Chapter 123: Can I ask for your advice?

23 5 0
                                    

REINA JOY

Pagkatapos kong maisampay ang mga nilabhan ko at mga damit ni Kuya. Pumasok na ako sa loob ng bahay at sakto ring nakatayo si Kuya sa upuan at pinupunasan ang mga furnitures niya sa bahay. 

"Akin nga yung walis," Hinanap ko yung walis na nasa likod ng pinto at binigay kay Kuya.

Inabot niya yung sa pinakataas ng Divider na nililinis niya at binigay sa akin ang walis. Bumaba siya pagkatapos nun at tiningnan ang mga gamit at yung malinis niyang Divider. 

"Should we change the places of these?" tanong niya sa akin habang tinuturo sa may Amplifier niya at sound box.

"Ewan ko sa'yo?"

Pinag singkit ni Kuya yung mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na naiba na pala ang pwesto nung mga picture frame namin sa Divider. 

Kung dati ay nasa harapan yun ng TV, ngayon ay nahati na siya sa left and right tapos ang napanalunan kong korona ay nasa pinakamataas ng TV na nakalagay sa transparent box.

Yung mga shash ko ay nakadikit sa dingding malapit sa Tarpaulin ko.

Ang style ng sala ngayon ay iba na like, kung papasok ka sa bahay, itong sala set kaagad ang babati sa'yo and when you look at the left side after you enter, nandon yung TV stand Divider ni Kuya, when you turn back at tumingin ka sa itaas, nandon ang tarp ko with my shash and then nandon rin ang hagdan papuntang itaas namin.

Sa likod ng sala set, nandon ang guest room and when you walk inside the house and head straight, makikita mo ang pinto papuntang garden but if you walk to the right makikita mo ang kitchen at dining table.

Napakamot si Kuya sa ulo niya habang tinitingnan ang soundbox at ampli niya. "Help me," sabi ni Kuya at hinawakan ang isang sound box. Tinanggal niya yung wire non at saka pinahawak ako sa magkabilang side.

Tinulungan ko lang siya kung saan niya gusto ilagay yung mga box at ang ending, hiniwalay niya yung dalawang box, yung isa sa right side ng Divider tas yung isa sa left side and then yung amplifier nasa gitna, sa ilalim ng TV.

"Better," he mumbled at umupo sa couch habang tinitingnan ang bagong design ng sala niya. 

"Juice ustue mo? Pero wala tayong tinapay eh." Kuya gave me his dagger look kaya nagkibit-balikat ako.

"Edi bumili ka," singhal niya sa akin.

"Sabi ko nga bibili ako. Sungit!"

Lumabas ako ng bahay at nilakad ang daan papuntang entrance ng JM. Marami akong nakaka sabayan na nakikipag chikahan sa akin kung bakit daw ako wala sa plaza at sa dome. 

Sinagot ko naman sila na may ginawa ako sa bahay kaya hindi ako nakapunta. 

"Sana po makapunta ka bukas," sabi nung babaeng hanggang balikat ang buhok.

"Nako bhie, pupunta talaga ako bukas!"

"Talaga poo?" tanong nung kasama niya na ikinangiti ko. 

"Oo naman no! sadyang busy lang ako ngayon kaya hindi ako nakapunta ako. Ano ba nangyari kanina?"

"Ang rami po! Meron po silang bisikleta contest diba!" Tumango yung isa.

"Oo po, tapos may palaro rin para sa mga bata tapos yung Young Breadwinner rin sinabi kanina. Nanalo po kami!" sabi nung isa at itinaas pa ang kamay niya.

"Oh! saang school ka ba?" ngumiti siya sa akin.

"Cruz High po." Ang layo puta!

Kung dito papuntang San Martin ay tatlong oras ang biyahe, sa Cruz limang oras! "Cruz High ka? Ang layo mo naman." Napakamot siya sa batok niya at ngumiti.

"Hindi po dapat kami pupunta— kaming lahat na taga Cruz High kasi malayo po pero kumalat kasi balita na ikaw daw yung Next Top Queen at band mother kaya pumunta po kami!" My jaw literally drops. 

Dahil lang don?! Eh hindi nga ako yung Next Top Queen jusme

"Eh kasi ano..."

"Ano po?" Nakangiting tanong nila sa akin. 

Napakamot ako sa ulo ko at kinagat ang labi ko. "Hindi kasi ako yung representative ng JM University sa Next Top Queen," Nawala yung mga ngiti sa labi nila kaya napanguso ako.

"Po?" tanong nung isa na mukhang hindi matanggap ang sinabi ko.

Napahilamos ako sa mukha ko at huminga ng malalim. "Hindi ako yung representative ng JM University sa Next Top Queen," I repeated.

"Kung hindi ikaw, Sino po?"

"Si Theophany Penelope. Hindi pa ba naka post ang tarpaulin ng full list candidate-"

"Pero ikaw po yung gusto namin!" Nagkatinginan yung sila kaya napakamot ako sa ulo ko. Tumango yung isa at ngumuso pa.

"Ate, marami po kami nag-aabang sa'yo..."

"Pero ako yung band majorette ng JM University, makikita niyo parin ako, " Ngumuso sila kaya napanguso rin ako.

"Pero po kasi-"

"Suportahan niyo nalang ang JM University kung gusto niyo, hind din kasi ako marunong sa mga pageants pageants kaya nagdecline ako." Mas tinulisan nila yung nguso nila.

"Kasi—Kelan po yung parade at showdown niyo?" The first girl got cut off by the second girl kasi siningit niya yung showdown. 

"Kahapon nag parade kahapon, hindi ba kayo nakapunta?" They both shake their head. Sayang!

"May Parade kahapon para sa opening ceremony tas another parade para sa Fiesta ngayong 30 kasama na don ang showdown." Tumingin yung First girl sa kasama niya.

"Sa 30 nalang tayo bumalik dito, hindi naman pala siya yung Next Top Queen eh." Isa lang masasabi ko, I feel bad for Theo.

"Sige!" Napangiti nalang ako at inihatid sila sa Entrance since mag Fi-Five pm na rin naman.

"Paalam po!"

"Ingat kayo"

"Oo po! Babye po!" Nginitian ko lang sila at hinintay na makasakay sila ng Taxi bago pumasok sa JM at dumiretso sa bakeshop para bumili ng tinapay para kay Kuya at syempre juice narin. Binayaran ko yun gamit yung pera ni Kuya at naglakad pa pauwi.

Pakiramdam ko may sumusunod sa akin kaya tumingin ako sa likuran ko at tumabo palayo. 

"REEEEN! HOY! HUWAG KA TUMAKBO....REEEN!" Hindi ko na nilingon si Carlo at mas binilisan pa ang takbo ko. 

Kukulitin na naman ako ng lalaking yan kung bakit hindi ako bumalik kanina sa plaza! si Carlo pa?

Nabangga ko si Eugene kaya humingi ako kaagad ng despensa sa kanya pero ngumiti lang siya. "Can I ask for your advice?" Ano daw? 

"Huh?" Tumingala ako kay Eugene at kinunot ng bonggang-bongga ang noo ko. 

Kailan pa ako naging advisor? CSS nga kinuha kong kurso kasi ayoko maging teacher tapos hihingi siya ng advice?






To be continued.....

A/N: I honestly, suck at explaining so FYI, ito po yung binasehan ko ng style sa Divider nila Reina Joy pero malapad po yung sa may TV hehehe~

(photo, not mine so is the furniture. Credits to the rightful owner)

 Credits to the rightful owner)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon