REINA JOY
"Mukhang ako ata yun, Jasper. Ang sarap kasi ng tulog ko e, pero don't worry! Mabango na baba ko. O amoyin mo pa!"
"YUCK! AYOKO NGAA! KADIRI!" Natatawa na sagot ni Jasper.
"Ang arte mo naman! Nung dati nga hinalikan mo ko-"
"YUCK CARLO BOY! ANO PINAGSASABI MO?!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA!"
Gagi talaga tong si Carlo.
Pagkatapos namin kumain lahat, bumalik na kami sa practice room at habang wala pa si Kuya Sean, nagka-counting sila ng mga steps nila. Ako naman, ito nagpatulong kay Ivan sa costume ko at sa head dress.
Sinapawan ko ng t-shirt ang costume ko. Ayoko mag bra no. Sobrang nipis kaya ng tela! Klarong-klaro bra ko kung mag ba-bra man ako.
"Aray aray...." daing ko habang tinutulungan ako ni Ivan na suotin ang headdress.
"Sawrry!" natatawa na sabi niya. Tumingin ako sa salamin dito sa practice room at ngumiti ng bonggang bongga.
Since maaga pa at wala pa si Kuya Sean, yung mga dancer namin sumayaw na naman sa harapan ng salamin suot-suot ang costume nila. They are dancing that Feels song by Calvin Harris featuring Pharrell Williams, Katy Perry & Big Sean and here I am recording video at them.
I always find myself smiling tuwing nagpakitang gilas sila. Hehehehe!
"Ren, picture tayo!" sabi ni Shannon at tumabi sa akin.
Hindi na ako nakaayaw dahil kinuha niya ang cellphone ko at saka binuksan ang front cam ng camera. Naghanap kaming dalawa ni Shannon ng spot kung saan maganda ang lightning.
Inayos ko ang buhok ko sa camera at dahil mas mataas si Shannon kesa sa akin, siya ang humawak ng cellphone ko at saka kami nag picture dalawa.
"WOY! ANDAYA ba't kayo lang? sali kami!!!" sigaw ng mga loko at tumabi sa aming dalawa ni Shannon.
Pumunta sa harapan namin ni Shannon si Luiz kaya nilagay ko ang kamay ko sa ulo niya at yumuko para makita ang mga nasa likuran. Sa aming labing siyam, si Shannon ang biniyayaan ng tangkad. Sunod sa kanya si Quintin at Gino and what do you expect? Syempre ako ang pinakamaliit!
Hinawakan ko ang headdress ko at pinausog ang iba sa likod para makita sa camera.
"Okaay! One...Two.... Smileeee!"
***
"Reina Joy, try gliding your body down. Wala kang ha-hawakan na rosaryo or ano. It's your hands movement na magka-katch ng atensyon sa mga judges and audience," sabi ni Kuya Sean. Tumango ako sa kanya at hinawakan ang headdress ko.
"Boys, doon muna kayo sa likod. I'm just gonna practice with her," sabi ni Kuya Sean.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin dito sa practice room. "Kuya Sean, pwede ko ba munang tanggalin tong head dress? Nahihilo kasi ak-" Hindi ko pa man natapos ang sasabihin ko, tumayo ang Class Zero at pumalibot sa akin para tanggalin ang headdress sa ulo ko.
"Akin na yaan!" sabi ni Franco at kinuha ang headdress ko.
"Ingatan niyo yan," paalala ni Kuya Sean sa kanila kasi pinag aagawan nila ang headdress at nag selfie. Mga shunga talaga.
"Okay so let's start. Watch me..."
Tumingin ako kay Kuya Sean at nilagay ang kamay ko bewang ko habang pinapanood siyang sumayaw at bumalit-ad para sa sayaw. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinapanood si Kuya Sean at tumango.
Ginaya ko ang ginawa ni Kuya Sean habang nakatingin sa salamin pero kumikirot ang likod ko tuwing naiinat ang katawan ko kaya konti lang ang inat na magagawa ko.
"Masakit ba katawan mo?" tanong ni Kuya Sean sa akin.
Ngumiti ako at dahan-dahang tumango. Hindi pa magaling ang likod at ang tiyan ko no! Bilin nga ni Kuya huwag daw ako magpagod masyado dahil baka mas malala maramdaman ko sa susunod na araw. Pag minamalas ka nga naman...
"Okay, we won't do that one nalang. Bend ka nalang," sabi ni Kuya Sean.
Inistart niya ulit ang music at nagsimulang sumayaw. Ang stepping niya ngayon ay mas bet ko kesa sa una. Nakayoko lang kasi tapos winawasiwas lang yung kamay sa magkabilang gilid.
Mas simple kesa kanina.
Ginaya ko si Kuya Sean pati ang steps ng paa niya hanggang sa namemorize ko na yung steppings na gagawin ko. "Okay na?" tanong ni Kuya Sean. Tumango ako sa kanya at ngumiti ng malapad.
"Okay na okay!!!" Ngumiti si Kuya Sean at tinawag ang boys para masimulan ang seryosong practice.
***
Pagkatapos ng practice namin, umuwi na kami. Syempre para makapag pahinga. Trip nga sana ng Class Zero na dito matulog ulit, hindi na pumayag si Kuya. Speaking of Kuya, umalis siya. Ngayon lang. Bumalik siyang school kasi pinatawag silang mga officer para sa program bukas kaya ako lang mag-isa ngayon sa bahay.
Hindi ako takot na ako lang mag-isa. Nakalock naman yung gate at saka pinakawalan ko si Covid para kung may dumating man na hindi ko kilala or magnanakaw, mayron si Covid na mag-iingay.
Kakatapos ko lang magluto ng guso and what do you expect with me and my love guso? Syempre kumakain ako ngayon. HAHAHAHA! Wala akong magawa kaya nanood na lang ako ng mga music video ng mga kanta at sinasabayan yun. It's my way of killing my boredom. Hehehehe
Sumubo ako ng guso at napatigil sa pag nguya nang biglang nag ring ang bell sa gate. Tumayo si Covid at tumakbo papunta sa bintana dito sa bahay at tumahol.
Is Kuya home?
Mas naging aggressive ang tahol ni Covid kaya kinuha ko ang cellphone ko sa sofa at tinawagan si Kuya pero cannot be reached siya. Napanguso ako at tumayo sa sahig at pumunta sa harapan ng bintana para tingnan kung sino ang nandoon.
Tinawagan ko ulit si Kuya and this time, he answered the call. [I'm going home... why?] tanong ni Kuya as soon as he answered the call.
"Wala... may nag ra-rang kasi ng bell sa gate. Akala ko ikaw..."
Napagasp ako nang makaaninag ako ng lalaking nakatayo sa harap ng bahay. Mabilis kong inayos ang cellphone ko at pinicturan ang lalaking yon bago binuksan ang ilaw ng garahe namin.
"Nasaan na yun?" bulong ko at binuksan ang pinto ng bahay at saka lumabas pero wala na yung lalaki. Shuta! Siya yung nakita ko nung nakaraan! Siyang siya yun. Pigura pa lang ng katawan niya, sigurado na ako na siya yun!
Binuksan ko ang gate ng bahay at lumabas para tingnan ang labas ng bahay namin pero wala na siya.
*Beep*
Napatalon ako sa gulat nang may biglang sumerbato sa pwesto ko. Napatingin ako sa likod at tinakpan ang mukha ko galing sa malakas na ilaw ng kotse. "WHAT THE HELL ARE YOU DOING?! GET INSIDE!" I know that voice!!
Napatingin ako sa cellphone ko at pinatay ang tawag namin ni Kuya.
Tumakbo ako papunta sa kotse niya habang nakatingin sa paligid. "Nakita mo ba?" tanong ko kay Kuya.
Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "What?"
"Yung lalaki. Yung lalaking nakatayo sa harap ng bahay. Nakita ko siya. Nakita ko rin siya nung nakaraang araw," sabi ko kay Kuya at tumingin ulit sa paligid.
"Get in," utos ni Kuya.
To be continued.....
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...