Chapter 29

138 4 0
                                    


Naglalakad si jisoo dahil nasira ang  kotse nya at dinala nya sa talyer kaya nag hihintay na sya na taxi para makauwi  nang may may napansin syang pamilyar na mukha na kakilala nya nung bata pa sya. Si mang emil kapitbahay nila dati nung napatira sila ng mama nya sa iskwater mabait si mang emil sa kanilang mag ina noon lagi silang binibigyan ng pagkain at pinapautang kapag nawawalan ng budget ang mommy nya para sa school nya at pagkain nila kaya malaki ang utang na loob nya dito. Kalaro nya din ang anak nitong si xander at kaklase nung elementary sa public school.

Jisoo: mang emil kayo po ba yan?

Emil: oo ako nga si emil. Sino po sila sir?

Jisoo: tiyo Emil ako po ito si Jisoo yung batang kapitbahay dati anak ni Cristina Kim kababata po ni Xander. Di nyo na po ba ko natatandaan?

Emil: ahh oo naalala ko na nako ikaw na ba yan? Kumusta ka na? Ang laki ng pinagbago mo ahh ang gwapo mo at mukha ka nang mayaman.

At niyakap ni jisoo si tiyo nya emil di nya alam may palihim na kumukuha ng picture sa kanya sa malayo

Emil: anong ginagawa mo dito hijo?

Jisoo: nag aabang po ako ng taxi nasidaan po kasi ako dinala ko po yung sasakyan ko sa talyer dyan sa malapit.

Emil: ah ganon ba de kotse ka na pala ngayon mayaman ka na nga..

Jisoo: naku hindi naman po medyo sinwerte lang po ng konti sa buhay nung mamatay si mommy kinuha na po ako ng lolo ko at pinag aral kaya po ito kahit papaano may maayos na trabaho pero malungkot din po kasi mag isa na lang ako sa buhay ko namatay na din po ang lolo ko mga ilang buwan na din po nakakaraan.

Emil: ah eh ang ama mo di mo pa rin ba nakikilala?

Jisoo: hindi pa rin po?

Emil: talaga? Kala ko nagkita na kayo kaya maayos na buhay mo. Alam mo nung umalis kayo may naghahanap sa inyo eh mayaman at kahawig mo na lalaki siguro tatay mo yun galing sa america. Eh di ko naman alam kung nasaan kayo kaya di ko kayo naituro.

Jisoo: ganon po? Sayang naman siguro nga po si dad yun. Tanda nyo po ba pangalan?

Emil: pagkakatanda ko dan may kasunod pa eh.. ano ba yun

Jisoo: daniel kim po ba?

Emil: oo tama Daniel nga!

Jisoo: eh kayo po kumusta na? Bakit nandito po kayo dito po ba kayo nagttrabaho banda?

Emil: ahh hindi galing ako sa bangko dahil itiningnan ko yung tubo ng utang namin masyado na palang malaki ang interest at mangungutang pa sana ko kaso di pala pwede may sakit kasi ang asawa ko at si xander di rin naman namin maasahan dahil may pamilya na din may 2 anak na kaya ito ako gumagawa ng paraan..

Jisoo: ah ganon po ba.. gusto ko pong makita si tiya marta pwede po ba akong sumama sa inyo. Wala rin naman po akong trabaho ngayon. Ano po bang sakit nya?

Emil: may cancer sya at nagchchemo sya kaya mabigat sa gastos..

Jisoo: tiyo emil gusto po kayo tulungan dahil noon po tinulungan nyo din po kami kahit halos pareho lang tayong ng katayuan sa buhay.. tara po sa inyo para makita ko si tiya martha at ganon na din po si xander.. dun po na sya sa inyo nakatira?

Emil: ahh oo dun sya nakatira kasama mga bata at asawa nya tricia..

Jisoo: tara po daan muna tayo sa grocery para makabili po ako ng pasalubong sa mga bata at prutas din po kay tiya martha ayoko pumunta ng walang dala hehe..

Emil: sige ikaw bahala di ako tatanggi dyan. At umakbay si jisoo kay tiyo emil nya

Pagdating nila sa bahay nina tiyo emil nya napansin nya na walang nagbago kagaya pa din nung mga bata sila ni xander at inabutan nila si tiya martha na nakaratay sa sakit.

Love Will Find A Way [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon