REINA JOY
Pinihit ko ang doorknob ng isang comlab at tiningnan kung may tao ba doon. Binuksan ko pa yung ilaw para matingnang mabuti talaga pero walang tao kaya lumabas nalang ako at pumunta dun sa kabila.
The door is locked kaya nilapit ko nalang yung mukha ko sa tinted window para sinuri ang nasa loob.
"Malabo," I mumbled at pumunta doon sa may CR. Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng tunog ng kutsara at tinidor hindi sa loob ng CR kundi don sa pinaka dulo ng hallway.
Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng blazer ko at pumunta doon. Hinawakan ko ang dulo ng cemento ng hallway na tinatayuan ko at tumingin sa pinakadulo ng hallway and I saw a silhouette of a man, eating alone in the dark.
Hinintay ko siyang maubos ang pagkain niya at mukhang matatagalan pa ata yun kaya umupo ako dun sa sahig at nilabas ang cellphone ko.
I can't conclude kasi na that's Quintin dahil sa dilim ng paligid. I need to make sure than heading there. Paano kung masamang tao pala yun, diba?
Binuksan ko ang gallery ng cellphone ko but it shuts down on it's own. Lowbat ata. Nakalimutan ko kasi siya e-charge kagabi.
My eyes scanned the crack in my phone that makes me heaves a sigh. I remember very well what happen kaya nagkaroon ng crack ang cellphone ko and I hope it won't happen again.
"Ren? Anong ginagawa mo dito?" I stopped scanning my phone and tilts my head.
***
It's already 1pm in the afternoon and, Quintin and I stay here in the hallway, sitting without talking. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya. Ayoko naman siya sagutin na Kanina pa kita hinahanap or May itatanong lang ako. Like, ew? Nakaka Ano kaya yun!
"May gusto ka bang itanong?" Lumingon ako kay Quintin and I wasn't surprised when he is already turning his head to stare at me.
"Wala naman...." I answered. What a liar.
"Sigurado ka?" Nakangiting tanong ni Quintin. Umiwas ako ng tingin bago bumuntong-hininga.
"Alam mo na ba yung tungkol kay Mathrica?" tanong ko kay Quintin habang nakatingin sa kalangitan. The sky is Gray. Mukhang uulan ata ngayon.
"Kahapon pa. She contacted me first,"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot ni Quintin pero hindi ko yun pinahalata sa kanya. Hindi yung tungkol kay Mathrica kundi don sa English niya! Hinarap ko kaagad siya at inilahad ang mga kamay ko.
He got confused at first at natawa when he realized what my open palm meant.
Kinuha niya ang wallet sa bulsa ng blazer niya at binigyan ako ng bente. "Happy?"
"Oh!" Inilahad ko ulit ang kamay ko sa kanya.
Napakamot si Quintin sa ulo niya at dumukot na naman ng pera at nilagay sa kamay ko. "Masaya na?" he asked. I nodded using my brows at hinawakan ang kwarenta ko. Hehehehe
"Ano sabi niya sayo?" tanong ko kay Quintin at pinasok sa bulsa ng blazer ko ang pera ko.
"Wala. Sh—" he takes a pause at tumingin sa gawi ko. I smile widely, giggling. "—Muntik na yun ah," he mumbles wiping his invisible sweat.
Ang arte ah! Parang bente lang ehhh!
"Sinabi niya lang na babalik siya ng Germany at sisiguraduhin niya na hindi na siya babalik pa ulit dito," sabi ni Quintin at binalik ang tingin niya sa langit.
"Hindi ka nasaktan?" I asked. Napatingin ulit si Quintin sa akin at ngumiti ng pilit.
"Syempre, nasaktan ako. Naging parte rin siya ng buhay ko e, at minahal ko siya," sagot ni Quintin sa tanong ko.
Napanguso ako dahil doon at tumingin rin sa kalangitan. Grabe naman magmahal si Quintin. Kahit alam niya na na masama ang budhi ng jowa niya, minamahal niya parin. Napakaunfair naman.
"Pagkatapos ko siyang awayin, ano ang nangyari don?" Tumingin ako kay Quintin. Quintin parted his lips at mukhang nagdadalawang isip pang sagutin ang tanong ko.
"Marami eh," sagot niya. "Sobrang rami..." Niyakap niya ang tuhod niya habang nakatingin sa kalangitan.
"What would you feel if I told you that I am also part of Carlo's issue?" he asked. I blinked my eyes and shrugged my shoulders.
"Siguro magagalit ako sa'yo?" I answered. Ngumiti si Quintin at tumango.
"I see..."
"Oh! Nag english ka! bayaad!" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya but I get stunned when he just stares at it and heaves a deep sigh, wiping what seems to be a tear in his eyes?
"Hala! Umiiyak ka ba? Bakit ka umiiyak? Joke lang, sige hindi na ako hihingi ng pera, huwag ka nang umiyak," Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng blazer ko at pinunasan ang luha na nag-uunahan lumabas sa mga mata ni Quintin.
"I'm sorry...." bulong niya.
Hinayaan niya akong punasan ang mukha niya habang umiiyak siya. "Hindi ko alam na mali pala ginawa ko. I never think about it. Iniisip ko lang na mahalin lang ako ni Mathrica, sapat na. I got so selfish that I didn't come to think of Carlo's situation," sunod-sunod niyang sabi habang umiiyak.
Does he mean?... Totoo yung tinanong niya? na sangot siya tungkol Carlo?
"Quintin-"
"I'm sorry, Reina Joy. I disappointed you, I'm sorry for being selfish. Na-inlove lang ako,"
To be continued.....
A/N: Nangigigil ako kay Quintin! GRRR!
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Dla nastolatkówBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...