REINA JOY
"Nakita mo ba?" tanong ko kay Kuya.
Kumunot ang noo niya sa tanong ko. "What?"
"Yung lalaki. Yung lalaking nakatayo sa harap ng bahay. Nakita ko siya. Nakita ko rin siya nung nakaraang araw," sabi ko kay Kuya at tumingin ulit sa paligid.
"Get in," utos ni Kuya.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at sumakay sa loob. Inistart ni Kuya ang engine ng kotse niya at pinasok ang kotse sa loob ng garahe. Bumaba kaagad ako at sinara ang gate ng bahay.
Pagkatapos kong isarado ang gate, tumingin ako sa paligid and my eyes squints when I saw someone walking away but I can't see it well dahil nasa malayo na siya.
Pag nalaman ko talaga kung sino yung lalaking yun, ipapakulong ko siya! Bahala na si batman.
"Pasok na." Napatingin ako kay Kuya at tumango bago ako sumunod sa kanya sa loob ng bahay.
Hinubad ni Kuya ang sapatos niya nang makapasok siya sa bahay at ako naman ay sinara ang pinto at pinatay ang ilaw sa garahe. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Kuya na naglalakad papunta sa kwarto niya kaya bumalik nalang ako sa sofa at ipinagpatuloy ang pagkain ko ng guso.
After an hour, bumaba na si Kuya at umupo sa tabi ko. "Where did you see him?" tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone ko at binigay yun sa kanya. "Na picturan ko siya... tingnan mo."
Tumingin si Kuya sa akin bago kinuha ang cellphone ko at binuksan ang gallery. Nilakasan niya ang brightness ng cellphone ko habang nakatingin sa picture na kuha ko kanina at mabuti nalang may night ver. ang camera ng cellphone ko.
"May I borrow your phone for a while?"
Tumango ako kay Kuya. "Oo naman!" Tumayo si Kuya sa tabi ko at pumunta sa kwarto niya.
Tinuloy ko ang panonood ng music video sa smart TV ni Kuya habang kumakain ng guso. Time check, it's already 10 in the evening at hindi pa rin bumaba si Kuya. Hindi pa yun kumain no!
Pinatay ko ang TV at tinawag si Covid na sumunod sa akin. Tumahol ang aso ko at saka kami sabay na pumunta sa itaas. Huminto kaming dalawa ni Covid sa harap ng kwarto ni Kuya. Tumingin ako kay Covid at natawa ng mahina nang tumingala din siya sa akin.
Kakatok sana ako sa pinto nang bigla yung bumukas at nakita ko si Kuya na nakatayo sa harapan ko, hawak-hawak ang cellphone ko na halos mayupi na sa sobrang higpit.
"Kuya! Ang cellphone koooo gagi ka baka masira. Akin na nga yan!" Binawi ko ang cellphone ko sa kanya at tiningnan ang cellphone ko— My jaw drops dahil sa larawang naka flash doon at dahan-dahang tumingala kay Kuya.
***
"K-Kuya..." tawag ko kay Kuya but there's no emotion plastered on his face. Pinatay ko ang cellphone ko at umiwas ng tingin.
"When was that taken?" tanong ni Kuya. Hindi ako sumagot at ta-talikod sana nang hawakan ni Kuya ang braso ko. Hindi ang normal na pagkakahawak kundi ang mahigpit.
Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sakit ng pagkahawak niya at binawi ang braso ko galing sa kanya. I would never answer that question. Kung bakit kasi hindi ko binura yung picture ni Kiefer at Keahnna sa cellphone ko- Ang bobo ko talaga! Napaka tanga ko!
Hindi ko dinapuan ng tingin si Kuya at naglakad paalis papunta sa kwarto ko. I was about to slam the door close nang hawakan ulit ni Kuya ang braso ko. Making me turn my half body to him. Tumingin ako kay Kuya at umiwas ng tingin. Alam kong galit siya sa nakita niya. For sure pinaghihinalaan na naman ako ng lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Hi Flower (part 2)
Teen FictionBeing a Muse of your class was never easy especially if most of your classmates are boys. Class Zero is a class where students who have Grade of 80 below were placed and the moment she stepped into her new classroom, opportunities are now within the...