REINA JOY
Niyakap ko ang bewang ni Kuya at ngumiti ng malaki habang pinipicturan kami ni Carlo. Pagkatapos kaming picturan ni Carlo, tumakbo ako papunta sa kanya para tiningnan ang picture namin ni Kuya.
"Tayo rin, Ren! Picture tayo!" Napamake-face ako sa sinabi niya. "Sige naaa! Kuyang Joseph, picturan mo kami oh," nakangusong wika ni Carlo kay Kuya.
Napabuntong-hininga si Kuya at nilahad ang kamay niya na ikinangisi ng malaki ni Carlo. "Akin na," Walang nagdadalawang isip na binigay ni Carlo kay Kuya ang cellphone ko at niyakap ang bewang ko.
"Smileee," Niyakap ko ang tuktok ng ulo ni Carlo at ngumiti ng malaki.
Pagkatapos namin mag picture, nagpaalam ako kay Kuya na babalik kami sa bleacher but he insisted to come so pinasama namin siya. Umupo kami ni Carlo sa upuan namin habang pinapanood ang performance ng Class Two.
Kanina pa ako kinakabahan, pinipilit ko lang ang sarili ko na maglikot para maibsan ng konti ang kabang nararamdaman ko.
"Compress," Napatingin kami sa ibaba at nakita namin si Sir four eyes na may kasamang photographer. "Compress, Class!" sabi niya sa amin. Nagkatinginan kaming lahat at bababa sana pero pinigilan kami ni Kuya.
"Diyan lang kayo, yung mga nasa itaas bumaba kayo at umupo kayo sa tabi ni Reina Joy," Kuya instructed.
"Ako muna!"
"Bilisan moo!"
Umupo sa tabi ko si Franco at hinawakan ang braso ko. Umupo silang lahat sa tabi namin ni Carlo, excluding the Boss. Nandoon sila sa itaas ng upuan namin at nag-akbay pa.
"Okay na?" tanong ni Sir four eyes. Tumango kami. Nakangiting lumapit si Sir sa amin at umupo sa harapan namin. "Smile, Class! I'm proud of you all."
"Sir naman ihhh!" natawa ako sa reaksyon nila Franco na pinagsisipa pa yung mga paa nila.
"Basta naa! Smile, Class!" Sinenyasan kami ng photographer and also Kuya went there at kinuha ang cellphone niya para picturan kami. Tumingin ako sa Class Zero and they are smiling with their gums out na ikinangiti ko ng malaki.
Tumingin ako sa camera at ngumiti ng malapad.
***
Kuya has Class every saturday at morning pero umabsent siya para manood ng contest. Humigop ako sa 8 oz pepsi ko habang nanonood sa performance ng Class One. Yep, Class One na, kami ang pinakahuli. Inabutan ako ni Kuya ng fish cracker at kumuha naman ako para may makain.
"Si Donna..." I whispered.
"She's under investigation. Umamin yung dalawang lalaki na siya ang nag-utos tungkol sa abduction ko," Kuya answered. I nodded my head. Napatingin ako sa entrance ng Dome at nginitian ng malapad si Piercy. Piercy waved his hand at me tapos tumingin kay Kiefer.
"Kuya, yung tungkol kay Kiefer at Keahnna ba?" Tumingin ako kay Kuya at ngumiti ng tipid. "You can disregard it na. I'm sorry I doubted them, especially Kiefer," I mumbled.
Pinisil ni Kuya ang pisngi ko kaya napanguso ako. "Okay, as you please..."
"MARAMING SALAMAT CLASS ONE! Napakahusay niyo! Bigyan niyo sila ng Sampung palakpak ng huni ng ibon," Nag-ingay ang mga estudyante habang pumapalakpak kaya napangiti ako at pumalakpak din.
"Class Zero, bumaba na kayo at maghanda," sabi ni Sir four eyes.
Unang bumaba si Quintin, Shannon, Orion, at Mara para kunin yung kawayan na nasa ibaba ng bleacher. Binigay sa akin ni Carlo ang paper bag ko at tinulungan ako sa paglagay ng mga fake long nails sa kamay ko tsaka kami tumayo.
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...