Chapter 134: Just on time

18 3 0
                                    

REINA JOY

Napatingin ako sa may pinto dahil narinig ko ang tunog na parang may nagbukas ng gate.

"Sorry! Late ba ako?" natatawang tanong ni Eugene at hinubad ang sapatos niya bago tumakbo papasok sa loob ng bahay. Akala mo naman bahay niya.

"Just on time. Marami bang tao sa bakery kaya natagalan ka?" Tumango si Eugene sa tanong ni Kuya. Tumabi si Mama kay Kuya at hinawakan ang balikat niya.

"Naikwento nga pala ni Joseph sa akin ang tungkol sa'yo. Kung mag-ha-hire ng trabahante ang Uncle Jose mo, ihahanap kita ng pwesto." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Mama at siniko ng palihim si Kuya na nakatayo sa tabi ko.

"Ito ba yung sinabi mo na pag-iisipan mo kung ano ang magagawa mo?" I asked at him. 

Kuya shrugged his shoulder kaya ngumiti ako ng malapad at niyakap siya sa beywang ng mahigpit.

"Salamat! Pero tutulong parin ako sa bakeshop nila ah?" Nawala ang ngiti sa labi ni Kuya dahil sa request ko at tiningnan ako ng masama. 

"No."

"Sige na kuyaaa. Please?" Tinitigan ni Kuya ang mga mata ko at pinag singkit iyon bago umirap. I know what that eye roll means hehehehe.

"Yayyy! The best ka talagaa!" Umirap na naman si Kuya habang yakap yakap ko siya.

"Kumain ka na nga d'yan. Ang dami mong sat-sat." Tumango ako ng maraming beses bago ko niglayan ng pagkain ang paper plate ko. "Kumain ka pa, Mr. Vice! Gusto mo letchon?" tanong ko kay Mr. Vice at tumingin sa kanya. His plate is almost empty.

"P-Pwede ba?"

Ngumiti ako ng malapad. "Oo naman no! Ano ba gusto mo? Balat ba or ribs?" Nakachop-chop na kasi yung letchon kaya kung ano bet niya dun, yun na lang ang kukunin ko. 

"Ribs," he answered shyly. Tumango ako kay Mr. Vice at tumayo sa upuan ko para abutin yung plato kung nasaan ang letchon at nilagay sa harapan ko. Pumili ako ng mga ribs at saka nilagay sa plato ni Mr. Vice. 

"Gusto mo din ng kanin? Spaghetti gusto mo?" sunod-sunod kong tanong. 

Nginitian ako ni Mr. Vice kaya mahiya akong napakamot sa batok ko at ngumisi. "Sure. Put what you want to put in my plate. I'll eat it." 

"TALAGA?!" Tumawa si Mr. Vice.

"Hm!"

"Talaga po Tita? Salamat po!" Napatingin ako kay Eugene at kay Mama. Hinawakan ni Eugene ang kamay ni Mama kaya ginulo ni Mama ang buhok niya. Pinanood ko sila Mama habang nilalagyan ng kanin, letchon ribs, afritada, bihon, lumpia, spaghetti, at hotdog na nasa stick ang plato ni Mr. Vice.

"Minsan lang kasi nagkakaroon ng totoong kaibigan itong baby girl namin at sinabi rin naman sa akin ni Joseph na masipag ka," nakangiting sabi ni Mama.

"Hindi po kita bibiguin Tita! Ren...." Tumingin sa akin si Eugene kaya ngitinian ko siya.

"Salamat talaga. Salamat ng sobra sobra." Pinunasan ni Eugene ang luha sa mga mata niya kaya napangiti si Mama at hinimas ang basang likuran niya. Basa siguro yun kasi tumakbo siya galing sa bakery papunta dito. Hehehe

 "Salamat po talaga..."

***

"Kumain pa kayo, may pagkain pa doon sa mesa." Anyunso ni Mama habang binibigyan ng plastic cups ang mga nasa sala. Kinuha ko ng fruit juice na ginawa nila ni Dad at sinalinan yung mga baso ng mga loko.

"Punuin mo naman!" Binatuhan ko ng masamang tingin si Carlo. Ngumiti siya ng malapad kita gums kaya napairap na lang ako at pinuno yung baso niya at baso ng iba para patas.

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon