Chapter 212: Your brother is so hot headed

19 2 0
                                    

REINA JOY

"HUWAG MO NANG AYUSIN YANG DAMIT MO! HALIKA NAAAA!" sigaw ni Carlo at kinuha ang pulsohan ko. Hindi na ako nakapalag at sumunod kay Carlo palabas ng covered court at tumakbo papunta sa parking lot.

Marami nang kotse ang humihinto sa harapan ng school at marami na rin ang mga estudyante na nag dadatingan. "Good Morning po ate Reina!" bati ng mga High School sa akin.

"Good Morning!" bati ko sa kanila pabalik.

Hinila ako ni Carlo kaya nagpaalam ako sa kanila at sumunod kay Carlo sa parking lot ng school. Hinanap ni Carlo ang kotse niyang Aston Martin Victor. Nang mahanap niya ang kotse niya, binuksan niya ang passenger seat at saka tumakbo papuntang driver seat.

Pumasok ako sa loob ng kotse at sinuot ang seatbelt bago sinara ang pinto. "Ren oh, gusto mo sa'yo na to? Hehehehe" Napatingin ako kay Carlo at tinaasan siya ng isang kilay. Binigay niya kasi sa akin yung 1k na bigay ni Shannon.

"Aanhin ko yan?" tanong ko sa kanya.

"Sa'yo na. Meron naman akong pera," nakangiting sabi ni Carlo. Nilabas niya ang pitaka niya at dumukot ng limang libo tapos pinakita sa akin.

"Hilasan!"

***

"Ano maganda, Ito or ito?" tanong ni Carlo habang pinapakita sa akin ang telang kulay pula at berde. I make face and shakes my head. "Pangit pangit!" Tumango si Carlo at binalik ang sample ng tela na hawak niya at tumingin sa paligid.

"Wala ba silang malong dito?"

"Gusto mo ng malong?" tanong ni Carlo. Tumango ako sa kanya at nilagay ang kamay sa baba.

"Ano ba mas maganda? Yung mase-sense kaagad ng mga judges na para silang nasa Kaamulan festival ba," sabi ko habang nakatingin kay Carlo.

"May idea na ako! Pero tingnan muna natin kung may ganon ba silang color," sabi ni Carlo at naunang maglakad sa akin.

Napanguso ako at sumunod sa kanya.

"Ren, pwede ko ba hiramin ang cellphone mo?"

"Huh? Oo naman!" Kinuha ko ang cellphone sa shoulder bag ko at binigay sa kanya. Kinuha ni Carlo ang cellphone ko at may ginalaw doon. Kumunot ang noo ni Carlo at tumingin sa akin. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Umiling si Carlo at tumingin sa cellphone ko.

"Bakit nga?" tanong ko ulit at tumabi sa kanya. Tiningnan ko kung ano ang tinitingnan niya and I smiled.

"Nakikita mo pa rin ba siya, Ren?"

Tumingin ako kay Carlo at tumango. "Kagabi, nakita ko siya. Yan, na picturan ko. Bakit?" tanong ko kay Carlo. Tumingin siya sa akin.

"Naalala mo ba yung time na sinabi ko sa'yo na may nakita akong lalaki sa harapan ng bahay niyo?" Tumango ako sa tanong niya.

"Oo, bakit?"

"Tuwing dumadaan kasi ako sa inyo nakikita ko siya. Ang kaso, hindi ko siya kilala kasi naka itim siya tapos naka mask din. Feeling ko may masamang balak siya, Ren..." Napalunok ako sa sinabi ni Carlo at tumingin sa cellphone ko.

"Bakit mo naman nasabi?"

"E kasi parati siyang nakatingin sa bahay niyo. Hindi lang sa bahay niyo, pati yung sa kapit bahay niyo," sabi ni Carlo.

Ano kaya ang masamang balak ng lalaking yun? Siguro dapat sabihin ko na si Kuya na magpakabit ng CCTV sa bahay, Para kung babalik man yung lalaking yun ma-mo-monitor namin. Sasabihan ko si Kuya mamaya.

"Okay ka lang, Ren?"

Napatingin ako kay Carlo at tumango bago ngumiti. "Oo naman... May iniisip lang," sagot ko sa kanya. Huminto kami ni Carlo sa area ng mga malong. "Kung gusto niyo ng makasama sa bahay niyo, tawagan niyo lang kami. Pupunta kami kaagad," nakangiting sabi ni Carlo.

"Hindi na no! Kami na ni Kuya bahala dun," sagot ko kay Carlo. Tumango si Carlo at ngumiti sa akin. Tumakbo siya papunta doon sa malong na kulay pula na may halong yellow at tinaas yun para ipakita sa akin.

"Ito Ren, gusto mo?" tanong ni Carlo habang inaangat ang mataas na malong. Carlo's tall but the malong is more taller than him.

"Iniisip ko kasi yung headdress mo ba. Diba color White, Black, Yellow, at Red yun? At saka plano ko rin na yung design ng table natin is kapareha sa headdress mo! Kukunin namin yung kawayan na nasa classroom natin at ipatayo sa likod ng mesa yun ang nagsisilbing kahoy katulad nang sa headdress mo. What do you think?"

Pinagsingkit ko ang mga mata ko habang nakikinig kay Carlo and I unconsciously nodded my head. Yung sinabi ni Carlo kanina ay hindi mawala-wala sa isip ko. Hanggang nung nakabalik kami sa school, lutang parin ako. Sila na nga ang nagdesign ng table namin e. I don't know, I can't move an inch.

Na conscious ako sa paligid dahil doon. What if sinusundan pala ako ng lalaking yun diba? Kung hindi ako, si Kuya. Who knows kung anong balak niya sa amin or sa akin. Kinakabahan ako.

"What's wrong with her?"

"Kuyang Joseph! Hehehehe muxta pooh!"

"I'm asking you properly, Carlo."

"Ay galit? Kita mo naman diba? Nakatulala siya. Siguro may iniisip? Ikaw talaga Kuyang Joseph, minsan tanga ka— ARAY! BA'T NAMAN NAMBABATOK?!"

Inangat ko ang tingin ko at tiningnan si Kuya at Carlo na nag babangayan sa harapan. Napatingin silang dalawa sa akin kaya nginitian ko sila at tumayo sa bleacher para tumulong sa ginagawa ng Class Zero.

Kinuha ko ang sobrang malong na pinutol ni Ken at pinulupot sa balikat ko. Wala lang. Wala akong ibang magawa e. Inayos ko ang buhok ko at tumingin sa buong covered court. Malaki ang covered court ng JM pero dahil kasali ang College sa table contest na 'to, naging masikip siya. Kahit saan ka lilingon puro lamesa makikita mo.

"Ito na oh!!"

Nilapag nila Nestor at Ken ang bulsita na dala nila sa mesa namin. Tinanggal ko ang malong sa balikat ko at kinuha ang bulsita sa lamesa para tingnan kung ano ang laman non. "Oy puto cheese!" Hindi ko mapigilang sigaw.

Napatingin sa akin sila Shannon at kinuha ang bulsita sa kamay ko para tingnan din ang laman non.

"Ang rami ng binili mo. Wala man lang panulak," komento ni Strektong president.

"Ay, kailangan pa pala ng panulak? Teka, may sobrang 300 pa ako dito bibili ako ng buko. Yung fresh na buko na may straw." Nestor sticks his tongue laughing before he ran away.

"HOY TEKA!! SAMA AKOOO, TORNES!!" sigaw ni Carlo.

Binigay ni Carlo sa akin ang notebook niya na may mga sulat tungkol sa history ng pilipinas, mga types of festival, ilan ang isla ng pilipinas, national hero— lahat na may kinalaman sa ganap ngayong buwan.

Niyakap ko ang notebook ni Carlo at pinanood sila Shannon na ayusin ang table namin. Ginawa rin nila yung ibig kong sabihin which is yung kopyahin ang style ng headdress ko sa porma ng mga kawayan sa likod.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinutok yun sa kanila habang nakangiti. Kinunan ko sila ng larawan habang seryoso sila sa pag-aayos ng table namin.

"RJ," tawag ni Kuya.

Binaba ko ang cellphone ko at lumingon sa kanya. "Bakit?"

"Tawag ka...." Eh? Nino

Tumingin ako sa stage at nginitian si Ms. President. "Kayong dalawa," Ms. President mouthed.

"Tayo daw dalawa!" Siniko ko ang tiyan ni Kuya bago kami lumakad papunta kay Ms. President na nakatayo sa stage at may hawak na ribbon. Umakyat si Kuya sa stage habang ako ay naiwan sa ibaba. Mga officers lang pwede umakyat sa stage. Hindi naman ako officer

"Ito yung laso niyo. Idikit mo to kung saan ka komportable," sabi ni Ms. President. Tumango ako at tumingin kay Kuya sa stage na nakabusangot kasi inutos-utosan siya ng mga kasama niyang officers.

"Kuya, una na ako," sabi ko kay Kuya. Napatingin siya sa akin at umirap. Natawa ako at tumingala kay Ms. President.

"Your brother is so hot headed," she mouthed and made a face.




To be continued..... 

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon