Chapter 203: Class Zero's in danger (3)

13 1 0
                                    

REINA JOY

Tinapon sa akin nung lalaki ang isang brass knuckles niya so I bend para pulotin iyon sa lupa. Pagkatapos ba naman ng ginawa ko sa kanya kanina? Alam kong galit na galit siya sa akin ngayon. At galit ako sa kanila for using foul weapon to win against Class Zero.

Sinuot ko ang brass knuckles sa malakas kong kamay at saka tumingin sa kanya.

I heard steps coming towards me and the thought of me wanting to smile didn't appear. Mabuti na lang at nag-uwian na ang mga estudyante ngayon dahil kung hindi, baka mapanuod pa nila ang mangyayari ngayon.

Tumabi sa gilid ko si Piercy at sa kabila ay si Kuya at Kiefer.

I didn't ask for their help. I don't even know why they are here to help me in the first place. 

My eyes shifted at Class Zero who's watching us from the bleacher while pressing the ice bag on their faces with the help of Mr. Vice. Mabuti na lang at hindi pa umuwi si Mr. Vice and he can look after Class Zero this time.

Nag-aalala sila tungkol sa akin but I rest them assured that I'll be fine. It's also been a while.

Nilagyan ng band-aid ni Mr. Vice ang mukha nung mga itlog ni Kuya then tumingin siya sa gawi ko and I smiled softly, nodding my head. 

Mabilis na umiwas ng tingin si Mr. Vice so my eyes landed on Quintin who's biting his lower lip anxiously. He's been playing with his knuckles kanina pa and I can feel that he's uncomfortable.

Binalik ko ang tingin ko sa grupo nung lalaki at doon sa lalaking katabi niya. Ang kaaway ni Ivan. Ngumisi si Yuta sa akin and I arc my brow judging his appearance.

He thinks he looks cool just now. Ew! I don't want to say this but mas cool siguro tingnan si Ivan kesa sa anya.

"Akala mo siguro nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin?" tanong ng lalaking tinuhod ko ng itlog kanina.

Mabilis akong umiling at hinawakan ang brass knuckle na nasa kamay ko. "Hindi naman ako tanga para isipin yan," sagot ko sa kanya.

Hinubad ko ang brass knuckle sa kamay ko habang nakatitig sa kanilang lahat. "Mano-mano. Takot ba kayo sa amin?" tanong ko sa kanila habang hinihimas ang brass knuckle sa kamay ko.

"Sinong nagsabi na takot kami sa inyo?!" sagot nung Yuta.

Tumingin ako sa kanya at sa kamay niya. "Hindi ka takot? Edi tanggalin mo yan," sabi ko sabay turo sa brass knuckles niya.

Tiningnan niya ako ng masama at pagalit na tinanggal ang brass knuckles niya at tinapon sa gilid. Gumaya ang mga kasama niya sa ginawa ni Yuta.

"Bitch-"

"No one should bad mouth my sister than me!" sigaw ni Kuya at mabilis na sinuntok si Yuta.

Nagsimula na silang magsuntukan habang ako ay nakatitig sa lalaking tinuhudan ko kanina. Ngumisi siya sa akin at tinaas ang kamay niyang may brass knuckles. Ngumiti ako ng malapad at sinuot ang brass knuckle sa kamay ko.

Akala siguro nila magpapadala ako sa mano-mano. Huh! never!

Umiwas ako nang umamba siya ng suntok sa akin. Sinuntok niya sa direksyon ko gamit ang kamay niyang may brass knuckle. Umiwas ako at hinawakan ang kamay niya at saka ko siniko ang panga niya at binalibag siya sa sahig.

Napadaing ako pagkatapos kong masama sa pagkakabalibag at tumayo sa damuhan. "Tangina!" bulong nung lalaki habang tinutulungan ang sarili niyang tumayo but I didn't let him. Tinapakan ko ang tiyan niya at paulit-ulit na sinuntok ang mukha niya.

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon