FRANCO
"Hindi ako magsisinungaling. Nung una kong nakita si Ren-Ren na-kyu-kyutan ako sa kanya. Feeling ko nga crush ko siya dati eh, nakatingin lang ako sa kanya palagi," Natatawa kong sabi.
"Hanggang ngayon ba?" tanong ni Dean sa akin habang sinisiko ang braso ko. Natawa ako sa ginawa niya at siniko siya pabalik.
"Hindi na no! Takot ko lang dun kay Ren-Ren pag nagalit. Warshock eh," he laughs nodding his head.
"Totoo, ako, akala ko mahinhin si Ren-Ren. Putah pare, may tinatago palang bangis-" Hindi natapos ni Dean ang sasabihin niya dahil sinubuan siya ng pagkain ni Bossing Quintin at sininyasan siyang tumahimik.
Ngumuso si Dean at ngumuya bago tumango.
"Me, when I first had a conversation with Reina Joy, I found her voice so charming and soothing. That's why I recommend Carlo to try Reina Joy's voice for our PT. Believe it or not, Kuya Sean. Because of her, our output was set as an example in another school's presentation! She's powerful. Char," Natawa ako sa Char na idinagdag ni Bossing Mara sa sinabi niya tungkol kay Ren-ren.
"Ang galing naman," sabi ni Kuya Sean habang nakangiti.
"Ako, When I met Reina Joy, I want her to be my model in the future. Gusto-gusto ko yung moment na she asked me to take a photo of her," sabi ni Henry ng nakangiti.
"My first impression kay Reina Joy, Wala. Ang ganda niya lang diba? nakakaproud nga eh kasi sa amin siya napadpad. Marami tuloy kaming nararating," Natatawa na sabi ni Paulo at nakipag apir kela Ken at Luiz. He really likes to talk and then makipag appear sa BFF's niya. Hahahaha!
"Tama!" sang-ayon ni Dean at nakipag-apir rin sa mga loko.
"Kami, pareho kay Paulo. Kasi naman, napakalakas ng appeal niya! Alam mo ba Kuya Sean, head turner yang si Ren-Ren! Kahit saan kami pupunta, napapatingin sa kanya yung mga tao! Diba?" tanong ni Ken kay Ivan.
Tumango naman si Ivan, "Kinoconsider din niya ang mga idea ko lalo na nung nutrition month! Tulungan silang dalawa ni Bossing Shannon, yiieeee!" Sinundot namin ang tagiliran ni Bossing Shannon kaya tiningnan niya kami ng masama.
"That's what we like about her too, Kuya Sean," sabi ni Jasper.
"She considers everyone's ideas. She didn't only think of herself. I remember, we plan this stupid Oplan: Disregard Reina Joy grabe. The struggle is real." Tumango ako sa sinabi ni Jasper.
I remember that quite well. Si Theo kasi tinakot niya kami and I didn't consider the thought that Mathrica has something to do with it too.
Speaking of Theo, grabe ang inggit ni Theo kay Ren-Ren. Parang may malalim siyang pinaghuhugutan sa galit na iyon. Ano kaya yun? Nakaka Curious.
Hindi naman ganun si Theo dati. Though nung nakatapak siya sa Class Zero binubully niya yung mga ibang Class. Iba parin eh. There's a big difference between how she bullies the other students before and Ren-Ren.
Tama nga si Carlo boy, nagiging delikado na si Theo.
"It is indeed hard. I remember pretty well that I chooses Ren-Ren than them," Natatawang sabi ni Nestor at pinagbabato ng damo sila Bossing Shannon at Quintin.
Dahil kay Nestor nalaman namin na binubully parin ni Theo si Ren-Ren dahil sa inggit. Grabe no? Ginawa na nga namin yung utos nila para protektahan si Reina Joy at yung mga sekreto namin pero nang-aaway parin siya.
That's when The Bossings concluded na itigil na namin yung ginagawa namin.
Reminiscing that past breaks my heart.
Watching Ren-Ren struggles every day.... grabe. Dahil sa ginawa namin, muntik pa siyang ipalipat ng School ni Joseph. Hindi na namin yun gagawin talaga! Bahala na si Batman.
"Ako naman, Reina Joy is quite appealing to me. Malakas ang impact niya hindi lang sa JM kundi pati sa ibang bayan. Nung LNK sa JM, nagka punuan ang park dahil sa kanya. Maraming dumagsa sa JM dahil sa kanya at dahil din sa kanya naging sikat ang JM University. Just because of her visuals! Alam kong matalino si Reina Joy, she's just hiding it," Napatingin kami ni Gino.
He smiles, clasping his hands. "But I'm happy that she stays. It means she wants to spend the rest of her SHS year with us, which is a good thing because, dang. Because of her, we got the praise we deserved. She changed our perspective on life. Our thoughts were locked with no hope until she came. She woke up our sleeping passion."
We all smiled.
"Agree!" Natawa kami dahil sa reaction ni Benj. Wala na ata siyang ibang masabi kaya nag thumbs up nalang siya at tumawa.
"Hands down to her name. Reina Joy. She's your class Queen and she's the reason for the genuine Joy in your faces," Napangiti kami sa sinabi ni Kuya Sean.
"Right?" tanong niya.
"Naman!!!"
"Okay, back to practice. Tayo na tayo!"
***
Nang matapos kami sa practice, sumakay kami sa kotse ni Quintin at imbes na ihatid kami sa mga bahay namin, dumiretso kami sa Puerto para bisitahin si Joseph. Ngumiti ako ng picturan kami ni Henry gamit ang camera niya bago bumaba sa kotse.
"Mahuli taya!" Tinulak ako ni Carlo kaya napa-aray ako at tumingin sa kanya.
"Hoy! andayaa!" Tumakbo si Carlo kaya hinabol ko siya.
Tinulak ni Carlo ang pinto ng kwarto ni Joseph at ngumiti ng malapad. Napangiti rin ako ng lumingon sa amin si Reina Joy at ngumiti ng malapad. Pati si Joseph napatingin din sa amin.
"Good Afternoon, What brings you guys here?" tanong ni Joseph. Lumapit kami sa kanya at nakipagfist bump.
"Tapos na kaming mag practice so we drop by. Asan si Tita?" tanong ni Gino at umupo sa couch na nasa gilid ng kama ni Joseph.
"She's at work. Dad's too. Btw, Eugene?" Napalingon ako kay Eugene na nasa gilid ni Henry habang tinitingnan yung pictures na kuha ni Henry kanina. Inangat niya ang tingin niya at lumapit kay Joseph.
"Bakit?"
"Hindi ka ba nila sinabihan?" tanong ni Joseph.
Napangiti ako at nag-iwas ng tingin. Paano ba naman kasi, nabusy kami sa practice tapos nawala na sa isip namin yung binilin nila at saka nagenjoy din kami kakaback-stab kay Ren-Ren huhuhuhuhu. Hindi naman yun sinadya TT TT
"Hindi hehehehehe" si Carlo boy na ang sumagot.
"Tsk," Napanguso kami. Edi Sorry!
"Kuya! Ikaw naman. May ginawa kaya sila kaya malamang makakalimutan nila yun. Parang ikaw nga nung dati inutusan ka ni Mama bumili ng suka pero sibuyas binili mo kasi nabusy ka— ARAAY!"
Napatawa kami pagkatapos kurutin ni Joseph ang braso ni Ren-Ren. "Magkaiba 'yon." He rolls his eyes.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Genç KurguBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...