Chapter 142: What are you hiding, Quintin?

22 3 0
                                    

EUGENE

"Mag a-alas dose na, wala pa rin si Ren-Ren," nakangusong sabi ni Franco habang nilalagay ang nguso niya sa mesa dito sa kusina.

Quintin and Shannon take over the bakery counter. Hindi naman ako nag-aalala sa dalawang yun kasi dati pa silang ganyan. 

"Oo nga, nasaan kaya yun? Pati si Carlo at Angelo, wala dito," ika ni Angelo.

"Hindi niyo ba siya tinawagan?" tanong ko sa kanila habang tinutulungan si Ivan at Paulo sa pagro-roll ng dough. Si Ken ang kumukuha ng mga na lutong tinapay sa oven at siniserve kela Quintin sa labas.

"Tinawagan ko si Ren-Ren pero out of reach siya eh. Sa inyo ba?" Tumingin si Mara sa mga kasama niya habang nag sla-slice ng dough na ginagawa namin ni Dean.

"Try ko mamaya pag nakaoras ako. Kita niyo naman oh, busy pa tayo ngayon," sagot ni Nestor habang nagmo-mop sa sahig.

"Mabuti pa nga..."

"UTAP! ISANG PACK!" Bumalik sila sa ginagawa nila dahil sa malakas na sigaw ni Shannon. 

That guy really, He don't know how to tone his voice down.

***

It's already 5pm when we close down. Pagkatapos naming maglinis sa shop, pinauna ko sila sa mga kotse nila kasi of course I need to ask my mom's and my wife's permission bago ako umalis no. Baka pagalitan ako nilang dalawa mahirap na.

"Umuwi ka ng maaga, love ah?" bilin ni Cath sa akin.

"Yes, love. Nag-aalala kasi kami. Alam mo naman yung nangyari sa kanya nung nakaraang buwan hindi ba?" Dahan-dahan na tumango si Cath habang nilalaro ang tiyan niya. She's still here upstairs. Ayaw siyang pababain ni Mom unless it's needed.

"Opo, basta uwi ka ng maaga ah?" I nodded my head again and gave her a peck kiss on the lips.

"Opo, love," Ngumiti si Cath kaya kinuha ko ang jacket ko sa kama at hinalikan muna siya sa labi bago ako lumabas ng kwarto.

"Si dad?" I asked mom. She just finished cooking our dinner.

"Saan pa ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin pabalik. I heaves a sigh and nodded my head.

"Alis muna ako, Mom. Make sure to lock the door okay? sa kusina ako dadaan pauwi." Tumango si Mom kaya nagmano ako sa kanya bago ako lumabas ng bahay at sinuot ang jacket ko. I hurriedly hop on Nestor's motor bike, wearing his extra helmet tightly.

Tumango ako sa mga kasama namin as they start to drove off the road. Inistart na ni Nestor ang motor kaya kumapit ako sa balikat niya habang nilalabang namin ang daan at dumiretso sa gilid para sundan ang kotse ni Quintin na nauna sa amin papunta kela Reina Joy.

I forgot to say na hindi ko sila sinuswelduhan sa pagtulong sa akin. Quintin implemented that. He believes that once you help someone, it should be whole-heartedly and you shouldn't expect something in return.

Quintin's God of fairness. 

And he has a point too.

Tumigil kami sa harapan ng bahay ni Ren-Ren at kahit nasa malayo, we can clearly hear screams and shouts coming from the inside. 

Ano ang nangyayari? I asked myself while taking off the helmet.

Bumaba sila Quintin sa kotse nila pati ang iba narin. Binigay ko kay Nestor ang helmet niya at unang maglakad papunta sa gate nila Reina Joy.

I squints my eyes para makita kung ano ang ganap sa loob since the gate is open a bit. The door is open kaya nakita ko si Carlo na nakayoko sa may sofa at sumisinghot. Binuksan ko ang gate nila ng dahan-dahan at sininyasan ang mga kasama ko na tumahimik kasi pati sila ay nau-usyoso kung ano ang nangyayari sa loob.

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon