REINA JOY
Pagkatapos namin kumain ni Kuya, humingi ako ng pera sa kanya para bumili ng lumpia. Ang sarap kasi ng lumpia nila dito, may chicken tapos pork flavor. Tig 5 pesos ang isa so bumili ako ng apat na chicken flavor.
Sumunod ako kay Kuya sa labas at sumakay sa kotse niya. Binaba ko yung salamin ni Kuya sa kotse at pinunasan ang labi ko.
"Do your makeup nga. You look pale," Napanguso ako sa sinabi ni Kuya at kinuha ang purse bag ko na nasa likuran.
"Magmaneho ka ng dahan-dahan." Tumango si Kuya at inistart ang kotse. Nilabas ko yung wet wipes sa bag ko at pinunasan ang buong mukha ko. Kinuha ko yung hair clip sa bag ko at saka iyon nilagay sa buhok ko para hindi bumagsak yung bangs saka ko nilagyan ng foundation ang mukha ko.
No bumpy rides happens kaya naayos ko ang paglalagay ng make-up sa mukha ko. I have reference in front of me at syempre hindi ko kinapal ang make up sa mukha ko.
Parang natural lang. Nag apply din ako ng konting lipstick para makulayan ng konti ang labi ko. Pagkatapos kong ayusin ang mukha ko, tinanggal ko ang hair clip sa buhok ko at kinuha ko yung suklay sa bag.
Kuya stopped the car and when I tilted my head, we had already arrived at School. Nagsipark na rin yung ibang kotse and they stepped out wearing their Folk Dance costume.
Kinuha ko ang tali na nasa buhok ko bago ko yun sinuklay. "Let me help you, talikod ka." Tumingala ako kay Kuya at tumalikod sa kanya facing the window. Sinuklay niya ang buhok ko and gather them.
Tumingin ako sa gawi niya and I saw him looking for something at his pocket. Kinuha niya yung hair gel sa bulsa niya at nilagyan ng konti ang buhok ko.
"Huwag kang gumalaw." Sabi ko nga hindi ako gagalaw hehehe. Hinayaan ko siyang ayusin ang buhok ko. Yung curtain bangs ko, nilagyan niya ng gel sa dulo tapos inikot-ikot edi ngayon may noddles na ako sa buhok.
"Asan yung tela?"
"Teka...." Inabot ko ang paper bag sa gilid ko at hinanap dun yung tela tapos binigay sa kanya.
After minutes, pinatinggin niya ako sa salamin and I love how he tied the cloth like a ribbon in my hair. "Ganda ah! Oh pabuya mo," natatawa kong binigay kay Kuya ang lumpia na binili ko bago ako humalakhak ng tawa.
Inirapan ako ni Kuya. Maldito talaga.
Lumabas na ako sa kotse ni Kuya dala-dala ang paper bag. "Pupunta ka sa Dome diba? Punta muna ako Class Zero," Kuya nodded his head so I lean closer at him to pecks his cheeks bago ako lumihis ng daan.
Paliko pa lang ako sa Hallway, rinig narinig ko na ang malakas na sigaw ng Class Zero. How did I say na sa kanila yun galing? Walang tao sa ibang Classroom kaya malamang! Dumiretso ako sa Class Zero at kinagat ang ibabang labi ko habang nakatingin sa kanila.
"REN!" Napatigil sila sa pag-iinat ng suot nilang Katipunero at nginitian ako.
"Ang ingay niyo, doon pa lang sa hallway rinig narinig ko na kayo," nakanguso kong sabi sa kanila.
"Si Carlo kasi!" sabi ni Shannon at sinakal si Carlo. "Sabi ko, Medium size ang hiramin niya, yung gago pinili ang Small! Ngayon nag pro-problema tuloy kami. Pinabalik ko kay Nestor yung costume at humiram ng bago." Sumigaw si Carlo dahil hindi parin siya binitawan ni Shannon.
Napa-iling nalang ako at pumunta sa pinakahuli ng Classroom. "Magbibihis ka?" tanong ni Eugene sa akin. I nodded my head.
"Bossing Quintin!" Tumakbo si Quintin papunta sa amin ni Eugene at ngumiti.
"Bakit?" he asked.
Naka Katipunero na si Quintin and not gonna lie, he looks so beautiful wearing a white shirt, paired with Red cloth pants and red cloth wrapped in his shoulder tied under his neck. Pogi yarn?
"Magbibihis daw siya, tulungan mo ako e-angat ang malong," sabi ni Eugene.
"Okay." Kinuha ni Quintin ang malong na nasa sahig at tumingin sa akin. "Pasok ka dito, Ren at dito ka magbihis," he said. Hinawakan ko ng mahigpit ang paper bag na hawak ko bago ako pumasok sa malong na hawak nila.
Itinaas nila yung malong and it's above me. Ang taas ah tapos makapal pa!
Tumingala ako sa malaking butas sa itaas at hindi naman sila nakadungaw sa akin so I start taking off my clothes and wear the Patadyong. It's a whole white dress hanggang binti. What's cool is that, mayroon itong naka-attached na red tela sa may bewang ko and I just need to tie it para humigpit yon sa bewang ko.
Inabot ko ang zipper ng damit but I cant reached it. "Quintin, patulong." Ibinaba ni Quintin ng konti ang malong at dumungaw sa akin.
"Hmm?" Tumalikod ako sa kanya, pointing the zipper of my dress.
"Pwede mo bang itaas?"
"Opo," Opo? Ang cute!
Itinaas ni Quintin ang zipper ng damit at itinaas ulit ang malong. Inayos ko ang Patadyong na suot ko at tinapik ang tiyan ko. Tapos na! Lumabas ako sa malong nila at pinulot ang mga damit ko sa sahig at nilagay sa paper bag.
"Tapos na?" Tumango ako kay Eugene at ngumiti.
"Opo! Salamat!"
"REN! TAPOS NA IKAW? PA HELP. HEHEHEHE" Napalingon ako kay Carlo at lumakad papunta sa harapan. Nilapag ko ang paper bag na hawak ko sa teacher's table at tumungo sa gawi niya.
Naka Katipunero rin si Carlo, only Quintin and Carlo ang naka Katipunero, ang iba ay naka white t-shirt lang.
"Ano maitutulong ko?" tanong ko sa kanya.
Tinuro niya ang tela na nakapulupot sa balikat niya. So he don't know how to do a knot huh? Ang dali lang kaya! Napag-aralan ko 'to nung Elementary ako kasi sumali ako sa Girls Scout hehehe!
Hinila ko si Carlo palapit sa akin at hinawakan ang dalawang dulo ng tela niya. Inayos ko muna yung pagkakafold nun tsaka ko iyon tinali into square knot. Mabuti nalang at mahaba tong tela niya kasi kung hindi, baka hindi ko 'to matatali into square knot.
Pagkatapos kong itali ang tela ni Carlo, Inayos yung tela at ngumiti sa kanya. "Tapos naaa!"
"Ren!"
Inikot ko ang katawan ko para makita kung sino ang tumawag sa akin. "Me too. Your knot is way more attractive than mine," nakangusong sabi ni Quintin habang naglalakad siya papunta sa akin.
That pout... I want to pinch!
Nang makalapit si Quintin sa akin, tinanggal ko ang tela na nasa leeg niya at tinanggal ang tali doon. Nilagay ko yun sa mesa at tinupi ng pangalawang beses ang dulo since parang triangle 'tong tela nila at lumapit kay Quintin para ipulupot yun sa balikat niya.
Kung mahaba yung kay Carlo, mas mahaba 'tong sa kanya which makes it easy for me to tie it.
Pagkatapos kong itali ang tela ni Quintin, tumingala ako sa kanya at ngumiti. He hurriedly turned his head and left without saying anything.
"Hehehehe!" Tumingin ako kay Carlo na kanina pa tumatawa.
"Bakit?"
"Walonamorn!" Binatukan ko nga. Baliw eh.
"ITO NA! MAGBIHIS NA KAYO! CLASS THREE NA ANG NAGPE-PERFORM!"
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Ficção AdolescenteBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...