Chapter 170: Please don't ask

19 1 0
                                    

REINA JOY

Inayos ni Carlo ang buhok ko nang makabalik sila sa Classroom. I can't stop myself earlier not to go out and leave. Hindi ko natapos ang kantang kinanta ni Theo because my chest hurts. 

Kanta namin yung dalawa. I remember well how I hold her hand while we were singing that song, dedicating it to each other. I wonder what comes into her mind to sing that song in the middle of the crowd. If she's making a show again, Congrats to her!

Tiningnan ko ang cellphone ko at binasa ang mga comment ng mga tao dahil sa ginawa ko kanina. Someone posted the scene I did in the JM University group. Some are worried, some are laughing. 

Please don't ask kung ano ang reaksyon ng mga kaibigan ni Theo. 

They laugh at the post and call me out as a Walkout Queen. Na-hurt ba daw ako sa kanta or ano. Hindi ba pwede najejebs kaya umalis ako? Grabe sila.

"May naalala ka sa kantang yun no?" Inangat ko ang tingin ko kay Franco at tumingin sa bintana. I just cause a scene earlier, alam kong nacurious sila kung bakit ko yun ginawa.

"Hindi, naiihi kasi ako," sagot ko kay Franco bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya at ngumiti ng malapad. "Bakit? Huwag niyong sabihin na isa kayo sa nag-assume na nag walk-out ako dahil sa ganda ng boses ni Theo?" Natatawa kong tanong sa kanilang lahat.

"Hindi no!" they groaned. I smiled.

"Ang galing ni Mr. Vice noooh!"

"Nako, sinabi mo pa. Hindi ko alam may talent pala siyang ganon!"

Umiwas ako ng tingin sa kanilang lahat at tumingin sa bintana. Marami silang pinag-usapan tungkol sa nangyari kanina and I just listen to them attentively. 

Tuwing humihingi sila ng impression sa akin, I answer them with a smile and simply nodded my head. Ganon lang.

Pumasok si Sir PE at inutusan kami na magpractice para sa Folk Dance namin. Nag flashback tuloy sa akin ang nangyari noong biyernes. Nakakalula.

"Kunin niyo yung kawayan sa labas. Ako pa ba kukuha ng mga yun?" utos ko sa kanila ng nakapamewang.

"Ang sungit mo ngayon ah! Meron ka?" tanong ni Dean sa akin.

"La kampake! Labas. Eugene, maiwan ka dito. Diba sabi mo may sasabihin ka sa akin?" Tinuro ni Eugene ang sarili niya at tumango ng dahan-dahan. 

"Gusto ko nga sana sabihin, Ren kaso mukhang badtrip ka eh, kaya sa susunod na lang hehehehehe" Aba!

"Isa ka rin. Gago." Siya yung unang tumawag sa akin kanina na may sasabihin daw siya tapos hindi niya sasabihin ang gusto niyang sabihin ngayon?! Unfair!

"Hoy bad!" Inirapan ko silang lahat.

Nang mapasok na nila lahat ng kawayan, nilabas ni Carlo ang bluetooth speaker niya habang si Jasper yung nagprovide ng remix para sa music namin. Kinuha ko ang pantali ko sa buhok at binigay yun kay Carlo. Kinuha niya naman yun at sinuklayan ang buhok ko bago niya iyon tinali into bun.

"Ikaw, napaka maldita mo ngayon," Napanguso ako sa sinabi ni Carlo.

"Kasi naman..."

"Paborito mong kanta yung kinanta ni Theo no?" Tumingala ako kay Carlo bago bumuntong-hininga.

"Kanta namin yun dati. Ako nagsabi sa kanya na yun ang theme song namin." Tumango si Carlo sa sinabi ni at sinuklay ang buhok ko pagkatapos niya yung itali.

"Bakit kaya niya yun pinili kantahin kanina no?" I shrugged my shoulders

"Siguro para inisin ako? Hindi ko alam..."

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon