Ano? Ako pa talaga nanggugulat? You surprised the hell out of me what the hell!? Tingnan mo kung saan ka nakatayo" Huh? Napatingin ako sa tinatayuan ko ngayon at napakamot sa ulo.
Sa daan pala ako nakatayo ngayon mamsh TT TT "Trip mo ba magpakamatay?" Napakamot nalang ulit ako sa ulo ko at tiningnan ng masama si Kuya bago pumasok sa loob ng bahay.
"Kumain na kayo," Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng plato at saka kutsara since Pancit lang yung niluto ni Mama. Kumain rin muna si Kuya bago siya pumunta sa itaas para maligo at magpahinga.
***
Binati ako ni Quintin ng ngiti kaya nag peace sign ako sa kanya. "Look up, Ren." Tumingin ako sa itaas para ma-makeapan ni Ate Michelle ang ibabang na parte ng mata ko habang kumakain ako ng binili ni mama na biscuit.
"Wala pa ba ang magdadala ng banner?" tanong ni Madame.
"Si Mathrica na lang," sagot ng mga estudyante. Hinihintay kasi nila madame ang magdadala ng banner which is si Quintin at yung College na nakalimutan ko ang pangalan niya.
Pagkatapos makeapan ni Ate Michelle ang sa ilalim na parte ng mata ko, pina-pikit na niya ulit ako para daw ma retouch yung eye shadows.
Hindi makakasama si Kuya sa parade kasi magluluto sila ng pagkain ni Dad kaya si Mama ang kasama ko ngayon. Siya yung nagdala ng boots ko kasi nakatsinelas ako habang papunta kami dito. Katulad rin po siya ni Kuya hehehe kanina pa niya ako pinipicturan.
Ewan ko ba sa kanila! Ang hilig mag picture picture!
After ako make-apan, pinasakay na nila ako sa bus dahil wala si Kuya na maghahatid sa akin. Tumabi kaagad si Franco sa akin at siniko ang braso ko kaya napantingin ako sa kanya.
"Umalis ka! Ako nauna ihhh!" sabi ni Carlo kay Franco.
"Grabe ka na, Carlo! Isang picture lang eh"
"Bahala ka diyan!" Binilatan ni Carlo si Franco at saka kinuha ang cellphone niya para magpapicture sa akin. Ngumiti naman ako at ang loko may pa akbay-akbay pang nalalaman.
Nag-sayawan ang Class Zero nang ipa-tugtog ni Sir ang Stay by The Kid LAROI, Justin Bieber at syempre napapahead bang din ako dahil sa beat ng kanta no! Ang ganda kaya! Try niyo pakinggan!
Ginaya si Mara ang stepping nung kantang yun sa tiktok at hindi ko naman mapigilan ang sarili kong hindi sila kunan ng video. Kasi naman! Mukha silang tanga hahahahaha! pinagalitan nga ako ni mama kasi galaw daw ako ng galaw at baka masira daw yung make-up ko. Hindi naman 'yon masisira dahil naka setting spray naman itong mukha ko.
"Hoy hahaha!" sigaw ko sa kanila. Nandito kaya sa bus pati yung mga Faculty. Nakita pa tuloy nila kababuyan ng Class Zero.
"TWERK TWERK!"
"Pumunta ka don, Carlo!" sabi ko kay Carlo at tinulak ang gilid niya.
"Ayoko, Ren! Nekekeheye!" Wow nahiya pa siya nyan? Ang kapal kaya ng mukha niya!
"Gago! Punta ka na," Napuno ng tawanan ang bus dahil biglang tumayo si Carlo sa upuan at sumayaw. Ginagalaw niya yung pwetan niya tapos seryoso yong mukha.
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...