Chapter 179: K.

16 1 0
                                    

REINA JOY

"Pupunta si Kuya dito. Mukhang papagalitan niya si Sir," sabi ko at nginuso ang trainor namin na na nasa loob.

"Huh? Bakit naman?"

"Malamang, ang lalim na ng gabi tapos andito pa rin tayo!" Nilagay ni Carlo ang kamay niya sa baba niya habang nag-iisip. "Sasabihin ko na lang si Kuya Sean na pupunta dito si Kuyang Joseph, hintayin mo si Kuyang Joseph sa labas, Ren. Ipaintindi mo nalang sa kanya bakit matagal tayo natapos," sabi niya. Tumango ako at ngumiti.

"Sige na, pumasok ka na." Tumango si Carlo boy at tumakbo papunta sa loob ng practice room ng tumatalon.

I gently shook my head at naglakad palabas ng building. Nagbow ako sa dalawang babae na na-encounter ko kanina at unlike earlier, they look enlighten na. They even smiled at me.

Pumunta ako sa may parking lot ng building at pinagkrus ang braso ko habang naghihintay kay Kuya. I take a quick glance at my wrist watch para tingnan ang oras. It's 8:40 in the evening at sobrang dilim na rin. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Kuya saying that I'm at the parking lot waiting for him.

He replied with K.

Binalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko at pinagkrus ulit ang braso ko. Napatayo ako nang maayos nang may maaninag akong kotse paparating sa pwesto. I thought it's kuya but I'm wrong. Ibinaba ni Keahnnang haliparot ang bintana niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"What are you doing here? Diba dapat nandoon ka sa loob kasama ang mga basura mong kaklase?"

I smiled dahil sa sinabi niya. "Basura man sila sa 'iyong paningin. Mas basura ka parin," Nakangisi kong sagot sa kanya.

"Well, you just admitted that they are a trash,"

"I didn't? Wala ka bang hearing with comprehension?" I shook my head. "At ang Class Zero basura? Guess what? They are shining now, and then look at you, still tailing my brother. Shocks. Nakakagulat."

"Reina Joy," Nginitian ko si Keahnnang haliparot nang dumating si Kuya at hinawakan ang braso ko. "Let's go," he whispered at me. I nodded my head.

Aalis na dapat kami ng biglang sumigaw si Keahnna. "They are still trash! Bunch of losers!" Kinuha ko ang braso ko kay Kuya at bumalik sa pwesto ni Keahnna.

"Kung basura sila, proud ako maging langaw. Kesa sayo. If you are a trash, sino ang langaw mo? Wala." Tiningnan niya ako sa mata kaya tiningnan ko rin siya. 

Napako ang tingin ko sa labi niya at tumawa. 

"Not to mention that the black lipstick you're wearing suits you perfectly. Katulad kayo, maitim.... ang budhi mo." Itinaas niya ang bintana ng kotse niya and drove off.

Inayos ko ang sarili ko at sinabayan ng tingin ang kotse ni Keahnna hanggang sa mawala na yun. Lumingon ako kay Kuya whose crossing his arms and smiles awkwardly.

"Siya nauna!"

He rolled his eyes and wrapped his arm around my neck. "Tara na. Asan yung trainor niyo? Kakausapin ko." Jusme. akala ko nakalimutan na niya yan. TT

"Kuya naman. Ngayon lang naman kami ginabi ng practice—"

"No, still. Asan siya?" Napabuntong-hininga ako at tinuro ang building.

"Tara na..." Wala na akong ibang magawa kundi ang magpatianod kay Kuya. Mahirap na. Baka pagalitan niya ako huhuhuhu.

Pumasok kami ni Kuya sa loob ng building at itinuro sa kanya kung saan yung practice room. Syempre I keep on praying in my head na tapos na sila mag practice no! and also sana hindi pagalitan ni Kuya yung trainor namin. Kasi hoy! trainor namin yun, paano pag nagquit siya? edi wala na kaming trainor?

Pinihit ni Kuya ang doorknob at binuksan ang pinto. Sumununod ako sa kanya and Kuya's eyes grew wide ng makita niya ang trainor namin. "Sean, ikaw ang trainor nila?"

Wait. Kilala ni Kuya ang trainor namin?

"Joseph! Anong ginagawa mo dito?" tanong nung trainor namin at lumapit kay Kuya para yumakap. Umalis muna ako sa tabi ni Kuya at pumunta kay Carlo. Nakaupo sila lahat sa sahig. Mukhang nag meeting ata sila.

Niyapos ni Carlo ang braso niya sa akin at tumingin sa gawi nila Kuya at ang trainor namin na nag-uusap sa may pinto. Nagtatawanan pa nga sila eh. Sanaol close.

"Nag meeting kayo?" tanong ko kay Shannon.

He nodded his head. "Sinabi niya lang sa amin ang tungkol sa costume namin at sa costume mo," he answered.

My brows furrowed. "Costume ko? May costume na ako?" Tumango si Shannon at kinuha yung papel na hawak ni Angelo at binigay sa akin. Tinanggap ko yun at tiningnan ang nakaprint doon.

"Meron ka ring head-dress. Sinabi din namin sa kanya na baka biyernes to linggo ang practice natin sa susunod na linggo dahil may PT tayo sa Folk Dance." I nodded my head habang nakatingin sa printout.

Ang ganda ng damit. Katulad nung mga nakikita kong costume ng Kaamulan dancers. Bet!

"Tsaka, Ren. Magbabayad daw tayo para sa rent ng mga costume," said Mara.

"Magkano daw?"

"200 per head daw kami tapos sa'yo 250 daw," sagot niya sa akin.

"Sige, kakausapin ko si Kuya tungkol diyan. Kelan kayo magbabayad?" Tumingin si Mara kay Quintin. "Maybe sa next practice na," sagot ni Quintin at tumango-tango. I also nodded my head.

"Mabuti nga at mura lang. Kesa yung sobrang mahal," ika ni Nestor.

"Oo nga. Hirap kaya hanapin ng pera ngayon," saad ni Orion.

"OKAY! DISMISS NA KAYO!" Tumingala kami kay Kuya Sean when he claps his hands. Tumayo na ang Class Zero kaya tumayo rin ako with the help of Carlo.

Dinampot nila yung mga bag nila sa sahig at nag-inat-inat.

"Let's go home?" tanong ni Kuya sa akin nang makalapit siya.

"Sama akoooo!" Kuya slams his palm on his face, dahil kay Carlo. Sinakal niya si Carlo habang naglalakad sila palabas ng practice room.

Napangiti nalang ako at sumunod sa kanila. "Ren," Napalingon ako sa likuran ko at nginitian si Quintin.

"Bakit?"

"About the other night, I-"

"REINA JOY! GUSTO MONG PALUIN KITA? HALIKA NA!"

"— Sorry, Quin. Bukas mo na lang sabihin gusto mong sabihin, ah? Si Kuya kasi e. Byeee! Bye poo!" sabi ko sa kanilang lahat at tumakbo para sundan sila Kuya palabas ng building.

Ano kaya yung sasabihin niya? Nacurious ako bigla.




To be continued..... 

Hi Flower (part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon