Chapter 151: The new start

22 4 0
                                    

REINA JOY

"Wake up, ngayon na ipo-post ang grade niyo sa first sem," Kinusot ko ang dalawang mata ko at tumingin kay Kuya na nagtutupi ng damit sa dulo ng kama ko.

"Ano?" tanong ko sa kanya at umupo sa kama. Lumingon si Kuya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Sabi ko, bumangon ka na dahil ngayon ipo-post ang grade niyo," he said shaking his head disappointedly at bumalik sa pagtutupi ng mga damit.

"Ikaw ah, nakakailang english ka na. Magbayad ka." Lumingon ulit si Kuya sa akin kaya ngumiti ako ng malapad at tumayo sa kama. 

"Chill. Nagbibiro lang ako, sungit," Kinuha ko ang towel ko sa gilid ng kama at tumakbo papunta sa banyo dahil tumayo si Kuya sa kama at may dalang t-shirt para ipalo sa akin.

"SORRY NGA!!!" sigaw ko at binagsak ang pinto baka mapalo niya ako gamit yung damit. Masakit kaya!

Pagkatapos kong maligo, nag uniform na ako at lumabas ng banyo. Kuya is now arranging my closet at tinupi ng maayos yung mga damit na nandoon tapos sinarado ang closet at tumingin sa akin. 

Nilagay niya ang kamay niya sa bewang at tinaasan ako ng kilay sabay sabi, "Wednesday ngayon tapos mag u-uniform ka? ang bait mo namang estudyante!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tumakbo sa study table ko para tingnan ang date ngayon.

Ayoko nga maniwala sa pinagsasabi ni Kuya! Parang nung dati lang niprank niya ako na late na daw ako pero ang aga pa pala. Hmp! "Ano, ayaw mo maniwala?" tanong ni Kuya sa akin habang tinitingnan ko yung calendar ng laptop ko.

"Hakdog!" Tinulak ko siya palabas ng kwarto bago ko sinarado yun.

White T-shirt, paired with my skinny jeans and peach cardigan ang suot ko ngayon. Wala na kasi akong ibang mahanap kaya ito nalang. Lumabas ako ng kwarto dala-dala ang bag ko at bumaba sa sala. 

"Wala kang pasok?" tanong ko kay Kuya pagkatapos kong itapon ang bag ko sa couch.

"Meron, mamaya pa ala-una," he answered. I nodded my head at kumuha ng pancake sa mesa. 

I ended up leaning on the table habang hinihintay si Kuya matapos sa ginagawa niya sa kusina. I feel a vibration in my pocket kaya kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag ng kung sino man ang tumatawag sa akin.

[Ako na— Ren? Ren, asan ka, Ren?] Napatingin ako sa pangalan ng contact and make face when I read Shannon's name there.

"Nasa bahay, bakit?"

[Wala naman— ako naman bossing!— Oh!— HI REEEEN! GOOD MORNIIIIING!] Nalayo ko sa tenga ang cellphone ko dahil sa malakas na sigaw ni Carlo. Problema nitong batang 'to?

"Good Morning, bakit kayo napatawag?" tanong ko habang ngumunguya ng pancake.

[Wala naman... ] My brows frowned at uminom ng tubig.

"Okay?"

[Hehehehehe alam mo ba ngayon e-re-release ang grade natin?]

"Oo, sinabihan ako ni Kuya." 

Umupo ako ng maayos sa upuan ng ihain ni Kuya sa mesa ang mga niluto niya. Last night, it rained to hard kaya ngayon, the sun hasn't woke up yet. Gloomy kasi ngayon, hindi mainit at kung wala akong klase ngayon, malamang nasa kwarto lang ako, natutulog.

[Ganon? Ako dapat magsasabi ih. Sana tumawag ako ng maaga,]

"Put down your phone and eat," sabi ni Kuya since tapos na siya sa pag-hahain sa lamesa.

"Sige na, bye na. Kita na lang tayo sa school," 

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Carlo at pinatay ang tawag. Kuya prepares fried chicken and bowl of gravy. He is a good cook so I'm sure mapapachief kiss ako dito.

"Kumain ka na para maka-alis ka na. Geez. It's already 6:45am, Reina Joy," he scolded. 

Napa make face ako bago ako nagsimulang kumain. Actually busog na ako since kumain ako ng pancake pero sayang naman yung hinanda ni Kuya kaya kumain nalang ulit ako.

Pagkatapos kong kumain, hinatid ako ni Kuya sa School and it's been two days when he didn't do this for me. I kinda feel better knowing na bati na kami ni Kuya. "Dito na ako, wala kang pasok?" tanong ko kay Kuya at tinanggal yung seatbelt.

"Wala nga kulit. Mamaya pa," he answered.

"Alis na ako ah?" I was about to head out pero kinuha ni Kuya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Kiss?" he asked pointing his cheek. Luh?

"Psh." Hinalikan ko ang pisngi ni Kuya bago ako bumaba sa kotse at nagwave sa kanya bago ako pumasok sa loob ng school.

"Reina Joyy! She's here naaa!" I chuckles when students with an unfamiliar uniform welcomes me. 

"Can we take a picture po?" Napakamot ako sa ulo ko at tumango.

"Sure, let's make it quick lang baka kasi ma late ako," I told them. 

They nodded their head at tumabi sa akin. Yung kasama nila ang nagtake ng picture at para makasali siya, front camera ang ginamit niya. We took several shots before we bid farewell to each other.

Binati ko yung mga estudyante at tumakbo papunta sa Grade 11 building. "Babae, magandang umaga!" Pinigilan ko ang sarili ko na hindi mapatawa dahil sa bati ni Cecil sa akin ng nakasimangot.

"Ano meron at nakasimangot ka?" tanong ko sa kanya. I turned my head when she pointed my back. Nakita ko sila Belle kaya nginitian ko sila ng malapad. "Magandang Umaga," bati ko sa kanila ng nakangiti.

"Maganda Umaga, Reina Joy!" bati nila Jonila sa akin at tumakbo para mayakap ako.

"Anong meron? ba't nakasimangot tong si Cecil?" tanong ko sa kanila.

"Nag inglish kasi siya. Diba bawal mag inglish ngayon dahil buwan ng wika? kaya hiningan namin siya ng bayad. Dyes pesos nga lang binayad niya, hindi na kami umanggal diba?" Tumango si Elvie at pinakita sa akin yung dyes pesos na binigay ni Cecil.

"Hoy ah! Yan lang pera ko sa bulsa eh! napakademanding niyo naman, kayo na nga binayaran eh,"

"REEEN!"

Nanakaw ang atensyon ko dahil may biglang tumawag sa akin. Napalingon ako sa likuran nila Belle at pinag singkit ng mata sila Carlo kasama ang Class Zero. Hinanap ng mga mata ko si Quintin pero hindi ko siya makita na kasama nila Carlo kaya napanguso ako.

"Reen! magandang umagaaa!" Nginitian ko si Carlo. 

"Magandang umaga mga binibini!" bati ni Carlo kela Cecil.

"Magandang Umaga, saan kayo pupunta?" tanong ni Elvie.

"Hinihintay namin kung kelan ipapaskil sa bulletin board yung tungkol sa Grades sa baba, eh wala pa kaya bumalik kami dito. Sabi sabi kasi, ngayon daw yun ipa-paskil," sagot ni Shannon at nilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng blazer niya.

"Oh! Savage oh," Napalingon ako sa gilid at tumabi kela Henry kasi naglalaro sila ng ML. Si Dean din nakinood at nakakunot noo.

"Sa likod mo," sabi ni Dean at tinuro yung sa screen ni Ivan. Kaagad naman na tumakbo ang hero ni Ivan palayo para mapatay ang kalaban niya. Ngumiti si Dean at pinagkrus ang braso niya. I poke his arm kaya napatingin siya sa akin. 

"Bakit, Ren?" tanong niya kaya ngumiti ako.

"Si Quintin? Hindi ko ata siya nakita ngayon," Umiwas ng tingin si Dean at nagkibit balikat kaya napanguso ako.

"Galit ka parin kay Quintin?" Tumingin ulit si Dean sa akin at tumango.

"Oo eh, hindi ko siya kayang patawarin," sagot niya sa akin at huminga ng malalim.

"Pwede ba tayong mag-usap? Ng tayong dalawa lang?"

Tumingin si Dean sa unahan at tiningnan sila Shannon at nakikipag tawanan kela Cecil. "Okay,"






To be continued.....

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon