Chapter 172: Do you like me?

23 2 0
                                    

REINA JOY

Pumasok si Ma'am Precal at inutasan kami na magstudy kasi mag papaquiz daw siya. Which we did. Katabi ko si Carlo ngayon, since sa row namin siya ang may copy nung ipapaquiz ni Ma'am, nakapalibot kami sa kanya. 

Yung mga loko ang tatalino. Pinipicturan nila yung notebook ni Carlo tapos don nagstudy sa upuan nila. Technique ba! Which I copied rin naman hehehehe. Shhh!

Binasa ko ang sinulat ni Carlo at kumuha ng scratch paper para doon isulat ang mga naintindihan ko pati yung equation. We're done with Oral-Math. Ano kaya ipapaquiz ni Ma'am ngayon?

Kagat-kagat ko yung ulo ng ballpen ko habang tinitingnan ang cellphone ko sabay tingin sa papel ko kung tama ba yung equation na ginawa ko.

"Bumalik na kayo sa mga upuan niyo at kumuha ng sangkapat na papel." Napatingin ako sa orasan at kumuha ng one whole sheet at hinati sa gitna yung papel. Binigay kay Carlo yung kalahati ng akin at binigay kela Franco yung isang kahati at hinayaan sila na mag kamatayan doon.

Hinati ni Carlo yung papel namin at binigay sa akin yung kalahati.

Sinulat ni Ma'am sa board yung mga pasasagutan niya and I make face dahil na-familiar ko ang sinulat niya sa board. 

Binasa ko muna yun bago ako nagsimula sa pagsagot. It's answer directly kaya I hope tama 'tong equation na gagamitin ko. Wala pa naman akong ma kopyahan dito dahil napakadamot ng mga seatmate ko.

I take a peek on Carlo's answer but he caught me tapos tinakpan ang papel niya. "Ang damot mo, dina kita kaibigan."

"Hala? Joke lang. Oh, copy ka na oh," Nakangusong sabi ni Carlo at binuklat ang pagkakatakip niya sa papel niya. Natawa ako sa ginawa niya at sinampal ang balikat niya.

"Joke lang!"

"Ren-Ren naman eh, o copy na ka oh," Aysus! ang cute.

"Joke nga lang hehehe labyu! sige na, answer kana d'yan."

"Hehehehe labyu too!"

***

Napakamot ako sa kilay ko dahil sa ingay ng Class Zero. Opo, nandito kami ngayon kela Nestor kasi ininbita niya kami sa kanila. Syempre, ako lang yung newbie dito kaya hiya-hiya pa ako na hindi ko naman na implement ng matagal kasi napaka kapal ng mukha nila!

Class Zero are the type of students you wouldn't feel ashamed to be friends with. Ang ingay kaya nila! Parang bahay nga nila 'to eh. Feel at home. Ang iba nakahiga sa couch, yung iba nakikiconnect ng wifi, yung iba sila yung nagbubukas ng TV na akala mo naman kanila, yung iba pinapakialaman ang gamit dito sa bahay. Hay nako

"Auntie! Wala ba daw kayong hotdog sa spaghetti, sabi ni Benjamin!" Natawa ako sa tanong ni Paulo.

"Hoy! Hindi kaya! Auntie hindi po!" Namula ang pisngi ni Benj sa hiya at pinag susuntok ang braso ni Paulo. Humalakhak naman si Paulo at mukhang nag-eenjoy sa ginagawa niya.

Kanina pa siya ganyan. Ginagaya nga siya ni Carlo eh.

Kinain ko yung spaghetti ko habang nakatingin sa kanilang lahat. Tumingin sa gawi ko si Jasper at may binulong kay Paulo. "Sige... subukan niyo," I warned. Tumawa si Paulo at tumango kay Jasper. Itinaas ni Paulo ang kamay niya kaya hinubad ko ang tsinelas na suot ko at tinapon yun sa ulo niya.

"Sapol!" sabi ni Carlo.

"Hindi naman ikaw ihhhhh," whines ni Paulo at hinimas ang ulo niya.

"Akin na 'yang tsinelas ko." Tumayo si Paulo at pinulot ang tsinelas ko. Sinuot pa niya yun sa paa ko tapos ngumiti ng malapad. Gagi talaga.

Natatawa na pumunta sa amin ang Mama ni Nestor kasama ang Lola niya. Binati naman sila kaagad ni Carlo at nagmano pa doon sa Lola ni Nestor. Umupo sila sa harapan namin habang si Nestor ang nagse-serve ng pagkain sa coffee table na nasa gitna.

"Ilang taon na po kayo?" tanong ko sa Mama ni Nestor.

"Ako? Hmm... 41 na ako," namula ang pisngi niya pagkatapos niya yun sabihin kaya napangiti ako. Ang cuteee!

"41 ka na po Tita? Parang nasa 20's ka pa ah!" bola ni Shannon sabay palo sa braso ng Mama ni Nestor. Napailing ako. Bolero talaga.

"Ikaw talaga, Saff. Napaka Bolero mo parin. Nagma-make up na nga ako ngayon hihihi." Tinuro niya si Nestor kaya umirap si Nestor sa hangin. "Binilhan niya ako ng isang box ng make-up. Sayang naman kung hindi ko gagamitin kaya ginamit ko," Nakangiti niyang sabi.

"Tingnan mo ija, pantay ba kulay ng leeg sa mukha ko?" tanong niya sa akin at hinawakan ang buhok niya.

Napatingin ako sa kanilang lahat at saka lumapit kay Tita para tingnan ng mabuti yung mukha at leeg niya. "Okay naman po. Medyo kulang lang po ng blend yung sa leeg niyo. Overall, maganda naman po. Bagay po sa inyo," nakangiti kong sabi sa nanay ni Nestor bago ako bumalik sa upuan ko at ngumiti sa kanya.

"Ganon ba? Papaturo ako sa'yo huh? Sa tingin ko kasi marami kang alam." Tumango ako sa sinabi niya at ngumiti ng malapad.

"Sige po! Wala pong problema! Pwede naman po kayong manood ng mga make-up tutorial sa youtube, marami din po kayong matututunan doon. Doon din po kasi ako natuto," nakangiti kong sabi sa kanya at kinain ang tira kong spaghetti.

Pagkatapos namin kumain, nag-aya ng karaoke sila Gino kaya hayon silang lahat sa harapan, may hawak-hawak na baso ng beer habang kumakanta. Dalawang wireless Mic nga yung gamit nila eh.

Si Carlo, sinabihan ko na 'wag uminom pero yung loko, nginitian lang ako at maging kampante daw ako kasi hindi daw siya magpakalasing and guess what, hayon siya ngayon sa pinaka-harap nagtu-twerk. Hindi pa siya lasing niyan ah?

Gustuhin ko mang uminom at sumali sa kanila para magsaya, bawal pa. Di bali, sisiguraduhin ko na lang na pag nasa tamang edad na ako, iinom ako ng bonggang bongga. Bonus kasi hindi ako sasawayin ni Kuya. Nasa tamang edad na ako ih

Tumabi sa akin si Quintin looking tipsy. "Tapos ka ng tumalon-talon doon?" tanong ko sa kanya. Natatawa siyang tumango at nilagyan ng beer ang baso niya tapos nilagok yun.

"Bakit hindi ka sumali sa kanila?" tanong niya sa akin.

Tumingin ako kela Carlo na nasa harapan at busy sa pagsisigawan. Hindi yung normal na sigaw, kundi yung sigaw ng malakas!

Kung kapitbahay ako ni Nestor tapos ganito kaingay ang mga bisita niya, Malamang pinagbabato ko na sila sa bubong. Ang ingay kaya! Akala mo naman ang gaganda ng boses!

"You want?" Tumingin ako kay Quintin when he handed me his glass. I hurriedly shook my head.

"Hindi ah! hehehe inom ka, inom."

Binalik ko kay Quintin ang baso niya at ngumiti ng malapad. Tumango naman siya at uminom ulit tapos tumingin sa mga kaklase namin na todo kanta doon sa harapan ng TV. "Reina Joy...." Napalingon ako kay Quintin nang tawagin niya ako.

"Do you like me?"

ANO DAW???





To be continued.....

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon