FRANCO
"Ma, I'm hungry," Hindi natapos ni Tita yung sasabihin niya at lumingon kay Joseph.
"Okay, tapos na rin ako." Tumayo si Tita at nilagay yung bowl na may lugaw sa lamesa at tinulungan si Joseph na umupo sa kama para patayuin. Pati sila Bossing tumulong din para patayuin si Joseph at pinaupo dun sa monoblock.
Nang makaupo si Kuya Joseph dun sa monoblock, lumapit si Tita sa kanya para tulungan sana siyang kumain pero umiling siya at kumain ng siya lang.
Napakataas parin ng pride niya. Parang nung dati lang.
Bumukas ang pinto at niluwa nun sila Ren-Ren at Carlo boy na nagbabanggayan na may hawak-hawak na mga plato, kutsara at tinidor.
Hindi ko nakita ang Papa ni Reina Joy dito. Baka may trabaho kaya wala dito. Kinausap ni Reina Joy si Tita at mukhang seryosong usapan yun dahil nag-bu-bulung-bulungan silang dalawa.
Reina Joy smiles after at the middle of their conversation tapos tumalon-talon sa saya.
"Anong meron?" tanong ni Dean kay Carlo boy.
"Yung kay Eugene hehehehe," sagot ni Carlo boy sa tanong ni Dean.
Oh! Tungkol dun sa trabaho na e o-offer ng parents ni Reina Joy kay Eugene? Ang swerte naman ni Eugene.
"Ba't hindi niyo kasama si Eugene? Pag nakita niyo si Eugene, sabihin niyo na pinapapunta siya ni Papa sa kompanya ah?" sabi ni Reina Joy. Tumingin siya sa aming lahat ng may ngiti sa mga labi niya. "Ah?" tanong niya ulit.
"Y-yes. Of course," sagot ni Quintin at tumingin kay Shannon.
"Bakit? ano meron?" tanong ni Shannon ng nakakunot-noo.
"La kampake, Lolo." Tinakpan ko ang labi ko dahil sa sagot ni Reina Joy at pinigilan ang sarili ko na humagikhik.
"Ano!?"
Ito na naman silang dalawa. Kung kami ni Dean graduate na sa pagbabangayan na 'yan, si Bossing Shannon at si Reina Joy na naman ang nagkapikunan. Hay nako.
***
"Sa isang classroom may iba't ibang mundo, may nagpapaganda, may laging tawa ng tawa, may naghaharutan, may nag do-drawing, may joker, may nag ce-cellphone, may lakad ng lakad, may kumakanta, may feeling teacher, may nag fofocus sa klase, may feeling artista, may pasimuno ng gulo at syempre, Hindi mawawala yung si-sigaw na 'NANDYAN NA SI MAAM' kahit wala naman -ZEROIANS" Napataas ang kilay ko pagkatapos kong mabasa ang post ni Carlo sa Facebook.
"Gago 'to ah? Ginagawa ba natin yan?" tanong ni Bossing Orion pagkatapos niya ring basahin ang post.
"Oy ah! Bakit hindi ba?" Nakangusong sagot ni Carlo.
Tinapon ko kay Carlo ang mais na kinakain ko at tiningnan siya ng masama. Sa pagkakaalam ko hindi naman kami ganon ka jejemon. Punyeta.
"Arayyy! hahahahahahaha!"
Ano kaya magiging reaksyon ni Reina Joy pag nabasa niya yung post na yun? Malamang maghi-histirical na naman yun. Ito namang si Carlo! Jusko.
"Nice one, Carlo Boy!!" sabi nila Dean at inambahan ng yakap si Carlo.
"Class Zero Foreveeer!!"
***
Kanina pa kami practice ng practice dito. Hinanap nga ni Kuya Sean si Ren-Ren pero sinabi namin sa kanya yung nangyari kahapon kaya na tahimik siya.
"Napakagandang babae nung batang yun no?" sabi ni Kuya habang nagpapasilong kami sa malaking puno.
"Talaga po?" Napakatalas talaga ng tenga ni Carlo boy pag si Ren-Ren ang pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Ficção AdolescenteBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...