third pov=
Pagkatapos kumain nina jennie, liam, seulgi at irene ay bumalik na sila sa court dahil maglalaro na sina liam at seulgi kaya naupo na ang dalawa ni irene at jennie para manood at sumunod na lang ang lolo nina liam dahil may kinausap pa ito.
Maganda ang naging laban nina liam dahil dikit na dikit ang score nila sa kalaban at halos 2 points lang ang lamang nila dito. Habang naglalaro sila walang tigil sa pagcheer sina irene at jennie masaya sila ngaccheer at nagsasasayaw pa kaya napapangiti na lang sina liam at seulgi sa kanila.. kapag time out taga abot ng tubig at taga punas ng pawis nila sina jennie at irene at masaya naman silang pinagmamasdan ng lolo nila sa malayo. Hanggang napansin ng lolo ni liam ang closeness nina jennie at liam kahit may girlfriend na si liam.. habang naglalaro sila di inaasahan na nagkamali ng bagsak sa pagtalon si liam kaya nainjured ito na nakita agad ni jennie kaya nagmamadali syang humingi ng tulong para alalayan si liam papunta sa bench
Jen: liam ano pakiramdam mo ok ka lang ba baka nabalian ka ng buto tatawag na ko ng ambulance para madala ka na sa ospital..
Liam: wag na jen ok lang ako.
Jen: sure ka ba namamimilipit ka sa sakit eh.. wait nga tawagin ko si bobby.
Kaya tinawagan ni jen si bobby para dalhin sa ospital si liam. Pagdating nila sa ospital pinaassist agad ni jen si liam maXray kung may fracture.. at nalaman nila na nadislocate ang buto nito kaya emergency na inayos ang buto ni liam sa paa ng orthopedic doctor. Napaluha sa sakit si liam habang nahawak sya kay jennie. Kaya naadmit si liam sa ospital at sumunod na lang si seulgi pagkatapos ng game nila.
Pagbukas ng pinto ni seulgi naabutan nya na tulog sina jennie at liam nakayuko lang si jennie sa gilid ng higaan ni liam kaya ginising nya ito dahil kailangan na nyang umuwi dahil naghihintay sa kanya si ella.
Seulgi: jen gising ka na..
At napamulat ng mata si jen..
Jen: ahh seul ikaw pala..
Seulgi: ako na bahala dito jen uwi ka na naghihintay ang anak mo sayo.
Jen: ah oo nga pala gabi na.. si ate irene umuwi na ba?
Seulgi: oo hinatid ko na sya para sabihin kay ella kung bakit malalate ka ng uwi.. wag ka na mag alala ako na bahala dito mamaya nandito na din si jisoo..
Jen: ok seul salamat kapag nagising si liam sabihin mo babalik na lang ako bukas. Nagbilin na ko kay bob na magdala ng mga damit ni liam dahil ayaw nya magsuot ng hospital gown.
Seulgi: ok sige salamat din. Ingat ka pauwi ok text mo sa kin yung plate number ng taxi na sasakyan mo para sure..
Jen: ok bye..
=Irene POV=
Pagdating ko sa bahay naabutan ko si sehun na tumutulong kay papa at bam na magreceived ng mga delivery na stocks namin sa restau at ilan last week ko pa sya napapansin laging nandito.
Rene: oh anak nandito ka na pala
Irene: mano po papa..
Sehun: hi irene
Irene: hello sehun napapadalas yata tambay mo dito ahh..
Sehun: ah di naman naiinip kasi ko sa bahay eh.. yung pamangkin ko din kasi palaging nandito kalaro ni Ella.
Irene: ah kaya pala.. sige akyat muna ko sa taas palit akong damit..
Pagakyat ko sa 2nd floor nakita ko si sina yeji at ella na nag aaral. Sinabi ko agad ang nangyari kaya si ella hindi mapakali at gustong makita ang daddy nya kaya nagtext ako kay seul na pauwiin na si jen dahil hinihintay na sya ng anak nya.
BINABASA MO ANG
Love Will Find A Way [COMPLETED]
عاطفيةA Story of teenage girl who got pregnant by one night stand to a teenage boy that she doesn't even know. And by chance they meet again because of a set up blind date.