Chapter 171: Too close

20 2 0
                                    

REINA JOY

 Tumingin ako sa side profile ni Mr. Vice and as I watch him close, my heart thumps. Ang pogi ni Mr. Vice. He looks so effin good lalo na ngayon na wala siyang suot na reading glasses. 

Looks like.... he's wearing a contact lenses?

"Mr. Vice, napansin ko lately, hindi mo na suot yung reading glasses mo." Napansin kong namula ang pisngi ni Mr. Vice kaya ngumiti ako ng malapad.

"I... uhm... yeah.." he mumbled.

"Bagay sa'yo—" My tongue pushed back when he turned his head towards me making me stares at his closely. 

Huminto sa paglalakad si Mr. Vice at tinitigan ako. My lips parted when he didn't move an inch at parang nakipagtitigan lang sa akin at binabasa kung ano ang iniisip ko. It's captivating me

"T-Talaga?" he asked to pop the bubble.

"O-Oo..." sagot ko kay Mr. Vice at umiwas ng tingin.

Nakasabayan namin ni Mr. Vice ang Class Zero at todo asar 'yung mga loko sa akin. Pati si Carlo, kinukurot niya ang tagiliran ni Mr. Vice at inaasar kung mabigat ba daw ako or maagan. Mr. Vice answers him with a smile at tumango. 

"Magaan lang si Reina Joy, gusto mo siya buhatin?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Shuta! May galit ba tong si Mr. Vice sa akin?

"Hoy! Wag. Baka e-hulog ako niyan sa sahig!" Ngumuso si Carlo sa sagot ko.

"Grabe ka naman, Ren. Ganyan ba ako kasama sa paningin mo? Sinaktan mo ang puso ko, Binuhusan mo ng asido, pinukpok ng martilyo. Sinaktan mo ang puso ko, ngayon ako'y naghihingalo, Mauubusan na 'ko ng dugo, sinaktan mo ang puso ko...."

Napamake-face ako kay Carlo at hinila ang kilay niya. "Awraaay!! huhuhuhu" Tumakbo siya papunta kay Quintin at nagtago doon habang hinihimas ang kilay niya.

"Wala ka bang klase?" tanong ni Quintin kay Mr. Vice.

"Meron," sagot ni Mr. Vice.

"Ako na mag-ka-karga sa kanya." Tumingin sa akin si Mr. Vice arching his brows. Siguro para tanungin ako kung gusto ko ba? I blinks my eyes at ngumiti kay Mr. Vice at saka tumango. Gusto ko sana na siya yung magkarga sa akin pero baka malate siya kaya si Quintin nalang total classmate naman kami.

Ibinaba ako ni Mr. Vice ng dahan-dahan sa hallway and Quintin hurriedly step in to carry me. Tumibok ang puso ko dahil sa ginawa niya at umiwas ng tingin. 

"Mr. Vice," tawag ko kay Mr. Vice. Lumingon si Mr. Vice sa akin at ngumiti.

"Bag mo...."

He nodded his head and walks back towards us para kunin ang bag niya. 

"At Salamat," I noticed his cheeks turned red after what I said. I want to tease him with that pero mabilis siyang umiwas ng tingin at tumango.

"Walang anuman. Mauna na ako," ika niya at saka naglakad paalis. Napatingin ako sa Class Zero kasi sinundan nila ng tingin si Mr. Vice hanggang makababa siya ng hagdanan. 

Ibinalik ng Class Zero ang tingin nila sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

Okay. Those smiles... are creepy.

Nagsimula ng maglakad si Quintin while the whole Class are tailing him. Yung mga nasa likuran naglalaro ng ML, habang ang nasa unahan, nagchi-chikahan.

Please, huwag niyo nang itanong kung ano ang ginagawa ni Carlo at Franco....

"Masakit!" daing ni Franco pagkatapos hilahin ni Carlo ang buhok niya sa kilay.

"Diba!? Tapos ganon niya hinila ang kilay ko," Nakangusong sabi ni Carlo habang hinihimas ang kilay niya. Ang OA niya talaga. Hindi naman malakas yung pagka-ka-hila ko! yung reaksyon niya sobrang OA rin.

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon